Chapter 12

38 22 3
                                    

'Third Person POV'

Sumapit ang umaga ng walang nakakalapit sa anim maliban na lamang doon sa secretong paglapit ng Dalawang anak ng Heneral na tanging sila lamang ang nakakaalam. Mula kagabi ay Wala pang kain ang apat na babae maliban Kay Kriza at Eyaa na pinakain ng secreto ni Alpha at Ken.

"Wala yata silang balak pakainin Tayo eh"-bagsak Ang balikat ni Tina ng sabihin niya iyon habang nakahiga pa sa sahig at nakadungaw sa ibabaw jg kulungan na tila nawalan na talaga ng pag-asa.

"Asa ka pang bibigyan tayo ng pagkain Tina eh Wala ngang makalapit satin hanggat hindi ipanag-uutos ng Heneral nila"-aniya Janna habang nakatanaw sa Labas ng kulungan.

Walang masyadong mga tauhang dumadaan dito sa tapat ng aming kulungan dahil sa iba ang lugar na ito, para lamang sa mga ikinukulong may mga bantay man ngunit iilan lamang.

"Yanna! Penge pagkain"-aniya Tina ngunit agad itong binato ng damo ni Yanna na maagap namang nailagan ni Tina habang tumatawa pa itong naupo ng maayos.

"Wag Kang baliw, Wala akong pagkain dito anong akala mo sakin itinatae Lang ang pagkain"

"Malay natin may tinatago ka dyang pagkain sa damit"-natatawang saad muli ni Tina, at sa unang pagkakataon natawa si Yanna sa inasal ni Tina. Tila nawala ang pagkama-attitude ni Yanna sa mga oras na ito at nakuha na niyang ngumiti sa kanyang mga kaibigan.

"Antayin mo't baka may ayudang ibibigay ngayon"-natatawang saad ni Yanna

"Ganda mo Yanna pag nakangiti"-aniya Janna na ikinasimangot naman agad Ni Yanna

"Stop it Janna, wag mo kong inisin"

Muling magsasalita Sana si Janna ngunit hindi ito natuloy ng makitang paparating ang anim na lalaking nakautos na bumantay sa kanila. Sabay silang napatitig sa anim na lalaki maliban Kay Eyaa at Kriza na hindi tumingin. Si Janna ay Muling napatitig sa mukha ni Charles at tila may kakaibang naramdaman na hindi niya Maintindihan, si Eyaa at Kriza ay sabay na napakuyom ang kanilang kamao at napakagat sa kanilang mga labi dahil sa kabang naramdaman.

"Dadalawa Lang muna ang papakainin hindi Kayo maaaring pagsabayin at baka maisipan niyong tumakas., Janna at Laiza Labas"-aniya Sunoo habang titig na titig Kay Janna ngunit nasa iba ang attention Ni Janna, nagkatitigan si Stell at Laiza ngunit maagap na umiwas ng tingin si Stell.

Tuluyan ng binuksan ang kulungan ng dalawa at ipinalabas, Na una ng maglakad ang apat at naiwan naman sila Tina, Yanna, Kriza at Eyaa. Bago tuluyang umalis si JP at Charles ay napatitig pa sila sa Dalawang babae at tila may galit na nag-aalab sa kanilang mga Mata na hindi kayang sabayan ng tingin ni Eyaa at Kriza.

"Dapa!"-biglang sigaw Ni Sunoo na ikinagulat Ni Laiza at Janna pareho.

"Hindi ba Kayo nakakaintindi ng dapa?"-hinila ni Sunoo si Janna at marahas na itinulak gawa ng pagkadapa niya, napadaing ito sa sakit ng tumama ang kanyang noo sa bato, agad gumuhit Ang dugo sa kanyang mukha, at Ng akmang hihilahin si Laiza ni Sunoo ay agad na humarang si Stell.

"Sunoo, relax babae Yan"-aniya Stell at iginaya padapa si Laiza.

Walang bakas na emosyon Ang makikita sa mukha ni Sunoo kundi ang malamig na pagtitig sa Dalawang babae na nakadapa, gayon din naman si Stell ngunit hindi niya mapigilan ang maawa sa Dalawang babae.

