Chapter 2

150 7 16
                                    

Trailing Deep Waters (University Royalties #3) - Chapter 2


Since high school freshmen pa lang kami, kaming tatlo na nina Rivier at Isabella ang mag-kakasama. Close naman talaga kami ni Isabella dahil mag-tropa ang nanay namin, samantalang ito si Rivier, naging ka-close si Isabella dahil nga mag-kapitbahay sila. Kaya ayun, kaming tatlo ang nag-click. Kapag group works, kaming tatlo palagi. Kapag galaan, kaming tatlo palagi. Kapag kakain sa canteen, kaming tatlo palagi. It has always been the three of us. I couldn't imagine losing any one of them.


"Find a partner! 2 persons per group lang, even number ang class natin so there wouldn't be a problem," our Science teacher announced. Napangiwi ako, paano kaming tatlo nito?


Ngumiti ako at dinako ang paningin ko kay Isabella. "Kayo na lang ni Rivier."


Kita ko naman ang abot tenga na ngiti ni Rivier. Hay nako, mas'yadong napag-hahalataan na crush niya ang bestfriend namin.


"Huh? Edi, paano ka?" nag-aalalang tanong ni Isabella. 


"Okay lang! Mag-hahanap ako ng ka-partner," I assured her. "Ito, oh! Si Mark na lang!" Hinablot ko ang balikat ng lalaki kong kaklase na ubod ng tahimik. Hindi naka-palag ang hinablot ko dahil nga, tahimik. Si Mark, tahimik lang.


"Sure ka, ah?" Isabella asked again. "Tayo na lang kaya dalawa? Tapos si Rivier at Mark ang partners."


"Hindi! Huwag na!" agad kong tanggi. Pinag-bibigyan ko 'tong si Rivier na ma-solo si Isabella, kasi alam kong may kapalit ito. Baka pagkain, chocolate, o bente. Okay na rin. 


"Goodluck sa in'yo," si Rivier naman ang nag-salita. Ito talagang mokong na 'to, andali-dali para sa kaniya na bitawan ako para lang ma-solo ang crush niya.


Sa sobrang tahimik ni Mark, kahit sa project namin, hindi siya tumulong. Okay lang din naman, drawing the cardiovascular system lang naman at labelling. Confident naman ako na magaling ako mag-draw kaya natapos ko rin iyon kaagad. What I mean by kaagad is the day before the deadline, mahilig kasi ako mag-procrastinate.


Ang project naman nina Rivier at Isabella ay nakapasa agad, a week before deadline. Top 1 kasi si Isabella, e. Hindi siya confident sa drawing, though. Pero confident naman siya sa pagkaka-label niya ng parts.


"Malapit na ang prom, ah. Ayaw mo pa rin bang umamin, teh?" tanong ko kay Rivier. Nasa canteen kami ngayon, na-order pa si Isabella kaya kaming dalawa pa lang ni Rivier ang nasa lamesa, naka-upo sa monoblock.


"Aamin?" pa-inosenteng tanong niya. "Kanino naman ako aamin?" he chuckled.


"Teh, ano akala mo sa'kin tanga?!" I exclaimed. "Well, tanga naman talaga ako. Pero hindi bulag!" reklamo ko.


"Ano bang pinag-sasabi mo?" nag-mamaangmaangan pa rin siya.


"Alam kong gusto mo si Isabella." Naningkit ang mga mata ko sa kaniya. Bakit ba kailangan pa niya mag-sinungaling sa'kin? Tutulungan ko na nga siya, e.

Trailing Deep Waters (University Royalties #3)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora