Chapter 21

41 18 3
                                    

Titig na titig si Kriza kay JP na naglalakad papalayo. Hindi niya Maintindihan ngunit may Kung anong lungkot sa parte ng kanyang dibdib na hindi niya mawari kung bakit niya ito nararamdaman. Habang tanaw tanaw niya si JP na papalayo ay hindi niya mapigilan ang ma-curious sa nangayari sa pamilya nito, kung ano ba talaga ang totoong pangyayari, dahil sa pagkakaalam niya, ang Region ay hindi gumagawa ng aksyon na ikakapangit ng kanilang lugar, ni-hindi niya narinig na lumabag sa batas ang Region, o di kaya kung sakaling nakalabag man sa batas ang Region maaaring pilit nila itong tinatago at hindi pinapaalam sa kanila, pero para kay Kriza napaka impossible non, Ang kanilang Emperor ay walang pag-uugaling ganon pwera na Lang sa Heneral nila.

Napailing si Kriza sa kanyang mga iniisip, wala ng bakas ni JP ang kanyang nakita dahil tuluyan na itong nawala sa kanyang paningin.

"Ang hirap talaga kausapin ng lalaking yon"

"Kelan pa ba naging maayos Kausap yon?"-halos mapatalon sa bigla si Kriza ng may magsalita sa gilid niya, ni Hindi niya naramdaman ang paglapit nito siguro dahil sa pagkaka over think niya tungkol sa nangyari sa buhay ni Jp.

"Tingana mo!! Papatayin mo ba ako sa gulat!"-halos mapasigaw si Kriza sa sobrang inis niya ginulo niya sarili niyang buhok. "Pokina mo"

Malakas na natawa ang lalaking kaharap niya na mas ikinainis ng kanyang kalamnan.

"Tawa pa, Sana mahulog ka diyan"-turo niya sa gilid ng lalaki na Dalawang hakbang na lang ay mahuhulog kana sa ilalim. Napahinto ito sa pagtawa ngunit hawak hawak nito ang dibdib tila pinipigilan ang sariling hindi matawa.

"What's Pokina?"

Umirap sa kawalan si Kriza at humalukipkip "Research mo gague"-tinalikuran niya ito at nagsimulang maglakad ngunit agad na nahinto.

"Aalis kana agad? Di mo pa nga ako nakikilala"

Muli itong umirap at humarap sa lalaki "Wala akong oras makipag kilala sayo so please get lost"

"Tcchhh, kelangan moko"

Agad nagtaas ang kilay ni Kriza sa kanyang narinig "Excuse me?"

"I'm J.O, as in Je-oh not Joooo okey?"

"Eh?"

"I'm Jp's brother, JP and J.O"

Napaawang ang mga labi ni Kriza na tila hindi makapaniwala "Magkapatid Kayo? Weee dinga?"

"Oo nga paulit ulit?"

Hinawi ni Kriza ang kanyang buhok at muling sinuri ang kabuuan ng binata "Bunso o Kuya?"

"Bunso"-maagap nitong sagot

"Heyy"-muling nabigla si Kriza ng may muling nagsalita sa gilid niya.

"Sino ka naman?"

"Ah, kaibigan ni J.O, Rhadz nga pala"

Inirapan Lang ito ni Kriza "Sabi niya wala na siyang pamilya bakit buhay kapa?"

"Seriously lady! Buhay Pako sadyang siya Lang talaga tong kinalimutan ako"

"Talaga Lang ha? Hindi moko pinag-lalaruan J.O?"

Napabuga ito ng hangin sa kawalan at muli sanang magsasalita ngunit hindi naituloy.

"What are you doing here J.O?"

Napalingon si Kriza sa kanyang likod doon niya napagtanto na kompleto silang lahat, nasa likod sina Eyaa, Janna, Laiza, Yanna at Tina, habang nasa harap ang mga binatang kasama niya kanina, pinasadahan niya ng tingin ang bawat kasama niya kanina, wala itong mga emosyon sa mukha, natigilan ang paningin ni Kriza kay JP na tila walang buhay ang kanyang mga Mata.

War Of Love And Death- On HoldWhere stories live. Discover now