Chapter 13

102 6 0
                                    

Trailing Deep Waters (University Royalties #3) - Chapter 13


"Papa, bakit hindi mo sinabing nakauwi ka na pala? Edi sana sinundo kita sa airport!" I hugged him really tight, I didn't want to let go... because he might leave me again.


I can still remember that the last time he left, hindi siya nag-paalam sa'kin. Gumising ako na nasa ibang bansa na pala ulit siya kaya iyak ako nang iyak, pinagalitan pa ako ni mama dahil nag-iinarte na naman daw ako.


"Alam ko kasing may pasok ka, anak. Gusto kitang i-surprise," he smiled. He separated from the hug and showed me what he was cooking. It was my favorite, Bulalo.


"Wow! Favorite ko!" I exclaimed. "Hindi ka ba pagod, 'Pa? Sana hindi ka na lang muna nag-luto, baka mapasma ka. Next time, 'Pa... sabihin mo na sa'kin kapag uuwi ka na, ha. Magandang i-surprise mo ako. Pero... mas exciting nga kapag alam kong uuwi ka na pala, 'Pa."


Ginulo ni papa ang buhok ko. "Daddy's girl ka talaga, 'no?" he chuckled.


Totoo naman. Kung papapiliin ako between kay mama at papa, si papa ang pipiliin ko. Hindi na ako mag-dadalawang isip pa.


"May balik-bayan box nga pala riyan." Turo niya sa tabi ng lamesa. Napangiti ako dahil nabuksan na kaagad iyon ni papa, nakagawian niya na iyon dahil noong bata ako, hindi ako marunong mag-bukas niyan dahil sa dami ng packing tape.


"Nasaan nga pala ang mama mo?" tanong niya matapos ipihit ang stove para mamatay, tapos na kasi siyang mag-luto. Natahimik naman ako dahil sa tanong niya at natigilang mag-halughog ng balik-bayan box. 


"Hindi ko po alam, e," palusot ko. Ngumiti ako para makumbinsi manlang siya.


Ayun, nag-susugal sa hindi ko alam na lugar. Umuuwi lang siya kapag gusto niya. Adik na nga ata talaga ang mama ko katulad ng sinasabi ng iba, ng mga kapit-bahay namin, at ng iba pang mga nakakakita sa kaniya. Hindi ko alam kung alam 'yun ni papa.


"Ah, gano'n ba anak? Eh, 'yung baon mo, binibigay niya ba sa iyo? Sinasabihan ko siya na bigyan ka niya ng allowance araw-araw. Binibigay niya ba?" Napatingin ako kay papa sa tanong niya. Wala namang binibigay sa akin... kailanman 'di ako binigyan ng baon ni mama. Kumakayod ako ng sarili ko na mag-part time job sa isang Flower Shop & Cafe tuwing weekend para may pang-baon ako para sa sarili ko.


"Opo, papa. Binibigay po ni mama palagi. S'yempre hindi ako papabayaan ni mama, 'no! Naka-ipon na nga po ako, e," pag-sisinungaling ko.


Gusto ko umiyak dahil mukhang hindi alam ni papa lahat ng ginagawang kalokohan ni mama. Mahal na mahal ni papa si mama, siya ang nag-sakripisyo na mag-trabaho at pinatigil mag-trabaho si mama dahil ayaw daw niyang napapagod ito. Kahit naman hindi ko alam ang ginagawa ni mama, kahit pa sinasaktan at inaabuso niya ako, mahal ko siya kahit papaano. Naiipit ako sa sitwasyon namin.


"Wow, chocolates!" I tried to sound excited even if tears wanted to escape from my eyes. "Mahal talaga kita, 'Pa!"


Tumawa lang si papa. "Halika na, kumain na tayo. Baka mamaya pa uuwi ang mama mo, i-tetext ko na lang siguro siya. Hindi niya rin kasi alam na uuwi na ako."


Tumango ako at umupo na rin sa dining table namin na may ngiti sa mga labi. I only experience eating with someone in the dining table when my father is here. Kapag kasi nasa abroad na si papa, hinahayaan lang ako ni mama na kumain mag-isa. Hindi nga rin ako ipinag-luluto ni mama, basta kapag naka-kain na siya, hindi na niya ako proproblemahin. Pinapabili niya lang ako ng kakainin ko sa karinderya sa labas. It was like I was the only one who cares in this cold and silent household.


Kahit alam kong pagod si papa, siya pa ang nag-sandok para sa akin ng kanin at sabaw. Kaya ginantihan ko siya, tumayo ako at ako rin ang nag-sandok para sa kaniya kaya nag-tatawanan kami habang kumakain.


Biglang nag-vibrate ang phone ko habang kumakain kami ni papa. Tinignan ako ni papa at sumenyas na sagutin ko na ang tawag. Ngumiti lang ako at tumayo upang sagutin ang tawag.


"Venice, may scholarship na ako sa CUA!" balita sa akin ni Isabella kaya napangiti ako abot tenga. "Papasok na ako bukas!"


----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Trailing Deep Waters (University Royalties #3)Where stories live. Discover now