Chapter 15

34 19 4
                                    

Dama ni Eyaa ang pagkabalisa ng sumapit ang dilim, tila hindi niya maramdaman ang antok ng muli niyang maalala ang sinabi ni Charles sa kanya, Magkikita sila ngayong gabi, tila umalon ang kanyang tiyan ng marinig muli sa tenga ang boses ng binata, kanina pa ito umeecho sa kanyang pandinig na tila hindi niya makalimutan Kung paano kumibot ang bibig nito. Napabalikwas siya sa kanyang higaan at nakatagilid. Nakita niya si Janna na nakaupo at nakadungaw sa malaking buwan.

Kung balisa itong si Eyaa gayon din itong si Janna na tila naguguluhan pa din sa inasta sa kanya ni Sunoo, magkaibang Sunoo ang nakaharap niya na kahapon ay walang emosyon samantalang ngayon naman ay tila halos ngumingiti sa kanya. Biglang pumasok sa utak ni Janna ang mukha ni Charles na sobrang seryoso, palihim siyang napangiti.

"Janna"-agad napalingon ito Ng tawagin siya ni Eyaa, umupo si Eyaa palapit sa gawi niya.

"Di ka pa makatulog?"

Tumango ito "Naiisip ko si Charles"-napahinto si Eyaa at napatitig kay Janna tila inaalam Kung totoo ba ang narinig niya.

"Talaga? Bakit mo naman siya naiisip?"-usisa ni Eyaa

Napalingon si Janna sa gawi ni Tina na mahimbing na natutulog "Ewan ko din, mula nong makita ko siya hindi ko na magawang kalimutan ang pagmumukha niya"

"May gusto ka ba sa kanya Janna?"

Nagkatitigan silang dalawa at napabuntong hininga si Janna.

"Is it possible to fall inlove to an opponent?"-dagdag ni Eyaa.

Napaiwas ng tingin si Janna at napayuko "Ewan ko, pero kasi kusa ko itong naramdaman"

Napakuyom ang kamao ni Eyaa, naramdaman niya ang matinding kaba sa kanyang damdamin, hindi pa man umaamin si Janna na may gusto ito kay Charles ngunit natatakot na siya, hindi Tama ang nararamdaman nilang dalawa, at mas lalong hindi Tama ang mag-agawan sa lalaking kalaban nila.

"Ikaw, may gusto ka ba din kay Charles?"-pabalik na tanong ni Janna na agad ikinailing niya, hindi niya maaaring sabihin kay Janna na may gusto siya kay Charles dahil mismo siya naguguluhan kung ano ba talaga ang tunay niyang nararamdaman.

"Mabuti, ng sa ganon ay hindi tayo magka-agawan"-napaiwas Ng tingin si Eyaa at dahil don natanawan niya si Charles na papalapit

"Get up"-saad nito at binuksan ang kulungan nito, bago siya lumabas ng kulungan ay nilingon niya muli si Janna na kasalukuyang nakatitig sa kanya bakas sa mga mata nito ang pagkaselos na si Eyaa ang makakasama nito at hindi siya. Tuluyan ng nawala sa dilim ang dalawa.

"Asan tayo pupunta?"-basag ni Eyaa sa katahimikan nilang dalawa, napatitig din siya sa likod ng lalaki dahil nakauna itong maglakad habang siya ay nakasunod na walang Tali sa kamay na tila natural na tao lamang.

Hindi siya sinagot ni Charles subalit huminto ito kaya nabundol niya and likod nito.

"Be careful"-saad nito at yumuko na at biglang namitas ng mga bulaklak, doon niya lang napagtanto na nasa lugar sila Kung saan madaming bulaklak ang nagkalat.

"Tanim mo to?"-tanong niya atsaka umupo upang makita ng maayos ang mga bulaklak, tanging aninag ng malaking buwan lamang ang nagbibigay ng ilaw sa buong lugar. Napalingon siya muli sa gawi ni Charles na abala sa pagpitas ng bulaklak at muli niyang naramdaman ang kaba.

Bigla niyang naitanong sa kanyang isip, Bakit tila kakaibang Charles na naman ang nakikita niya sa lalaking ito? Bakit ba paiba iba ng ugali itong lalaking ito?

"Done staring at me?"-halos mapatalon si Eyaa ng magtagpo ang kanilang mga titig, mas lalo niyang naramdaman ang lakas ng tibok ng kanyang puso, na tila naghuhuramintado ito at nagwawala.

Napakamot siya sa batok "Ano, pwede bang pumitas?"- tumayo si Charles at lumapit kay Eyaa.

"You don't need to"-iniabot niya ang mga bulaklak niyang napitas, napatitig si Eyaa dito ngunit ibinalik ang tingin kay Charles.

"A-ano"-nahihiya niyang aniya na tila hindi masabi Sabi ang nararamdaman.

"Ano?"-gaya ni Charles sa Boses ni Eyaa

"Ano-para s-sakin?"-natawa si Charles sa sinaad ni Eyaa kaya biglang naramdaman ni Eyaa ang pag-init ng kanyang mga pisngi.

"Hold it"-tipid nitong aniya habang nakangiti "I'll just get more"-tinanggap ni Eyaa ang mga bulaklak ngunit tila na kuryente siya ng maglapat ang kanilang mga balat Kaya nahila niya agad ito. Natawa uli si Charles at muling namitas ng bulaklak habang lebreng nakakatitig si Eyaa sa kanya.

Sa gawi naman ni Janna tila naiinip na siyang maghintay kay Sunoo dahil sa kanina pang nakaalis sila Eyaa at Charles gustong gusto niyang sundan ang mga ito, sa mga oras na ito, hinihiling niya na sana siya na lang ang kasama ni Charles na sana siya na Lang ang inaya nito, ngunit kahit anong hiling niya tila nahuhulaan na niyang si Eyaa ang gusto nitong makasama ngunit hindi siya susuko, kahit isang pagkakataon man lang na masolo niya si Charles ay hinihiling niya sa mga sandaling ito.

Nabalik sa reyalidad ang kanyang pag-iisip ng may tumawag sa kanyang pangalan.

"Janna"- boses pa lang nito ay Alam na niya Kung sino.

Bagsak ang kanyang balikat ng lingunin niya ito, hindi siya agad tumayo dahil nawalan na siya ng gana. Binuksan na ni Sunoo ang kulungan ngunit hindi pa rin ito gumagalaw sa pwesto.

"Halika na"-aniya Sunoo ngunit hindi ito pinansin

"You're Late"

"Late?, Kaka alas osto pa kaya, atat na atat Darling"-

Masama siyang tiningnan ni Janna at padabog na tumayo  "Ba't ang aga yatang dumating ni Charles kanina?"-usisa ni Janna dito ng tuluyan na itong makalabas.

"Well, may lakad yon kasi isasama nila niya si Eyaa daw"

Magkasabay na naglakad ang dalawa "Asan punta nila?"-muli nitong pangungulit

"Malay ko ba, tig-iisa kami ng personal na buhay kaya minsan hindi namin alam kung asan ang lakad nila"

Kusang napatango si Janna.

"Wait-"-biglang Hinila ni Sunoo si Janna papasok sa madaming tanim dahil sa may isang gwardya ang naglalakad at may dala itong ilaw.

Nakayakap si Sunoo kay Janna dahil sa Kung gagalaw siya upang tanggalin ang kanyang kamay ay maaaring magiging sanhi ito sa pag-ingay ng mga halaman at makikita sila ng naglalakad na gwardya. Ilang saglit silang nanatiling ganoon hanggang sa itinulak ni Sunoo si Janna.

"Aray! Takti ka"-angal ni Janna.

"Free hug yon ah"-Nakangiti nitong aniya, ilang minuto silang naglalakad hanggang sa dumating na sila sa paparuunan nila.

"Takpan mo muna mata mo para surprised"-masama ang tingin ni Janna

"Para San ba?"-maarte nitong aniya.

"Sege na, just do it"-malapad ang mga ngiti ni Sunoo, Kaya walang nagawa si Janna at sundin ang inuutos nito.

She closed her eyes at inalalayan itong maglakad papunta sa Kung saan. Hinawi ni Sunoo ang buhok ni Janna na lumilipad dahil sa hangin

"Now open your eyes"

Pagmulat ng mga mata ni Janna ay kinusot pa niya ang kanyang mga mata at muling iniangat. Ang Matagal na niyang nararamdaman na kinikimkim ay biglang naglaho ng makita niya ito sa kanyang harapan , dumagdag ang ganda ng lugar na kanyang nakikita na nagdulot ng sobrang saya sa kanyang dibdib. Hindi niya napigilan ang kanyang sarili pagkalingon niya kay Sunoo na nakangiti ay kusang bumagsak ang kanyang mga Luha.

To Be Continue

War Of Love And Death- On HoldWhere stories live. Discover now