Chapter 17

41 19 3
                                    

Napatitig si Eyaa sa mga bulaklak na kanyang bitbit habang abala ang kasama niyang si Charles sa pamimitas ng iba pang mga bulaklak, may kaba man ang kanyang puso ngunit isinawalang bahala niya muna ito, bagaman Alam niyang mabuting tao ang kasama niya ngayon at Alam niyang ligtas siya dito.

"Let's go"-napako ang tingin ni Eyaa sa kamay ni Charles na nakalahad sa kanya upang alalayan siyang tumayo galing sa pagkakaupo.

May kaba man ang kanyang damdamin, at kahit Ramdam Niya ang panginginig ng kamay niya ay nakuha pa niyang abutin ang kamay ni Charles upang tanggapin ito at Ng makatayo siya Ng maayos. Nakita niya ang pagsulyap sa kanya ni Charles na tila ang expression ay nanunukso.

"Feeling nervous huh?"

Hindi na umumik si Eyaa dito dahil nauna na itong maglakad papunta sa daang hindi naman niya Alam. Malaki ang pasasalamat ni Eyaa sa buwan na nagbibigay liwanag dito dahil kung walang buwan ay maaaring nadapa na ito dahil sa andaming patay na kahoy ang nakapasad kahit Saan, at ang kasama naman niyang lalaki ay tila abala sa pag-aayos Ng bulaklak, ni Hindi ito naisipang may ibinigay siyang bulaklak kay Eyaa.

"Oh, may bulaklak ka pang pinahawak sakin"-sumabay Ng lakad si Eyaa kay Charles at imbis na kunin ito ni Charles ay tinitigan lang ito sabay ngisi.

"It's for you, so hold it"

Napaawang ang labi ni Eyaa sa sinabi ni Charles tila hindi makapaniwala na para sa kanya pala ang bulaklak na hawak niya. Naramdaman niya muli ang malakas na kabog Ng kanyang puso na tila mas dumoble ang lakas nito.

"B-bakit?"-kinakabahang tanong ni Eyaa, madami siyang gustong itanong ngunit hindi kayang bumuka ng kanyang bibig at magsalita dahil tila nawawala siya sa kanyang isip kapag nagtatagpo ang kanilang mga paningin.

"Just accept it, it's the only way for us to enter there"

Titig na titig siya sa mukha Ng lalaki na tila hindi maialis ang kanyang paningin dito.  Muli siyang nilingon ng lalaki at napailing ito Ng biglaan.

"Stop staring at me, focus sa dinadaanan natin walang aagaw sakin okey?"

Agad napaiwas ng tingin si Eyaa dahil sa kahihiyan. "Sinusuri ko Lang naman ang mukha mo kung seryoso kaba sa sinasabi mo"-nakangusong aniya ni Eyaa kaya agad na napahinto si Charles sa paglalakad at napatitig sa babae na nagpatuloy Lang sa paglalakad kunyare di niya Alam na huminto si Charles.

"Eyaa"-awtomatikong napalingon ang dalaga matapos tawagin ang kanyang pangalan.

"Oh?"-aniya ni Eyaa na tila iniisip niyang tropa niya ang kanyang kasama.

"We're here"-bigla ay sumibol ang kaba sa damdamin ni Eyaa at paglingon niya kay Charles, kinuha nito ang kanyang kamay at ipinagsiklop mas lalong natuliro ang pagtibok ng kanyang damdamin na tila nawawalan na siya Ng hininga dahil sa kuryenteng dumaloy sa kamay ng lalaki pagkahawak sa kanyang kamay.

"You want to feel freedom tonight?"-seryosong aniya nito na agad niyang ikinatango.

"Then stick always with me, and don't talk to any people around here"

Napabuntong hininga man ay muling tumango si Eyaa dito, habang pababa Ng pababa sila sa lugar na tinutukoy ni Charles ay natatanaw niya ang simple at magandang lugar, unang tingin pa Lang ay napakamasayang lugar na ito. Andaming kabataan ang nagkalat at tila naglalaro hindi alintana ang lalim ng gabi, may mga kababaihan na naghahanda ng mga pagkain, meron ding gumagawa Ng apoy at kumukuha Ng mga kahoy upang gawing burnfire, makikita mo ang saya sa mga mukha nilang lahat.

