Chapter 1

122 28 16
                                    

'Jizney Eyy POV'

"Calling the attention for all Region 7 please proceed to the compound now"

Biglang sumibol ang kaba sa aking dibdib ng muling marinig ang boses Ng pinakamataas na namamahala sa aming lugar the General of the Army. Sa lugar namin sobrang kakaiba ito sa ibang lugar, dito samin matututo kang mamuhay na hindi dumedepende sa iyong mga magulang dahil nasa ibang region ang iyong magulang namumuhay. Ang mga batas din namin ay kakaiba na Kung saan ang general ang pipili sa iyong mapapangasawa sa kabilang Religion, at hindi maaaring magsama ang iisang pamilay sa iisang region kaya Kung sakaling may kapatid man ako, hindi ko ito kilala dahil ilalagay ito sa ibang region

Kakaiba sila mamahala, na isang pagkakamali mo lang ay maaari ka Ng paslangin, tinatawag namin ang aming pinuno na Emperor. Sobrang mahigpit mamahala ang Heneral namin na akala mo naman siya ang Emperor, lahat kami ay bawal lumapit sa Emperor kumbaga walang sinuman pa ang nakalapit sa aming emperor.

"Hoyyy Eyaa! Wala kang balak pumunta sa compound at nakatulala ka pa diyan?"-nabalik sa reyalidad ang aking pag-iisip Ng marining ang boses ni Laiza, I call her Laiza since her name is Kizney Ellaiz, She was my childhood Bestfriend mula pagkabata hanggang sa lumaki kami ay magkasama na kami na tila ayaw naming mapalayo sa isa't isa.

"Tara na"-bakas sa aking tinig ang kaba na aking nararamdaman dahil may nararamdaman akong may masamang balak na naman ang heneral Ng aming religion.

"Tila kinakabahan ka yata sa iyong tindig Kaibigan kong Eyaa"

"Hindi naman, maaaring dahil Lang to sa pagkabigla Ng pagpapatawag sa atin ng heneral"

"Kung sa bagay hindi naman natin mapipigilan ang ating sarili"-nakalingon ako kay Laiza habang sinasabi niya iyon at sa hindi inaasahan may nakabangga ako.

Yazmine Yann Giganto, the only daughter of lieutenant general, ngunit kahit na anak siya sa isa sa mga pinuno ng lugar namin ang batas ay batas, binubuhay niya ang kanyang sarili mag-isa ngunit ang kanyang ina ay pinatapon sa ibang region, nakita ko kung paano niya ako irapan ng makita niyang ako ang bumangga sa kanya, tinaguriang ma-attitude talaga siya dito sa lugar namin ni-hindi Yan kumakausap sa Sino man dahil sa hindi namin alam kung bakit siya Ganyan.

"Sorry"-tanging salitang lumabas sa aking bibig ng makita ang Maldita niyang mukha.

"Next time wag Kang tanga, You're not just the only person passing here so stop being shit"

Napalunok ako sa aking narinig mula sa kanya, ibang klase talaga ang babaeng ito. Na una na itong maglakad sa amin bago kami nagpatuloy ay muli kaming nagkatinginan ni Laiza at Sabay na nagkibit balikat.

"Kung kelan sobrang busy saka naman magpapatawag uughhh! Nakakainis na Heneral"-isang Babae ang dumaan sa harap namin at rinig na rinig ang angal nito.

"Tumigil ka nga sa kakaangal Tina ang rindi mo sa tenga"-sulpot naman Ng isang babae.

Sa isang pagkakataon magkatabi kami ng kinatatayuan ng Dalawang babae, siguro magkaibigan din itong dalawa.

"Good Evening ladies and gentlemen, we call all your attention because of the emergency that we really need"

Sabay sabay na napabuntong hininga ang karamihan. Kaya napahigpit ang kapit ni Laiza sa aking braso.

"Ang lugar Region 7 ay binabalak sakupin Ng mga Prowler"-saad ni heneral na nagpatahimik sa kaingayan ng lahat.

"We don't want to be covered and owned by someone else, We will fight the battle and protect our region from Prowler"

War Of Love And Death- On HoldWhere stories live. Discover now