Chapter 1

197 10 13
                                    

Trailing Deep Waters (University Royalties #3) - Chapter 1


The person who makes people happy are usually the ones suffering the most and is in a crucial pain and wound.


"Ma'am, si Venice po 'yung maingay!" Humagalpak ako ng tawa dahil bilang class clown, kung ano-anong trip ang mga ginagawa ko sa kaklase ko.


Minsan susulatan ko ng marker ang uniform ng bida-bida naming kaklase, minsan uupo ako sa teacher's table, minsan din tinatago ko ang bag ng kaklase ko, at ramdam kong naiinis sila sa'kin pero hindi ko magawang tigilan iyon.


"Ma'am, si Venice nag-drawing ng ****!"


"Venice, ang daldal!"


"Ma'am, si Venice sumosobra na!"


"Ms. Venice Mendoza, ano ba iyan! Go to the Guidance Office! Now!"


Tumayo ako at nakita kong pinag-titinginan ako ng mga kaklase namin. Ngumiti ako at tumawa-tawa pa para hindi mag-alala sa'kin si Isabella at Rivier na iba ang tingin sa'kin ngayon. I gave them an apologetic smile.


"Bakit ka ba ganiyan, Ms. Mendoza? Hindi mo ba kayang itikom ang bibig mo? Bakit palagi mong kinukulit ang mga kaklase mo? Bakit lagi kang nagawa ng kung anong kalokohan para ma-ani ang atensyon ng iba? Pinalaki ka ba talagang salbahe ng mga magulang mo?" sunod-sunod na tanong ng Guidance Counselor namin pagka-pasok ko sa office niya. "Kulang ka ba sa pansin?" dagdag pa niya.


Opo...


It's always 'ang dami mong kalokohan', but never 'ayos ka lang ba'.


"Ipapatawag ko ang magulang mo," saad ng Guidance Counselor na naging sanhi ng pagka-balisa ko. Napatayo ako sa kinauupuan ko at hinawakan ang kamay niya bago pa niya mahawakan ang phone niya kaya nahulog iyon sa sahig.


Dahan-dahan akong napatingin sa mga mata ng Guidance Counselor namin na inaapoy na ang mga mata dahil sa labis na galit sa'kin.


"Huwag niyo na po silang ipatawag dito, hindi ko na po uulitin," sinserong sabi ko. Paniguradong bubugbugin ako pag-uwi ni mama, paniguradong mapupuno ng pasa ang katawan ko bukas sa paaralan kung ipapatawag nila si mama dahil sasampalin niya ako at sasabunutan hanggang sa mag-tino ako.


Napa-upo sa upuan ang Guidance Counselor namin at nag-labas ng malalim na buntong hininga. "Paano ako makaka-sigurado na mag-titino ka na? Baka nga ang pagpapatawag ng magulang mo ang solusyon, e..."


"Pasensiya na po, Mrs. Bulan." Yumuko ako. Kung tanging pagpapa-kumbaba na lang ang magagawa ko para kumbinsihin siya, gagawin ko.


"Oh, siya. Sige," pag-payag niya. I sighed in relief. "Pero sa pagkakataong malaman ko na hindi ka pa rin nag-titino at nagawa ka pa rin ng kalokohan, ipapatawag ko na talaga ang mga magulang mo at sasabihin sa kanila lahat ng kabalastugang ginagawa mo rito sa paaralan. Makaka-alis ka na."

Trailing Deep Waters (University Royalties #3)Where stories live. Discover now