Chapter 44

27 2 0
                                    

Hindi alintana ang malamig na gabi ay heto at nakatayo sa gitna ng kakahuyan si Janna, batid niyang wala siyang kasama kaya malaya at payapa itong napapaisip ng gustong isipin. Malakas ang kutob ni Janna may tinatago itong si Kriza ngunit kelangan niya ng plano at masigurong malalaman niya ang katotohanan.

Sinuklay ni Janna ang kanyang buhok gamit ang kanyang mga palad at bigla itong napangiti ng maalala ang mga ngiti ni Charles, mga ngiti ng binata na nagbibigay sa kanya ng rason para mas lalong kalabanin ang mga planong gagawin ni Kriza. Unti unti din niyang nararamdaman ang galit at inis para kay Eyaa, batid niyang hindi dahil sa digmaan ito kundi dahil sa binata. Napairap ang dalaga ng muling maalala na mas madalas ng magkasama ang dalawa at tila unti unti ng nahuhulog si Charles dito.

"Anong ginagawa ng binibini sa gitna ng kakahuyan na delikado dahil sa nilalamon na ng dilim ang buong kapaligiran"

Nahinto ang pag-iisip ng malalim ni Janna ng biglang may magsalita sa kanyang likuran, hindi niya pa ito nalilingon ngunit dama niya kung sino ang nasa likuran niya.

Charles.

"Mag isa ka lang ba?" Muli ay ulit nitong tanong ngunit walang sapat na salita ang mailalabasa sa bibig ng dalaga.

Napabuntong hininga si Janna at ramdam na ayaw niya pa sanang makita at makausap si Charles sa mga oras na ito.

"Janna" napapikit si Janna sa boses ni Charles at napakagat labi.

Tila nalulunod sa paghanga ang kanyang damdamin na kahit ipikit niya ang kanyang mga mata ay ramdam na ramdam niya ang presensya nito na kumukuryente sa kanyang tinatayuan.

Kung kasalanan ang mag mahal ng kalaban ay tila lalabagin niya ang batas masunod lamang ang kanyang nararamdaman.

"Bakit ka andito? Anong ginagawa mo dito? Diba dapat ay binabantayan mo si Eyaa?" Sunod na sunod na mga tanong ni Janna dito.

Ilang saglit na katahimikan ang namalagi bago muling nagsalita si Charles.

"Napansin ko kasi na wala ka doon kaya hinanap kita"

"Nasaan si Sunno?" Tanong ng dalaga upang maiba ang usapan dahil tila ayaw niyang bigyang kahulugan ang paghanap ni Charles sa kanya ngunit sa katotohanan ay pinipilit niya lamang ang hindi kiligin.

"Nandoon kausap ang mga kawal"

Wala na yatang maidudugtong si Janna sa kanyang sasabihin kaya muli itong napahugot ng malalim na hininga.

Sa ibang bahagi ng kakahuyan ay nakaupo sa gitna ng dilim si Eyaa ngunit hindi naman ganoon kalalim ang kanyang iniisip, gayon paman ramdam niyang may kaunting kirot sa kanyang damdamin at ang dahilan nito ay ang pag boluntaryong paghanap ni Charles kay Janna kanina, kay ganda ng kanilang pag uusap at payapa ito ng biglaang mapansin ni Charles na wala ang dalaga kanina. Ngunit sa kailaliman ng kanyang utak ay may namumuong mga tanong.

Bakit siya ang naghanap kay Janna?

Bakit hindi na laman niya hinayaan si Sunoo ang maghanap dito?

May ibang ibig ipahiwatig ba ang pagkusang loob niyang paghanap sa dalaga?

Agad napahilamos ng mukha si Eyaa sa kanyang mga naiisip na tanong, ayaw niyang pag isipan ng mali si Charles sapagkat ayaw din naman tumigil ng kanyang isipan.

"What are you doing here?" Agad napalingon si Eyaa ng marinig niya ang boses ni Yanna.

"Nagpapahangin lang, ikaw anong ginagawa mo dito?"

Humalikipkip ito at napabuntong hininga bago sumagot "Hinahanap ka"

"Bakit?"

