Chapter 8

111 7 4
                                    

Trailing Deep Waters (University Royalties #3) - Chapter 8


"Ano'ng gusto mo?" tanong ni Isaac habang nasa table kami for two sa isang steak house. Hawak-hawak namin ang menu habang may waiter na nasa tabi namin.


Ikaw gusto ko, e. P'wede ba iyon?


"Tenderloin steak," Ngiting sambit ko. Iyon lang din naman ang alam kong steak, hindi pa naman ako nakakakain sa ganito. Tsaka ikaw na rin sana akin na lang.


"How do you like your steak, ma'am?" tanong ng waiter. Sandaling tumigil ang utak ko. Huh?


"Ah- ano... I like it so much," confident na sagot ko. Nakita ko ang waiter na nag-pipigil ng tawa kaya napaisip ako ulit.


"I like it with him." Tinuro ko ang kasama ko.


Napakamot ng ulo ang waiter. "Ma'am, hindi po ganiyan."


"How do you like your steak po, ma'am? Rare, medium rare, medium well, or well done?" pag-ulit ng waiter.


"Eh, well-mannered, wala kayo?" seryosong tanong ko.


"Ma'am naman—" mag-rereklamo na sana ang waiter pero pinutol ko ang sasabihin niya.


"Sige na nga, kung may medium rare, large ang akin. Gutom kasi ako." Nag-seryoso na talaga ako. "Large rare."


Nang tignan ko ang waiter, parang nauubusan na talaga siya ng pasensiya. Kahit si Isaac, hindi na napigilan ang pag-hagalpak ng tawa.


Isaac chuckled. "Medium rare na lang ang sa kaniya."


"'Yun lang ba?" tanong ni Isaac pabalik kaya tumango na lang ako. Baka kasi KKB (kaniya-kaniyang bayad) ito kaya mura lang ang pipiliin ko. Dumako naman sa waiter ang tingin ni Isaac. "Ribeye steak ang akin," sabi niya at inabot ang menu na hawak naming dalawa matapos isulat ng waiter ang order namin.


"Ano ang Research title niyo?" tanong aniya.


Na-blangko ako bigla. Hindi ko pa napag-iisipan ito, buti na lang may pumasok sa utak ko randomly. "Effects of Varsity Training on Stress Levels of theStudents," I replied.


"Wala namang connect iyan sa Engineering..." mahinang bulong niya. Nag-kunwari na lang akong hindi ko narinig.


"Hindi ka naman ba bored?" tanong ni Isaac at nag-kibit balikat. "You're just seating on the bleachers, watching me without doing anything else. Ang boring naman."


"S'yempre hindi, masaya naman pagmasdan ka... for Research purposes," palusot ko. "Ginagawa ko rin naman 'to para makapasa." Makapasa sa puso mo.


"Actually, malapit na ang competition ko sa China and my schedule is jampacked of band practices and swimming trainings, so I really can't afford distractions. Hindi dapat ako papayag na maging participant ng Research mo pero sabi ni Chandra na pag-bigyan na raw kita. Hindi naman ako maka-tanggi dahil kaibigan namin siya at nandiyan siya parati kapag kailangan namin siya, she is an understanding and caring friend to all of us. I just want to return the favor," pag-kukuwento niya. Ang supportive naman ni Chandra sa akin.


Natahimik ako dahil wala akong masabi, baka naaabala ko siya para lang sa kalandian ko. Siya pa naman ang team captain ng team nila.


Pero nandiyan na e, dapat itodo ko na. 'Di ba?


"Sorry, ah." I gave an apologetic smile. "Kailan ba ang swimming competition mo?"


"Next month. Bale, the week after next," he replied. "Let's just finish this off quickly. No need to apologize."



"Ah," wala sa sariling sagot ko. Napaisip naman tuloy ako bigla. Gusto kong sulitin ang mga panahong may palusot ako para makasama siya.


Nang dumating ang pagkain namin ni Isaac, hindi ko alam pero ambilis niya kumain, ni hindi na rin siya nag-bukas pa ng topic kaya nanahimik na lang din ako at pinagmasdan siya. Mukhang nag-mamadali siyang makabalik.


Siya nga rin pala ang nag-bayad ng pagkain namin pareho, even if I insisted to pay mine. Crush na crush ko na talaga siya.


"Let's go." Agad na tumayo si Isaac sa kinauupuan niya nang matapos akong kumain. "Sorry, ha. I can't entertain you well, my mind is bothered," saad niya habang inaayos ang upuan na inupuan niya.


"Ah, okay lang," mahinhin kong sagot. Kunwari mahinhin para ma-inlove siya sa boses ko dahil parang kargador ang orihinal kong boses. Ganern.


Mabilis kaming nakabalik sa covered pool ng University kaya naupo na ako muli sa bleachers at nilabas ang sketch pad ko.


"Bakit ngayon ka lang? How irresponsible. Team Captain ka ba talaga?" Napatingin ako nang may sumalubong kay Isaac na swimmer din pero maangas. Makapal ang kilay, maputi, matangos ang ilong at hunk ang katawan. Bad boy look, kumbaga. Para ngang may galit siya kay Isaac kung makatingin.


"I just took a late lunch dahil hindi pa ako kumakain simula kanina. I'm sorry, bro. It won't happen again," si Isaac na ang nagpa-kumbaba.


"I think I'm pretty much better than you, hindi ko alam kung bakit ikaw ang ginawang Team Captain ni coach," saad ng lalaki habang umiiling. Tumalikod na rin siya kaagad.


Tsk, insecure naman pala.


Isaac gave me an apologetic smile before he followed his teammates. Ang humble at patient naman niya kahit siya na itong inaaway. I cannot.


Natulala na lang ako sa pool at nag-kunwaring walang nangyari para hindi mahiya sa akin si Isaac, natapos ko rin ang drawing ko ng portrait ni Isaac habang nag-hihintay kaya abot tenga ang ngiti ko.


Balang araw... ibibigay ko 'to sa kaniya.


"Phew," naka-rinig ako ng bastos na paninipol kaya napansin kong naka-buka pala ang mga binti ko. Napa-ayos ako kaagad ng upo at bumilis ang tibok ng puso ko. "The Queen of Engineering is here, huh."


Nang iangat ko ang tingin ko, ito ang lalaking nang-away kay Isaac kanina! Si bad boy!


Queen of Engineering ang tawag niya sa akin dahil ako lang ang nag-iisang babae sa klase namin. Ako nga rin ata ang pinaka-maganda sa department namin, ayon sa kanila.


"Pakialam mo ba?" pag-tataray ko.


Sumipol siya muli na para bang nambabastos at minamanyak ako habang nililibot ang paningin sa katawan ko at hinawakan ang braso ko. I clenched my fist, getting ready to punch the hell out of him. He's disgusting.


Tatayo na sana ako para sapakin siya pero naharangan kaagad ako ni Isaac. "Problema mo ba, bro? Hands off," inis na angil ni Isaac.


------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Trailing Deep Waters (University Royalties #3)Onde histórias criam vida. Descubra agora