Chapter 46

24 1 0
                                    

Kaba ang dulot at kapahamakan ang bitbit nila makuha lamang ang librong sinasabi ni Yanna. Ngunit tila ay mahirap itong makuha mula sa mga region. Naka akyat na sila sa terrace na kabado ngunit pursigido na gawin at ipagpatuloy ang plano.

Hinawi ni Yanna ang kurtina at nakompirmang wala ngang tao na sa loob kaya napahinga ito na tila nabuhayan at natanggalan ng tinik sa dibdib.

"It's cleared" mahinang aniya nito sa kanyang kasama na agad nitong ikinatango.

"Where to enter?"

Napahinga ng malalim si Yanna bago ito nagsalita ng mahina, sapat lamang na silang dalawa ang makakarinig. "Hindi ako sigurado"

Napakunot ang noo ni Kriza "Panong hindi sigurado eh ikaw nagplano nito diba" pigil inis na saad nito dahil ngayon niya lang nahalata na mas kabado itong si Yanna kesa sa kanya.

"Binabago nila ang arrangement dito upang malinlang ang sino mang magtangka na pumasok ngunit kaparehas ng petsa at linggo ngayon nong huli kong pagdalaw dito maaaring tama ang aking nasaulo sa mga oras na ito"

Humalukipkip si Kriza "Praying For that"

Maingat na naglakad si Yanna at tila nakabend ng Yoko ang kanyang pang ibabaw na kataw-an upang maging handang makatago kung saan pagsakaling may pumasok at kasunod nito ang kasama niyang dalaga, ilang hakbang lamang ay biglang may bumukas na pinto gawa ng paghila ni Kriza kay Yanna upang tumago sa likod ng lamesa, magkahilira ang apat na pintuan katapat ng balcony na tanging kurtina lamang ang nagsisilbing panakip dito mula sa loob, mayroong mga iilang gamit at sinaunang mga bagay ang naka display na nakakakuha ng atensyon sa ganda ng mga bagay na ito.

Picture Frame mga sinaunang bagay at nakaukit sa kahoy na iba't ibang desinyo na talagang nakakamangha tingnan ang mga ito.

Mayroong mga pilak at dyamante na nakalagay sa garapon at tila matagal ng nakalagay doon.

Ilang sandali ay dumaan sa gilid ng lamesang pinagtataguan ang isang kawal na animo'y bitbit ang malaking papel na tila nakalagay doon ang bagong balita. Hindi naman nakita ang dalawang dalaga na kasalukuyang nagtatago at laking pasasalaman nila sa Panginoon.

Sa gilid ng lamesang pinagtataguan nila ay hagdanan pala pababa sa palapag na iyon, muntik na sila doon makita.

"Mag iingat ka" tangin sambit ni Kriza dito ng magsimula na din silang maglakad ngunit sa mga oras na ito ay mabilis na kilos ni Yanna gayon din ang kanyang kasunod.

Pumasok sila sa ikadalawang pintuan at doon bumungad ang malawak na silid na sandamakmak na mga libro.

"We're dead" tanging sambit ni Kriza dahil sa isip niya hindi nila kakayanin na halungkatin ang lahat ng libro diyan para lamang sa isang libro dahil aabutin sila ng isang buwan kakahanap dito.

"No we're not" aniya Yanna at nauna itong naglakad lakad. Buong libot ng silid na ito ay napapalibutan ng mga librong nakahilira at maayos na nakalagay sa bawat sulok ng silid na ito, sobrang hirap isipin kung saan possibleng inilagay.

Dumiritso si Yanna sa gitna ng silid at doon napatitig ng ilang sandali bago inilapat ang kanyang mga kamay sa bawat libro na tila pinapakiramdaman niya ang mga ito at inisa-isa ng hawak habang humahakbang na sobrang hina.

Habang si Kriza ay pilit na tumutulong na mahanap ang librong kanilang hinahanap.

Ilang saglit lamang ay biglang bumukas ng hindi inaasahan ang pintuan ng silid at tila nagulat ang dalawang kawal sa pagkita nila sa dalawang dalaga ngunit hindi pa ito nakakatakbo upang magsumbong ay mabilis itong natakbo ni Kriza at Yanna at binigyan ng malakas na sipa sa batok gawa ng pagtumba nito ng sabay at pagkatulog.

"We need to clean this mess" aniya Kriza at hinila na ang Isa papunta sa pinakagilid at pinaupo. "Hindi na tayo maaaring magtagal" muli nitong salita.

Nilingon siya ni Yanna ng matapos din nitong mahila ang nakatulog na kawal.

"Ngunit--" hindi na natapos ni Yanna ang kanyang sasabihin ng may biglang dumating na anim na kawal ulit, tila nararamdaman na nilang may nakapasok sa teritoryo nila.

Mabilis na sinugod Ito ni Yanna at bago sumugod si Kriza may hinablot itong papel at isinuksok sa suot niya sa dibdib.

Nagtagumpayan nilang mapatumba ang anim at pinatulog lamang ang mga ito dahil kapag pinatay nila ang mga ito maaaring mahihirapan silang makalabas dito at makabalik doon muli.

"Tara na" hinila ni Kriza si Yanna palabas sa silid at agad na dumiritso sa terrace, ng dumungaw sila sa baba ay kita nilang kakatumba lamang ng pang huling kawal na sumalakay sa mga kasamahan nila. Dumungaw si Eyaa sa gawi nila at binigyan ito ng hudyat na maaari na silang bumaba. Mabilis silang bumaba gamit ang lubid nitong pinag-akyatan kanina lamang at matagumpay naman silang nakababa.

"Wala na tayong oras kailangan na nating umalis!" Aniya Laiza na tila hindi na alam ang gagawin dahil sa sobrang kabog ng damdamin nito.

"Nakuha niyo ba?" Tanong ni Tina

"Saka na tayo magchikahan tara na" nauna pa ng takbo si Laiza kasunod nito si Eyaa at sunod sunod na ang iba. Muntik na silang maabutan ng mga kawal. Ng makalayo layo na sila ay soon tumunog ang malakas na tunog ng trumpeta hudyat na sila ay napasok ng mga kaaway.

Ngunit kaaway nga ba ang turing nila sa amin kung sila mismo ang naghatid sa amin sa peligro ng aming buhay.

Habol-habol ang bawat hininga ng mga dalaga ng ito ay tuluyang huminto sa gitna ng kakahuyan, madilim pa din ang paligid dahil tila hindi sila naabutan ng dalawang oras at sila ay pabalik na sa kanilang pinagkukulungan.

Madali lamang ang tumakas sa kamay ng mga Prowler ngunit kung sakaling makakatakas sila mamatay din ang anim nilang tagabantay at yon ang hindi nila kayang mangyari.

"Asan ang libro at bakit tila wala kayong dala?" Pagtatakang tanong ni Janna

"Hindi namin nakuha sinugod kami sa loob" mahinang sagot ni Yanna.

"What the hell! We risk our lives with nothing?" Inis nitong saad at napabuga ng hangin sa kawalan "Palpak ka naman pala mag plano Yanna ede sana hindi na lang tayo pumunta!" Sigaw pa nito

"Lower your voice we're not yet at our teritory" pagpapaalala ni Tina dito kay Janna

"As if I care! We almost die for that damn book!"

"But we didn't so stop acting like you know my pain" taka naming nilingon si Laiza

"Pinagsasabi mo uy" natatawang tanong ni Eyaa dito

"Wala, kung ayaw mong isarado yang bibig mo ako magpapasarado diyan subukan mo"

Inirapan lamang ito ni Janna at nauna ng maglakad.

"We didn't get the book, but we did get the Map"




To Be Continue🖤

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 10, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

War Of Love And Death- On HoldWhere stories live. Discover now