Chapter 19

43 18 5
                                    


Pagsapit ng umaga, tulala sa kawalan ang dalawang dalagita na si Eyaa at si Janna na tila hindi makapaniwala sa nangyari kagabi, habang si Laiza naman ay parang Wala Lang nangyari.

"Kamusta kagabi?"-nakangising saad ni Yanna ng mapatitig siya sa dalawang babae na antaas ang lipad Ng paningin. Natawa si Kriza ng wala silang narinig na sagot sa dalawa dahil tila sobrang lutang nilang nagising at sobrang nawawala sa kanilang mga sarili.

"Hoy Laiza anong nangyari sa Dalawang Yan"-tanong ni Kriza na ikinataas ng kilay ni Laiza

"Malay ko, hindi naman kami magkasama kagabi"-sagot ni Laiza.

"Hindi kayo magkasama?"-pagklaro ni Kriza na tila naguluhan sa kanyang narinig

Tumango si Laiza na parang nalilito din siya tulad ni Kriza "Oo Hindi, si Stell Kasi kasama ko kagabi tsaka, magkaiba kami ng pinuntahan"

"Ay ganon?"

"Oo"

Ng muling magsasalita sana si Kriza ay natigil ito dahil sa pagdating ng dalawang binata.

"Yanna at Kriza come with us"-walang emosyon ang mukha ni Justin ng sabihin niya iyon, nagtitigan pa si Yanna at Kriza bago tumayo at lumabas sa kulungan.

"Sasaktan niyo Naman ba kami?"-napalingon si Jp sa tanong ni Kriza

"Hindi lahat ng oras kailangan kayong saktan, but don't think that I do it voluntarily, let's go"-

Nagtataka man ay sumunod na lamang ang Dalawang dalaga sa Dalawang binata, hindi nakahawak ang dalawa sa dalaga na tila may kalayaan itong maglakad ng walang naka bantay.

"Asan Tayo pupunta?"-usisa na naman ni Kriza habang si Yanna ay tahimik lamang sa gilid na tila walang pake sa mga nangyayari at kontentong malayang naglalakad.

"Stop asking if you don't want to be hurt"-aniya ni Jp at masama ang tingin agad Kay Kriza ngunit hindi ito naging dahilan para tumahimik ang dalaga dahil mas lalo Lang itong naging maingay.

"Teka! Teka nga! Kinginang Yan! Nagtatanong nga ako dito ng matino tapos sasagutan moko ng Ganyan!"-mataray nitong aniya.

"Hindi ka nanligaw kaya pano ka niya sasagutin"-sabat ni Justin na ikinasama ng tingin ni Kriza.

"Ba't ka sumabat sinabi ko bang sumabat ka tingana mo"

Napaawang ang mga labi ni Justin sa mga narinig niya kay Kriza na tila hindi makapaniwala na ganon ito ka taray.

"Bunganga mo"-inirapan lang ni Kriza si Justin kaya hindi mapigilan ni Justin ang batuhin ng kahoy si Kriza na agad sumapol sa ulo nito.

"Aray! Tingana mo inaano Kita!"-malakas ang boses ni Kriza na halatang may bahid ng galit ang kanyang boses, ng akma siyang tatakbo palapit kay Justin upang suntukin Sana ay maagap siyang niyakap sa likod ni JP para pigilan ito sa binabalak.

"Bitiwan mo nga ako!"-pilit nilalabanan ni Kriza ang mahigpit na yakap ni JP mula sa likod.

"Bibitawan Kita kapag nangako kang hindi mo susugudin at sasaktan si Justin"

Napabuntong hininga si Kriza at kusang lumaylay ang buong Katawan. "Fine! Fine!, Just get off me!"

Marahas na tinulak ni Jp si Kriza at sa di inaasahan ay gumulong ito papunta sa isang bahagi na Kung saan hindi nila batid na pababa pala ito at sobrang taas ng kinatatayuan nila sa kasalukuyan, nahulog ng kusa si Kriza na nagpagulong gulong ito na para bang walang lakas na patigilan ang sarili, sa taas ng nahulugan ni Kriza pagkahinto niya sa pinakababa ay dumiritso siya ng salampak sa isang batis, napadaing ito sa sakit ng Katawan, halos hindi maitsura ang kanyang damit na nagkagutay gutay, madami din ang galos sa kanyang kamay at binti kahit na naka jeans ito ay nasira ito, pati ang kanyang mukha ay may sugat.

"Kriza!!!"-malakas na sigaw ni Yanna ngunit ang naunang nakalapit sa kanya ay ang binatang si JP, bakas ang Awa at pagsisisi sa kanyang mukha ng makita ang hitsura ni Kriza. Hinawakan niya ito sa braso ngunit agad inagaw ni Kriza.

"D-Don't touch me"-nanghihina nitong saad ngunit masyadong matigas ang ulo ni Jp para sundin ang sinabi ng dalaga muli niya itong hinawakan at inalalayan na maka upo. Basang basa ito at dumudugo pa ang iilang galos sa Katawan.

"Kriza okey ka Lang?"-nag-aalalang tanong ni Justin ngunit agad naging masama ang tingin ni Kriza dito.

"Wag ka ngang Bobo, Kita mo anong nangyari sakin tapos tatanungin moko Kung okey Lang ako abay Urrgghhh!"-muling napadaing si Kriza ng muli niyang naramdaman ang sakit sa binti.

Tila naiiyak siya sa sobrang sakit, agad hinubad ni Jp ang kanyang jacket at pinasuot sa dalaga, walang lakas si Kriza na manlaban lalo ng sobrang sakit ng kanyang katawan.

Kinarga ni Jp si Kriza bridal way, dahil hindi pa nito kayang maglakad.
Naunang maglakad ito at kasunod Sana si Yanna ngunit sa di inaasahan, magkalapit sa disgrasya ang Dalawang dalaga kapag nagkakasama ang mga ito. Biglang nadulas si Yanna sa madulas na bato ng batis, halos umecho ang malakas niyang sigaw sa buong lugar ng batis, napatalon tuloy sa gulat si Justin, walang nagawa si Justin dahil naging masakit ang kanyang paa gawa ng hindi niya kayang maglakad.

Kinarga niya ito sa likod na walang naririnig na angal kay Yanna na tila walang pake ito. Nakarating sila sa isang Kubo, maingat na nilapag ni Jp si Kriza.

"How are you feeling?"-bakas ang senseridad sa Boses ni Jp ng tanungin niya ang dalaga, nagkatitigan sila saka umiling si Kriza na pinapahiwatig na hindi maayos ang kanyang pakiramdam. Napabuntong hininga si JP habang nakatitig sa pagmumukha ni Kriza, may kinuha ito sa gilid at ginamit upang magamot ang mga galos ni Kriza, habang si Yanna at si Justin ay magkatabi, binabalatan ng kamote si Yanna ni Justin, madaming pagkain ang nakalatag sa lamesa na tila hinanda talaga nila.

"Akin na!"-agaw ni Yanna Sa kamote na nasa kamay ni Justin

"Teka Lang babalatan ko pa nga"

"Wag na! Makabalat ka parang pagong ang Hina Hina ng kilos"-mataray na aniya ni Yanna.

"Wazap Dree"-biglang isang bagong tinig ang narinig nila gawa ng pagkakasabay nila ng lingon.

Sunoo and Janna, lahat kami napatitig sa kamay nilang magkahawak.

"Anong nangyari diyan Jp? Don't tell me sinaktan mo na naman si Kriza?"-aniya Sunoo

Magsasalita sana si Jp ngunit biglang may sumabat ulit.

"What? Sinaktan mo JP?"-tila naiinis ang emosyon ni Charles, nasa likod niya si Eyaa na tahimik lamang.

"Relax guys I didn't mean it okey!"-inis na saad ni Jp

"Jp, you mean it or not why did you do it?"-sabat naman ni Sejun habang kasama niya din si Tina.

Naikuyom ni JP ang kanyang kamay dahil sa wala itong oras makapag explain.

"Stop it guy's, let them eat first bago niyo sermunan si JP"-saad naman ni Stell habang hila hila si Lazia papunta sa upuan.

"Mag-usap tayo mamaya Jp"-walang emosyon na saad ni Charles ngunit tiim bagang lamang ang ginawa ni Jp at padabog na nilagay ang gamit panggamot saka nagwalk out.

To Be Continue

War Of Love And Death- On HoldWhere stories live. Discover now