Chapter 4

143 9 9
                                    

Trailing Deep Waters (University Royalties #3) - Chapter 4


"Ano'ng kukunin mong course?" tanong sa'kin ni Isabella mula sa kabilang linya. Narito ako sa registrar ng Cosmopolitan University of Asia para mag-enroll.


Wala pa si Isabella ngayon dahil 'di pa sigurado kung matutuloy siyang mag-aral kasama ko rito. Hindi raw kasi afford ng budget.


Pero hiling ko na sana maka-habol siya... kahit sa gitna ng semester, okay lang.


"Engineering," sagot ko. "Para maka-hanap ako ng poging sugar daddy." 


Tumawa siya. "Seryoso ka ba riyan? 'Yan talaga ang reason mo?"


"Oo, sa sugar daddy giginhawa ang buhay," biro ko. Tumawa tuloy kami nang sabay.


Sa totoo lang, Engineering ang pinili ko dahil gusto ko naman talaga ito, ito rin ang pinili ng pamilya ko para sa akin. I was confident with my drawing skills, though drawing software na ngayon ang gamit ng mga companies to produce blueprints kaya I'm enhancing my talent in drawing with softwares.


I was somehow born from a family of Engineers, Aerospace Engineer ang tito ko, si papa ay Civil Engineer sa ibang bansa, at Mechanical Engineering naman ang kinuha ng pinsan ko. Electrical Engineering naman ang kinuha ko dahil why not 'di ba, hindi ko nga rin alam kung bakit pinili ko ito, for clout lang naman sana. Charot.


Akala ko nga maitatawid ko ang course na ito gamit ang pagpapa-turo sa mga ka-pamilya ko na halos kapareho ko ng field pero mukhang hindi. Mukhang mas mauuna pa'kong tumawid sa langit.


"Kumusta naman ang CUA?" tanong ni Rivier sa kabilang linya. Tinawagan ko siya para kamustahin dahil ayaw ko na ma-disconnect kami sa isa't-isa dahil lang malayo na siya at sa ibang paaralan nag-aaral.


"Okay lang naman siguro, para ngang may crush na ako agad." Humagikhik ako. Nag-aaral naman ako pero hindi ko maiwasan mag-crush hunting. Andami kasing pogi rito sa University namin.


"Sino na naman iyan?" he interrogated.


"Basta, g'wapong lead singer ng banda tapos swimmer pa!" maligaya kong sambit.


Kahapon lang kasi, may nakita akong g'wapo, Isaac ang pangalan niya pero hindi ko pa alam ang full name. Pero malalaman ko rin naman iyan. Detective kapag may crush moments.


"Sigurado ka bang tao pa iyan? Baka naman sa kaka-Wattpad mo lang iyan." I heard his sigh on the other line. "P'wes kung totoong tao naman iyan, 'di ka rin niyan magugustuhan."

Trailing Deep Waters (University Royalties #3)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu