Chapter 3

149 10 5
                                    

Trailing Deep Waters (University Royalties #3) - Chapter 3


"Lilipat na kami ng bahay after graduation." Napatingin kami kay Rivier nang mag-salita siya habang nakain kami sa bagnet house malapit sa school.


"Ha? Bakit?" ako ang unang nag-react. Napansin ko kasing hindi maipinta ang mukha ni Isabella ngayon. Close na close kaming tatlo, at alam kong sa pag-lipat ni Rivier, malalayo kami sa isa't-isa. Nakaramdam tuloy ako ng takot.


"Hindi ko alam, e... ayaw na nila mama doon. May binili silang bahay sa exclusive village malapit sa University kung saan nila ako ipapasok," pag-kukuwento niya. Hindi ko mabasa ang mga mukha nila Isabella at Rivier kaya naguluhan ako.


"Saan ka ba nila ipapasok?" walang emosyong tanong ni Isabella.


"Sa rival University ng CUA, sa Maxim High University."


"Akala ko ba lahat tayo sa Cosmopolitan University of Asia tayong tatlo?" ako naman ang nag-tanong. Para naming iniimbistigahan ngayon ang sinasakdal na si Rivier.


"Sorry," 'yun lang ang tanging sagot ni Rivier bago kunin ang bag niya para umalis. Nagka-tinginan kami ni Isabella dahil 'di manlang nag-paalam si Rivier nang maayos, tsaka hindi pa niya nauubos ang kinakain niya, umalis na siya kaagad.


"Ano'ng problema no'n? Bakit 'di siya sumusunod sa usapan? Bakit ngayon niya lang sinabi sa atin? O baka naman nauna niyang sabihin sa iyo." si Isabella naman ang siniko ko dahil pareho silang hindi ko maintindihan. "Ano bang meron? Ni-leleft out niyo naman ako, e. Bakit parang kayo lang ang nagkaka-intindihan? Bakit 'di niyo sinasabi sa'kin? Akala ko ba tropa tayo?"


"Hinalikan ako ni Rivier..." Wala sa sariling pag-kukuwento ni Isabella kaya natahimik ako. "Hindi naman gawain ng mag-tropa 'yun, e."


Ang manhid naman talaga nito, oh. Hinalikan na nga, iniisip pang tropa pa rin ang tingin sa kaniya ni Rivier. Nang umulan ata ng kamanhid-an, si Isabella ang sumalo ng lahat.


"Ano'ng sinabi pagkatapos?" pag-uusisa ko.


"Wala." Napailing si Isabella. "Hayaan mo siyang umalis."


Natahimik ako dahil kahit hindi pa lumilipat si Rivier, parang nag-wawatak-watak na kami kaagad. Sila na nga lang ang mayroon ako... pero mukhang mawawala pa.


"Ate Venice!" Napangiti ako nang batiin ako ng lalaking kapatid ni Isabella na si Nathaniel. Ang pogi-pogi ng batang ito pero mukhang pogi rin ang nais.


"Nasaan po si kuya Rivier?" tanong niya kaya napangiwi si Isabella na hindi pinansin ang tanong ng kapatid niya.


"Ah, hindi ko alam. Baka nag-huhunting," sagot ko.


"Hunting po ng ano?" inosenteng tanong ng bata.


"Ng sarili niya. Sa tingin ko kasi wala na siya sa sarili niya," sagot ko na hindi naintindihan ni Nathan. Gusto pa nga akong batukan ni Isabella.

Trailing Deep Waters (University Royalties #3)Where stories live. Discover now