Isang babae Naman ang tumilapon papunta sa gawi ng Dalawang nakadapa, at nagalusan ang mga tuhod nito sa batong tumama, Napadaing sa sobrang sakit ang babaeng si Tina na tila maiiyak na anumang oras. Si Sejun ang naghagis sa kanya papunta doon ngunit gaya Ni Sunoo at Stell walang emosyon na mababasa.

"Isali niyo Yan, kanina pa ingay ng ingay doon dahil pagkain daw hindi maibigay"-aniya Sejun na ikinangisi Ni Sunoo unti unti itong lumapit Kay Tina na nakadapa at pinilit na mapaupo gamit ang paghila ng buhok, napaiyak si Tina sa sobrang sakit nito ngunit pinigilan niyang hindi mapahikbi.

"Wag niyong isipin na mabibigyan kayo ng pagkain agad agad at sa mabuting paraan"-aniya ni Sunoo habang nakalapit sa tenga ang bunganga niya kay Tina, sabay sabay na pumatak Ang kanyang mga luha.

"Pahihirapan muna kayo bago kayo Kumain, NAIINTINDIHAN NIYO!!?"-

"Sunoo"-saway ni Stell

"Shut up Stell!! I don't need your Fvckin' opinion!"

Inirapan Ni Stell si Sunoo at walang nagawa kundi ang lumapit dito.

"Fine! If this what you want"-Stell

Binitawan Ni Sunoo ang buhok ni Tina at muling lumapit Kay Janna Hinila nito ang braso at pilit ipinatayo.

"If you want us to suffer from pain before we die then we'll accept it whole heartedly Sunoo"-kahit sobrang sakit ng noo ni Janna nakuha pa niyang sumagot, muling ibinalibag Ni Sunoo si Janna papunta sa puno isang galos na naman ang natamo nito. Pinigilan niyang hindi maiyak.

Mariin na Hinila Ni Stell si Laiza gamit ang buhok nito, gayon din si Tina na umiiyak na sa sobrang sakit, gumuhit Ang Luha sa mukha ni Laiza sa sobrang sakit, ngunit kahit luhaan na ang kanilang mga mukha hindi nila maririnig Ang hikbi ng mga ito.

Sabay sabay na ipinataas Ang kamay ng tatlo at tinalian ng sobrang higpit.

Muling naalala ng tatlo ang sinabi ng heneral "Wag na wag sumuko at mag makaawa sa kalaban"

Kahit unang pag-hihirap pa Lang sobrang nahirapan na sila hindi nila magawang sumuko dahil alam nilang lalo silang pahihirapan Kung ipapakita nilang nahihirapan na sila.

Biglang dumating ang Heneral at nakangiting nakatingin sa Tatlo.

"Have Fun with them"-isang salita ng Heneral na ikinawasak ng puso ng tatlong babae. Gusto nilang sumigaw na Tama na ngunit hindi pwede, gusto nilang sumuko ngunit hindi pwede. Gusto nilang umiyak ng malakas ngunit hindi pwede

Sabay sabay na humawak ng baril Ang tatlong lalaki at Sabay sabay na kinasa. Itinutok ni Sunoo ang baril Kay Janna at nagtagpo ang kanilang paningin, ngunit biglang natigilan si Sunoo ng may naramdaman siyang kakaiba sa damdamin niya, nakita niya ang pagtulo ng Luha sa pisngi ni Janna na tila dahilan para biglang naghuramintado ang puso niya.

Itinutok ni Stell Ang baril Kay Laiza ngunit napapikit siya sa awa na kanyang nararamdaman.

Itinutok ni Sejun ang baril Kay Tina ngunit tila Wala itong naramdamang kakaiba, siya ang unang nagpaputok ng baril, tumama ito sa taas ng Tali ni Tina gawa ng pagka tanggal ng tali niya sa puno.

Napaluhod ng tuluyan si Tina sa sobrang kaba na kanyang naramdaman na inaakalang mamamatay na siya.

Sabay sabay na ipinutok ni Sunoo at Stell ang Baril gawa ng pagkatanggal ng Tali sa kahoy nila Janna at Laiza.

"Done with the game, Let them Eat Father"-biglang Sulpot Ni Alpha sa harapan nila.

"Okey then"-tumayo na ang Heneral at humarap kay Alpha "Let them Eat and play with the other girls"

To Be Continue

War Of Love And Death- On HoldWhere stories live. Discover now