"Kuya Charles!!"-isang batang lalaki ang nagtatakbo papalapit samin habang isinisigaw ang pangalan ni Charles, Ng makalapit na Ng tuluyan ang bata ay lumuhod si Charles ng hindi ipinaghihiwalay ang nakasiklop naming kamay, gamit ang Isa niyang kamay ay niyakap niya ang bata at kinarga, may hawak man siyang bulaklak at hawak man niya ang kamay ko nakuha pa niyang kargahin ang batang paslit na kung sa titignan ay nasa edad singko pa ito.

"Kuya Charles, Yan na ba ang babaeng papangasawahin mo?"-turo niya kay Eyaa na agad nanlaki ang mga Mata.

Tumawa ng mahina si Charles saka ibinaba galing sa pagkakakarga ang bata. "Andami dami mong tanong talagang bata ka"-muling Lumingon ang bata sakin at nginitian ang dalaga kaya nginitian na din niya ito.

"Di niyo Po siya girlfriend Kuya?"-

"Stop asking Kid, go back there and play"-tila lumabas ang pagkairita ni Charles sa kanyang Tuno.

"Kasi kong hindi Po, ako na Po manliligaw sa kanya"-agad sumeryoso ang mukha ni Charles at itinaas ang kamay nilang Dalawang magkahawak

"Now go back there and play"

Walang nagawa ang bata at umalis sa harapan namin, naglakad pa kami Ng ilang saglit at huminto sa tapat Ng isang simpleng Kubo, iginiit niya ako papasok dito ngunit isang medyo may edad na babae ang sumalubong sa kanya.

"Nay"-sa pagkakataon na ito bibitawan na niya ang kamay niyang nakahawak sa dalaga at lumapit sa tinawag niyang nanay.

"Stell teka Lang naiihi ako"-pigil ni Laiza sa naglalakad na si Stell nakanguso itong nilingon siya.

"Ede umihi ka, gusto mo pa sa harap ko ha?"

Napairap si Laiza "Sinasabi ko Lang para mainform ka at para hindi moko iwan dito sa Hindi ko Alam na lugar"

"Ihi na, nag-iingay pa hindi na Lang umihi"-angal nito na ipinagtaka ni Laiza, tila naramdaman niya ang pag-iba Ng pakikitungo nito sa kanya kaya lumapit ito sa binata at tila may pumasok na kalokohan sa isipan, baka pag ginawa niya yon ay babalik ang dating Stell na maalalahanin, tila kay bilis Ng kilos ni Laiza ng ninakawan niya Ng halik sa labi si Stell at nakangiti pa itong humarap dito habang nakaawang naman ang labi ni Stell sa gulat.

"What for?"

"Good luck kiss bago umihi"-natatawa niyang Aniya na ikinataas Ng kilay ni Stell kaya Bagsak ang kanyang balikat na Tumalikod at umihi sa likod ng puno matapos niyang iayos ang sarili ay bumalik na siya Kung san niya iniwan si Stell ngunit walang bakas Ng lalaki ang kanyang nakita gawa Ng pag usbong Ng kaba sa kanyang dibdib.

"Stell?"-mahinang aniya ni Laiza at unti unting humakbang.

"Uy Stell di na nakakatuwa, asan ka na"-sambit niya ulit.

Mas lalong kumabog ang damdamin niya ng Wala talaga siyang makitang bakas na anino ni Stell, unti unti namumuo ang Luha sa kanyang mga Mata dahil sa takot na baka may multo sa lugar na iyon.

Halos mapatalon si Laiza Ng may biglang humawak sa kanyang braso at paglingon niya dito ay kusang gumalaw ang kanyang mga kamay at yumakap Ng mahigpit kay Stell.

"I'm afraid, I thought I lose you"

To Be Continue

War Of Love And Death- On HoldWhere stories live. Discover now