Chapter 12

110 6 0
                                    

Trailing Deep Waters (University Royalties #3) - Chapter 12


"Bakit hindi ka okay?" I asked. "Kung okay lang sa'yo sabihin..."


"I don't like my course, and I don't see myself liking it anytime soon." He shrugged. "My parents only forced me to do so. You recently met my brother, right?"


Tumango lang ako sa kaniya.


"Well... he chose Legal Management, even if our parents wants him to take Political Science too. You know, our parents are treating us not like their children. They just wants us to continue their business in politics which is frustrating. Gusto ata nila na buong family tree namin ay nasa politika kahit hindi naman iyon ang gusto naming mga anak niya. In exchange for not following our parents' orders, they are treating Kuya Rev like he's not part of the family, like an outsider." Umuwang na lang ang labi ko dahil sa sinabi niya. Hindi ko inaasahan na sasabihin niya talaga ang problema niya, lalo na't parte siya ng kilalang pamilya sa siyudad namin. Hindi lang sa Manila, kilala rin ang tatay niya sa bansa dahil nga mayor ang ama nila.


Gano'n pala ang ugali ni Mayor Leonardo Velarde. Alam ko naman na hindi lahat ng nakikita mo sa social media at balita ay totoo, pero kakaiba pala kapag nalalaman mo ang katotohanan first-hand. Sa anak pa talaga niya nanggaling.


"Alam mo, follow your heart. It will never be your fault for having your own choices, it's your rights to choose your path," I reminded him. "Hindi naman porket magulang mo sila, sila na ang masusunod sa lahat, Isaac."


"Did you know that you're only one of the few who knows about this?" Then, he looked at me. "I'm expecting you to keep this a secret, Venice."


"Oo naman!" I assured him with a smile. "Cross my heart, hope to die," saad ko na with actions pa kasi maangas ako.


Tumawa siya. "Aasahan ko iyan."


"Ano nga pala ang number mo?" I asked.


Isaac chuckled. "Don't tell me that's for Research as well?"


"For Research nga!" I defended. Napalunok ako dahil ang defensive ko pakinggan. "Edi... email na lang if hindi ka comfortable," I said, to make it sound more believable. Kadalasan kasi email ang ginagamit for Research to reach out to your participants. Baka naman ipagkait pa niya ang email niya sa akin, ha!


"May I?" he asked permission, pointing at my notebook. Kahit hindi ko alam ang gagawin niya, pumayag na lang ako.


Pumunit siya ng papel sa notebook ko at nag-sulat siya roon gamit ang ballpen ko. Pagkatapos mag-sulat, tumayo na siya at kinuha ang backpack niya upang isuot sa likuran niya.


"Here." Binigay niya sa akin ang piraso ng papel. "I still have my training. Do you have anything else?" he asked.


"Ah, wala naman na..." I replied.


"So, you don't need me for Research anymore, right?" Napalunok ako dahil sa tanong niya. Parang nalulungkot ako dahil parang hanggang doon na lang ang p'wede kong gawin upang maabot si Isaac.


"Oo. Email na lang kita..." Yumuko ako. "Email na lang kita... kung may follow-up questions." Siguro kung handa na akong umamin sa kaniya at ibigay ang portrait na drawing ko para sa kaniya, ipapalusot ko na lang na may follow-up questios ako sa kaniya para sumipot siya.


Kumaway na siya paalis kaya ngumiti lang ako nang tipid at pinanood siyang umalis. Ang effort niya dahil pinuntahan pa niya ako sa building ng course namin para lang ma-interview ko siya. Nahuhulog tuloy ako sa kaniya. Dalawang araw ko pa lang siya nakakasama pero ang dami ko kaagad nalaman na lalong nagpa-hulog ng loob ko sa kaniya. Dalawang araw na mabilis lang lumipas. Ang bilis ng araw kapag kausap, nakikita, at kasama ko siya.


Nang basahin ko ang nasa papel na binigay ni Isaac, napangiwi ako dahil email nga talaga ang binigay niya at hindi ang kaniyang contact number. Ano ba iyan, hard to get. I like it.


lucianisaacvelarde


Nang makapasok ako ng gate ng bahay namin pagka-uwi, I noticed a familiar smell. Parang may nag-luluto ng paborito kong pagkain tuwing umuuwi ako noon. It was the smell of my happiness, the aroma of my joy, which is produced by the person I've been longing for.


"Papa?!" Nag-liwanag ang mga mata ko at tumulo ang luha ko dahil sa sobrang saya. "Papa, nakauwi ka na!"


--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Trailing Deep Waters (University Royalties #3)Where stories live. Discover now