Chapter 45

22 1 0
                                    

"Sigurado ka na ba dito?"

Nilingon ni Yanna si Eyaa na kanina pang balisa at hindi mapakali dulot na ng kaba sa kanilang gagawin.

"Kelan pa ba ako hindi sigurado, para sa atin itong gagawin natin"

Muli ay napabuntong hininga ang dalaga at tila mas lalong nakaramdam ng kaba sa dibdib. "Madaming bantay sa lugar na iyon paniguradong mahihirapan tayong pumasok"

"Di ka sure diyan, dahil may alam si Tina na daan" sabat naman ni Laiza na sabay-sabay nilang ikinalingon

"Ngunit delikado pa din doon Laiza, hindi ako sure doon kung ligtas ba talaga tayo sapagkat nadadaanan pa din iyon ng mga kawal"

"Pero hindi nila alam ang lugar na iyon dahil tayo may gawa noon"

"Mamayang alas dose aalis tayo kelangan muna natin patulugin ang kawal ng mga Prowler dahil mainit ang dugo ng Heneral sa atin ngayon" aniya ni Kriza na para bang siguradong sigurado na sa desisyon na kanilang gagawin.

Ilang oras ang lumipas at pumatak na ang alas dose, si Jp at Stell lamang ang nakakaalam sa ginawa nila at nangakong sila na ang bahalang magbahagi sa kanilang kasamahan na kasalukuyang tulog na. Mabilis ang naging kilos nila dahil ramdam nila na maaaring lumibot muli ang mga kawal sa dadaanan nila dahil bantay sarado lahat ng daan papunta sa Pinuno.

Sumasayaw na mga puno at malamig na simoy ng hangin ang yumayakap sa balat ng mga dalaga, madilim ang paligid at buwan lamang ang nagbibigay ng konting liwanag dahil hindi ito gaano kalaki, hindi din maaaring magdala sila ng magiging ilaw sa daan dahil batid nilang naglilibot din ang mga Prowler sa lugar nila.

"Saan tayo daan?" Basag ni Janna sa katahimikan

"Sa langit" seryosong sagot ni Tina

"Kung wala kang matinong isasagot itahimik mo yang bibig mo dahil kukutusan na talaga kita" inis na saad ni Janna at napairap na din sa kawalan gawa ng pagngisi ni Tina na para bang iba ang kahulugan ng ngiti na iyon.

"Siguraduhin mo lang na hindi mo kami ta-traydorin dahil pag nangyari yon labas kana sa groupo nato Janna"

Tinaasan ni Janan Ito ng kilay "And what makes you think I'll betray us?"

"I know your moves, wag kang maging bobo sa lalaki dahil ikakasira mo iyan"

Akma na sanang susugod si Janna kay Tina ng pigilan ito ni Eya "Tama na" mahinhin na aniya nito na mas ikinagalit ni Janna, iwinakli niya ang kanyang braso na hawak ni Eyaa at masama itong tiningnan.

"May paparating!" Mahina ngunit halos pasigaw na aniya ni Laiza kaya agad tumakbo sila at nagtago sa malaking puno na pinapalibutan ng mga halamang mayaman sa dahon.

"Alas dose na bat may Prowler pa?" Takang tanong ni Yanna

Lumingon si Kriza sa kanya "Siguro'y hinihigpitan na nila ang seguridad ng kanilang bayan"

Dumaan ang tatlong kawal na may dalang ilaw buti na lamang ay hindi natamaan ng liwanag ang tinataguan nila. Tahimik silang naghintay hanggang sa tuluyang makalayo ang mga ito bago sila lumabas at nagpagpag.

"Ang kati tingana" reklamo ni Janna

"Reklamador kala mo naman nakapag shower na tayo eh hindi naman" pambabara ni Laiza dito

"Ano ba! paki niyo ba sa akin ha?"

"Wala tara na ingay-ingay mo kung ayaw mo makatihan bumalik ka sa kulungan"

Nagsimula na ulit silang maglakad habang alerto sa paligid at dahan-dahan ang lakad. Ilang saglit lamang ay nakarating na sila sa tapat ng ilog.

"Mataas ang tubig paano tayo makakatawid niyan?" Kamot sa ulo ni Laiza at sabay sabay silang nagkatinginan.

"Kelangan talaga nating tumawid dahil sayang lamang ang pagtakas natin kung hindi tayo bubuwis" sa ilang minuto nilang pagsasama ay ngayon lamang nagsalita si Yanna, naglakad ito ng una papalapit sa ilog. "Mababaw lamang iyan at kaya natin"

"Ngunit mababasa tayo at maaaring makakaiwan ng marka sa dadaanan natin" aniya Eyaa na kinakabahan sa susunod nilang magiging kilos. Habang si Tina ay nakatitig sa ilog at nag iisip ng paraan.

"Hindi nila mapapansin kahit na tayo ay basa dahil walang maiiwan na marka, ilang minuto pa tayong maglalakad, matapos sa ilog na ito ay merong kubo doon tayo magpapalit"

Sabay sabay silang nabuhayan ng loob at sinimulan ng dumaan sa ilog na hanggang bewang ang tubig nito ilang saglit lamang ay matagumpay nila itong natawid.

"Mas lalong lumamig" inis na saad ni Janna.

"Di ka na lang sana sumama kung puro arte ang dala mo" pataray na bigkas ni Yanna "Kung ayaw mong umuwi tumahimik ka masasampal talaga kita"

Ilang sandali mula ng paglalakad nila ay natanaw nila ang isang kubo na agad silang nagtakbuhan, naunang pumasok si Tina kasunod ng iba, nag bihis lamang sila ng pang itaas dahil ayaw na nilang matagalan pa. Mabilis ang kanilang mga naging kilos, mabilis at maingat sa bawat hakbang. Maging pagiging alerto ay ipinagsabay nilang gawin.

Nahinto sila ng makita nila ang maliit na daanan papasok sa tinutukoy nilang lugar.

"Titignan ko muna kung may mga kawal bang naka abang" agad silang napatango kay Tina ng nagboluntaryo itong mauna at sigurohin na ligtas itong daanan.

Dahan-dahan na dumaan sa maliit na daanan si Tina at maingat na sumilip sa loob, malakaw na likuran ang unang bumungad sa kanya at kakaalis na kawal lamang na sa tingin niya ay kakaikot lamang nito sa paligid. Mabilis na binalikan ni Tina ang limang nag-aabang sa kanya.

"Wala ng bantay kakaalis lamang, isakto at pwede na tayong pumasok"

Napahugot ng hininga si Yanna "Sigurado naba talaga kayo na gagawin natin ito?"

"Delikado pero kailangan natin to" sagot ni Laiza

"Saan mo ba huling naalala ang libro?"

"Sa kwarto Niya, sa terrace kung saan pwede tayong dumaan sa bintana dahil naaakyat iyon, may kataasan pero kaya naman dahil sanay akong tumakas noon" pagpapaliwanag ni Yanna

"Tara na baka maabutan pa tayo ng Umaga" nauna muli si Tina at sunod sunod na mabilis ang kilos na kanilang ginawa, isinuri nilang mabuti ang paligid at tila nakatulog ang mga kawal sa lalim na ng gabi, maingat silang lumapit sa gilid ng medyo may kataasan at pabilog na parang gusali na mayroong apat na palapag at bawat palapag ay mayroong terrace.

"Pang ilang palapag?" Tanong ni Kriza kay Yanna nakagat nito ang kanyang kuko at tila iniisip ng mabuti.

"Pangatlong palapag" saad nito ng maalala na ng tuluyan."

"Ang taas" mahinang sambit ni Eyaa

"Ako na ang aakyat" pagbulontaryong aniya ni Yanna

"Sasama ako, maiwan kayong apat huwag kayong dito maghintay sa medyo madilim na kita namin, bigyan nyo kami ng sign na pwede ng bumaba" mataas na saad ni Kriza.

Kumalabog ang puso ni Janna dahil sa kaba gayon din si Eyaa ngunit kelangan nilang labanan, kelangan nilang makabalik sa teritoryo ng Prowler, kelangan nilang iligtas ang iba pang Region...

A;N Helloooooo sorry sa sobrang tagal na update, sobrang na busy lamang at tila nilamon ng bagong akda ang aking utak ngunit salamat sa Diyos at muling nakapag update sa akdang ito.


To Be Continue🖤

War Of Love And Death- On HoldWhere stories live. Discover now