Chapter 11

38 20 4
                                    

'Third Person POV'

Sumapit ang gabi at walang lumalapit Ni Isa sa kanilang mga ikinulong, utos ng Heneral na walang sinuman ang makakalapit sa kanila, Wala namang nakabantay ng masyado ngunit takot silang lahat na sumuway sa utos ng Heneral, lahat sila ay ginagalang ang kanilang pinuno na Kung saan ito din ang Heneral ng lugar nila. Meron man silang Alpha ngunit hindi nila alam Kung Sino, dalawa ang anak na lalaki ng heneral Kaya lahat ng mamamayan ay nalilito Kung Sino nga ba ang Alpha sa dalawa.

Mahimbig ang tulog ng anim na babae habang nasa loob ng kulungan, ang kulungan nila ay gawa lamang sa mga kahoy ngunit matibay na matibay na mahirap itakas. Nagising si Kriza at sa kirot ng kanyang braso dahil sa tama ng espada kanina, napalingon siya sa gilid ng kanyang kulungan at andon Ang mahimbing na natutulog na si Eyaa, tig-iisa sila ng kulungan hindi sila ipinagkaisa dahil naisipan agad ng Heneral na baka sakaling Kung ipagkaisa ng kulungan ang anim makakatakas Ang mga ito, lalo na at mautak Ang mga babaeng iyon.

Napaupo si Kriza galing sa pagkakahiga at sinuri ang brasong may sugat na tila dumdugo pa din, napadaing siyang muli ng maramdaman Ang sakit ng igalaw niya ito.

"Cover me, Mang Berto please"-agad napalingon si Kriza sa tinig na kanyang narinig, isang ilaw sa medyo kalayuan ang nakita niya, madilim na Kasi ang lugar.

"Pssstt, Eyaa"-pagising niya dito. "Eyaa!!"-mahina lamang ang Boses ni Kriza ngunit nagising agad si Eyaa dahil dito, hinay hinay itong bumangaon at Ramdam din ang kirot sa sugat

"Bakit?"

"May paparating"-aniya Kriza at sakto namang may huminto sa tapat ng kulungan Ni Kriza napatitig si Kriza dito dahil Isa itong lalaki na makisig at tila Isa sa mga tauhan ng Heneral.

"Hey"-itinaas ng lalaki ang lampara niyang dala upang makita ang babaeng si Kriza at doon Lang niya na komperma na hindi niya talaga ito kilala.

"I'm Jonas Cyrone Cruz but you can call me Alpha"

Napasinghap si Kriza ng marinig ang salitang Alpha "You're the Alpha here?"

"Yeah"-tipid nitong saad at binuksan ang kulungan niya.

"W-what are you doing?"-panic na saad Ni Kriza dahil sa pagbukas nito ng kanyang kulungan.

"You have wound so I'm here para gamutin ka"-napatayo si Kriza ganon din si Eyaa ngunit ng ihakbang Ni Alpha ang kanyang paa ay napaatras naman si Kriza.

"Stop, Diba bawal ang Sino man na lumapit sa Alpha?"

"Yeah, but no one knows who's the Alpha between me and my brother Ken"-turo niya sa gilid niya at doon lang napansin Ni Kriza na may kasama pala ito.

"This is my brother Kenzer Jhon Cruz Suson"-pakilala niya sa katabi niya.

"Suson?"-kunot noong tanong Ni Eyaa

Nilingon siya Ni Alpha "Yeah, half-brother kumbaga"-napatango naman si Eyaa dahil agad nyang naiintindihan

"Come with us Miss, if nagdadalawang isip ka dahil may gagawin akong masama sayo, I'm telling you I'm against with my father's rule, I'm against with him everything"-natigilan si Kriza sa kanyang narinig.

Naglakad naman si Ken papunta sa katabi ng kulungan at binuksan eto "Come with us too, may sugat ka na kelangang gamutin dahil hindi Basta Basta ang espada Ni ama na ginamit niya pampasugat sa inyo dahil may lason iyon na unti unting aagaw sa lakas niyo hanggang sa manghina Kayo"-napatitig si Eyaa sa lalaking si Ken  at Wala ng patumpiktumpik pa tinanggap niya Ang kamay na nakaalalay sa kanya gayon din si Kriza, nakaalalay si Ken Kay Eyaa habang naglalakad at gayon din si Alpha.