"I made a plan but not sure with it"

Tumayo si Eyaa at tumitig ng seryoso sa kanyang kausap. "Plano saan?"

"Hindi ko batid ngunit may naalala ako sa aking ama na noo'y may kausap" umiwas ng tingin si Yanna

"Kausap nino? Tungkol saan?"

"Tungkol sa pagsakop sa mga Prowler"

Napaawang ang mga labi ni Eyaa "Maaari bang tama ang hinala natin? Na ginamit lamang tayo upang sakupin natin ang teritoryo ng mga Prowler at hindi totoong sasakupin tayo ng mga Prowler?"

Lumingon si Yanna dito at tumango "Matagal ko ng pinagdududahan ang aking ama sapagkat nahahalata ko sa kanilang mga kilos at minsan ko ng nabasa ang iilan sa kanilang mga plano"

"Ngunit bakit ngayon mo lang ito sinabi?"

"Dahil papatayin nila tayo pag nalaman nilang alam na natin ang plano nila"

"Ano naman ang gagawin mong plano?"

Humigit ng malalim na hininga si Yanna at muling umiwas ng tingin "Kelangan nating bumalik sa Region"

"Ano! At paano naman tayo babalik doon" hindi makapaniwalang saad ni Eyaa

"Kelangan kong bumalik"

"Para saan pa ba?"

"Kelangan kong kunin ang libro na yon at mabasa ang kanilang mga plano "

"Ngunit hindi basta-basta ang makapasok doon sa kinaruruonan ng mga pinuno ng ating bayan"

"Alam ko ang pasikot sikot sa daan ngunit kinakailangan natin ang tulong ni Kriza"

Napakunot ang kanyang noo

"Kung papayag yon then why not"

Kaskukuyang kumakain sa hapag si Laiza kasabay nito si Stell na tahimik at tila nakikiramdam sa palikid.

"Utos ng Heneral na muli kayong igapos"

Nahinto si Laiza sa pagkain at mabilis na nilingon si Stell "Paano- ay hindi, at bakit naman?"

"Hindi ko din batid kung bakit ngunit papakiramdaman ko"

"Maaring ika'y mapag initan ng inyong Heneral kung gagawin mo iyan"

Inabot ni Stell ang kamay ni Laiza na nakapatong sa lamesa at hinawakan ito bago ngumiti "Pangako mag iingat ako"

Ipinatong din ni Laiza ang isa pa niyang kamay sa kamay ni Stell bago muling nagsalita "Hindi ako sigurado ngunit may tiwala ako sa kakayahan mo"

Kasalukuyan na sinusundan ng tingin si Kriza sa kanyang mga ginagawa ngunit tila mahihilo na ito sa paikot ikot nitong paglalakad na para bang ginagawa itong paraan upang makapag isip na gagawin.

"Ako'y nahihilo na sa iyo mahal ko"

Tinaasan ni Kriza ng kilay si Jp "Hindi kita inutusan na sundan mo ako ng sundan"

Napahilamos si Jp sa kanyang mukha gamit ang kanyang palad

"Maaari ba ay ikaw umupo Kriza at sa ganoong paraan ka na lamang mag isip"

Nilingon nya muli si Jp "Alam mo kung saan ang daan palabas ng lugar na ito di ba?"

"Oo bakit?"

"Sketch it here" ibinato ni Kriza kay jp ang Lapis at papel na blanko na agad naman nitong nasalo "We need that para bumalik sa Region"

Kumunot ang noo nito "At anong gagawin mo sa Region?"

"May kailangan tayong kunin"

"Ngunit delikado Kriza"

Napangisi si Kriza "Mas delikado ang mag-antay sa pagsalakay nila"

"Dahil sa pagkakataon na yon, maaari tayong maubos"

A:N- I'm sorry for making y'!ll wait tooo long for my update. I promise this year tatapusin ko ito. Sana ay mayroon pang nag aabang sa kwentong ito at ipagpatuloy ang pag supporta sa akin.

Maraming salamat sa pagbabasa nawa'y hanggang sa dulo ay inyong maantay ang mga pangyayari na magaganap pa sa akdang ito.

To Be Continue🖤

War Of Love And Death- On HoldWhere stories live. Discover now