Chapter 20

42 19 3
                                    


Sabay na binitbit ni Yanna at ni Justin ang mga gamit na pinaggamitan nila sa pagkain, silang dalawa ang naatasan na maghugas na malapit na batis sa kubong pinaruunan nila.

"Dalian mo diyan Yanna ang bagal bagal mo naman maglakad"-angal ni Justin dahil sa medyo may kalayuan na ang agwat nilang dalawa, umirap sa kawalan si Yanna

"Shut up! Pokina ikaw ba maglakad na inaantok ansaya sa feeling yawa"

"Anong yawa?"-natigilan si Justin sa paglalakad at hinarap si Yanna na medyo may kalayuan pa din.

"Chismoso mo! Wala ako oras mag explain sayo"

"Di ko hinihingi explaination mo tinatanong Kita kaya sagutin moko"

Mas lalong nakaramdam ng inis sa kalamnan si Yanna "Pano kita sasagutin kung diko e-explain? Ano bobohan Lang!"

"Sagutin mo Lang wag na e-explain ganon!"

"Tinganang Yan, may saltik kaba?"

Napabuga ng hangin sa kawalan si Justin na tila inis na inis na ngunit hindi niya kayang ipakita sa dalaga na naiinis na siya, kundi napanguso Lamang ito at napabuntong hininga.

"Bakit ba ang hirap hirap mong Kausap? Napaka maatitude mo, Kung pwede nga Lang sana itapon ka sa batis ginawa ko na"

"Ede gawin mo ng magkaalaman Tayo dito"

Tumalikod na si Justin at nagpatuloy na maglakad, tanaw na nila ang batis kaya mas binilisan ni Justin ang paglakad habang walang pake ulit Ang dalaga.

"Bilis! Lilinisin pa natin Yan"-sigaw nito ngunit sa inis ni Yanna ay ibinato niya ang mga plato at kutsarang dala kay Justin na buti na lang ay agad nailagan nito, masama ang naging tingin ni Yanna Sa binata habang nakaawang ang bibig ni Justin na nakatingin kay Yanna, hindi siya makapaniwala na nagawa iyon ng babae, habang papalapit ng papalapit ang babae ay nakatitig lang ito na tila biglang bumagal ang mundo ni Justin at tila naramdaman niya ang pag-iba ng tibok ng kanyang puso, napahawak ito dito at kinabahan ng mapagtantong mali ang kanyang naiisip. Iginala niya ang kanyang tingin sa nagkalat na mga plato upang iwasan na titigan ang dalaga.

"Hugas well, wag moko subukang pahugasin dahil tatapon ko Yan talaga"

Nagsasalita si Yanna naririnig naman ni Justin ngunit ang attention nito ay nasa pagtibok ng kanyang puso.

Ipinilig ni Justin ang kanyang ulo at iwinakli ang kanyang naisip.

"Aano ka naman diyan Kung di ka tutulong ano ka prinsesa?"

"Yup! Matutulog"-Nakangiti ang dalaga na ikinagulat ni Justin, tila naninibago sa inaaksyon nito. "I may not be a princess but I can be your princess Justin"

Agad napalunok si Justin ng magtagpo ang kanilang mga paningin "Tsshhh, if you're going to be my princess then can I be your Prince?"-wala sasariling aniya ni Justin dahil kusang bumuka ang kanyang bibig at nagsalita na galing sa puso.

Una sa lahat, mali ang nararamdaman ni Justin sa dalaga ngunit hindi niya mapigilan ang bugso ng kanyang damdamin, hindi niya mapigilan ang humanga dito. Natural Lang ang humanga, ngunit ang humanga sa kalaban ay isang pagtataksil at kasalan lalo na't siya ay nabibilang sa Prowler at ang babae ay nabibilang sa Region.

There will never be a peace between Prowler and Region.

"You can be my prince if you're ready to die for the law, law between Regions and Prowler"

Sa kabilang dako, nagpaalam si Kriza saglit na iihi lang siya ngunit ang totoo ay susundan niya talaga si Jp. Sa bawat paghakbang niya ay Ramdam Niya ang kirot sa kanyang mga kalamnan ngunit mas pumapaibabaw ang gulo ng kanyang pag-iisip, kapag magkasama silang lahat sa iisang lugar ay Malaya silang nakakagalaw, hindi niya Maintindihan dahil alam nilang lahat na magkalaban sila ngunit bakit nangyayari itong lahat ng to? Bakit may kalayaan sila na Kung tutuusin ay dapat wala silang kalayaan dahil isang hamak na kalaban lamang sila.

Anong plano at binabalak nila?

Tanaw niya si Jp na nakaupo sa ilalim ng puno at nakasandal ito habang nakapikit. Mahina niyang naihakbang ang kanyang mga binti dahil na din sa kirot, ng tuluyan na siyang makalapit ay nagulat siyang napaka tayog ng gilid ng puno, na isang pagkakamali mo ng hakbang hulog ka papunta sa isang ilog na naman, muli niyang naalala ang nangyari sa kanya kanina ang pagkahulog niya sa tuktok papunta sa baba ay parang isang napakamalad na bagay na nangyari sa kanya.

Tumabi siya sa binata habang titig na Titig siya dito ngunit agad na nagmulat ng mata si JP at gulat siyang tiningnan

"Wag moko itulak masakit pa Katawan ko saka na"-aniya Kriza habang nakaturo sa baba.

Malamig ang titig ni JP na tila wala Kang mababasa na emosyon dahil sa angking galing niyang magtago ng emosyon, pati sa kanyang mga Mata, walang buhay ang mga ito at hinding hindi mo mararamdaman ang kanyang emosyon na dinadala.

Ibinalik ni JP ang pagsandal ng kanyang ulo sa puno at muling pumikit kaya malayang tumitig si Kriza dito.

"What are you doing here?"-pati ang kanyang boses na sobrang lamig.

"Obviously para sundan ka"-walang gana ding saad ni Kriza, Maya Maya ay biglang natahimik silang dalawa, tanging huni ng ibon ang maririnig at ugong ng hangin sa lugar na iyon.

"Why do people keep hurting their selves?, They're already in pain but the Battle of Hurts are still on going"-agad nangunot ang noo ni Kriza sa biglang pagbasag ng Katahimikan ni Jp ngunit hindi niya ma gets ang sinasabi nito.

"Ang masaktan kaba ay sapat para baguhin ang pagkatao mo?"-nagmulat si Jp ngunit sa kawalan nakatingin.

"Pag ba nagbago ka ibig sabihin nasaktan ka?"-muling tanong ni Jp ngunit ni isang salita ay walang maibigkas si Kriza, hindi niya Maintindihan ang mga pinagsasabi ni JP.

"Kung sakaling nasaktan ka, magbabago ka ba? Babaguhin mo ba ang Matagal mo ng naging pananaw sa buhay?"

Napabuntong hininga si Kriza "Natural ang pagbabago sa buhay, Kung kahit ugali ng pagkato nababago sa paglipas ng panahon, bakit mo pipigilan ang pagbabago mo Kung nasaktan ka?"

"Pagbabago ba ang tanging paraan?"-tuluyan ng Lumingon si Jp kay Kriza upang magtagpo ang kanilang mga paningin.

"Kung sa tingin mo Yan ang tanging paraan may mali ba?, Kung magbabago ka magbabago, Kung hindi hindi. Bawat tao ay may pagbabago wag mong pilitin ang sarili mong magbago kundi hayaan mo itong magbago"

Saglit na natahimik si JP ngunit hindi niya inalis ang paningin dito. "Pagba sinaktan kita magbabago ba pananaw mo sakin?"

Umiling si Kriza "Mula umpisa hanggang ngayon iisa Lang ang pananaw ko sayo Jp"

Naikunot niya ang kanyang noo dahil sa kuryusidad "Ano?"

"Matindi ang galit mo saming mga Regions"-agad napaiwas ng tingin si Jp at naikuyom niya ang kanyang kamao.

"Hearing the word Regions makes me feel anger"

"Why?"

Tumayo na si Jp at nagpagpag "None of your business"-akma itong lalakad ng inabot ni Kriza ang kamay nito gawa ng pag hinto nito.

Tumayo si Kriza habang hawak hawak ang kamay ni JP na tila natatakot bitawan ang mga ito.

"It is part of my business JP, Regions killed your family right? Pero Sana intindihin mo na hindi ibig sabihing Region ako ay kasali nako sa Pumatay sa pamilya mo"

"You're a Region Kriza, still your co-regions killed my family means you're one of them, same kind of them that are willing to kill Prowler"

"You hated me?"-tila nawala ang sarkastik sa boses ni Kriza at napalitan ito ng mahinhing boses. Malakas na inagaw ni JP ang kanyang kamay bago muling nagsalita

"What do you think of it? Should I love Regions? Ofcourse I hated you!"

To Be Continue

War Of Love And Death- On HoldWhere stories live. Discover now