Dinala nilang dalawa ang babae sa lugar Kung saan sila madalas tumabay , Napanganga ang ng sabay Ang dalawang dalagita ng makita ang ang malawak na kalangitan na napupuno ng mga bituin na kumikinang.

"Sit down"-ma awtoridad na saad Ni Alpha Kay Kriza na agad naman nitong sinunod. Pinaupo din Ni Ken si Eyaa ngunit may dangkal ng kalayuan ang Dalawang babae, si Alpha ang gagamot Kay Kriza samantalang si Ken ang gagamot Kay Eyaa.

Tahimik na ginagamot ng dalawa ang babae ngunit binasag Ni Kriza ang Katahimikan "Bakit ka against sa pamamalakad ng ama mo? Diba ikaw ang Alpha ibig sabihin nasayo ang susunod na obligasyon?"

Nagkatitigan Ang dalawa at ngumiti ng mapait si Alpha "Ngunit hindi pa ako ang mamahal hangga't buhay pa ang aking ama"

"Bakit ka tinawag na alpha Kung hindi pa ikaw ang mamamahala?"

"Alpha was really my nickname but they used to call me Cyrone since ayaw Ni ama na ibunyag na ako ang susunod na Alpha"

"Eh ikaw? Ano ka naman?"-usisa naman ni Eyaa Kay Ken

"Magkapatid kami sa ama Ni Alpha, my mother left me to my father, hindi din ako gusto ng ama ko Kaya dala kong apelyido Suson, but I was thankful having a brother like Alpha well enough for this"-napakamot sa batok si Ken na tila nahihiya.

"Half-brothers but for me we're pure brothers"-sabay silang napangiti ng sambitin iyon ni Alpha, Ramdam ni Kriza at Eyaa na maganda ngang totoo ang kalooban ng Dalawang anak ng Heneral na gayon ding Alpha ngayon.

"Bakit nga pala prowler ang tawag sa inyo at inyong lugar"-tanong Ni Eyaa habang panay ang sulyap sa magkahawak nilang kamay ni Ken. magkahawak din naman ng kamay si alpha at Kriza dahil nagbibigay ito ng lakas upang Hindi na out of balance sila, papunta na silang uwi dahil natapos na ang pag gamot at hindi nila maaaring tagalan ang pagkawala ng dalawa dahil baka mapansin na ng ibang tauhan na hindi kasabwat Ni Alpha.

"Binansagan Kasi kaming Prowler ng Region, ayon nasanay Kaya ipinagpatuloy na lamang ni Ama, Ang Prowler ay ibang katawagan sa Salitang kalaban"-page-explain Ni Ken Kay Eyaa.

Sabay na naliwanagan ang dalawa sa explanation ni Ken.

Ngunit agad na nahinto silang apat ng madatnan nila sa harap ng kulungan si Jp at Charles.

"Ano to Alpha? Sumusuway ka sa utos ng iyong ama?"-aniya Charles at nadapo ang tingin sa kamay nila Ken at Eyaa, itinago Ni Ken sa likod niya si Eyaa dahil tila nanlilisik Ang mga Mata ni Charles at anumang oras ay masasaktan niya si Eyaa.

"Wala Kang karapatan na pagsabihan ang Alpha"-saad ni Alpha.

"Soon to be Alpha pa lang, not an Alpha already"-aniya si JP at ang tingin ay nasa kamay nila Alpha at Kriza, itinago naman agad Ni Alpha si Kriza sa likod niya.

Alam ng Dalawang Cruz na anumang oras ay maaaring manakit itong Dalawang kaharap nilang lalaki sa babaeng kanilang ginamot.

"And so?"-

"Stop this bullshit Alpha Kung ayaw mong malaman to ng ama niyo"-galit na ang tuno ni Charles.

"Hindi mo madidiktahan ang gustong gawin ng Alpha sa kanyang preso, Labas ka na sa gulong idudulot ko"-saad ni Ken.

Tinitigan ng masamang masama Ni Alpha si Jp at si Charles bago huling nagsalita "Just wanted to remind you, You are just a commander while I am the Alpha next to the throne"

To Be Continue

War Of Love And Death- On HoldWhere stories live. Discover now