Chapter 7

119 6 7
                                    

Trailing Deep Waters (University Royalties #3) - Chapter 7


"Kuya Rev, nabili mo ba?"


Lumapit sa'min si Isaac at agad na dumako sa kuya niya na nasa tabi ko ngayon.


"Oo. Mag-hanap ka na nga ng girlfriend para 'di na ako uutos-utusan mo," masungit na saad ng kuya niya at inabot kay Isaac ang plastic bag na may lamang banana milk at wafer.


"Ito namang katabi ko ngayon willing naman ata mautos-utosan," pasimpleng banat ni Rev at tinabig ako kaya nasamid ako sa iniinom kong banana juice.


"Ha?" pa-inosenteng tanong ko. "Nandito lang po ako for Research..." Napalunok ako dahil nilalaglag ako ng kapatid ni Isaac! Wala na akong maisip na palusot dahil hindi naman ako nakapag-handa ngayong araw sa sobrang excitement.


"Research daw," nang-aasar na bulong ni kuya Rev. "Ano namang Research title niyo? The life of Isaac Velarde? The amount of happiness in being a relationship with a swimmer?"


"Halata talagang bobo ka, kuya," sabat ni Isaac habang nailing-iling. "Pabayaan mo na nga iyan si Venice. Umalis ka na."


"Pagkatapos mo'kong utusan, tatabuyin mo na ako agad, ah," wika ni Rev pero tumayo na rin naman siya mula sa bleachers. "Ganiyan naman kayong lahat, e. Ginagamit niyo lang ako."


Natawa na lang ako dahil sa inaakto ng kapatid ni Isaac. Panganay na maloko.


"Si Venice na uutusan mo, ah!" paalala ni Rev bago umalis. "Reverant, now signing off," wika niya habang nag-lalakad palayo.


Napabuga na lang nang malalim si Isaac dahil sa kaniya. Dumako bigla ang paningin niya sa akin kaya kinabahan ako. "Papanoorin mo ba talaga ako hanggang sa matapos kami?"

"Oo sana," sagot ko naman.


"Why? You haven't gathered the information you need?" tanong niya. Siguro hindi na siya nag-dududa sa'kin dahil may participant observation naman sa Research. Hays, thank you Lord.


"Oo, hindi pa," palusot ko.


"Alright," saad niya at tumalikod na siya para umalis.


Kung alam niya lang... wala naman akong inaaral, e. Inaaral ko siguro na mahalin siya, iyon lang naman.


Buti nga dahil nag-oobserve ako, marami akong nalalaman tungkol sa kaniya. Mahilig pala siya sa banana milk at chocolate wafer kapag training niya. Tahimik lang rin siya kapag training, hindi katulad ng mga kasama niya ring swimmer na nag-kakantiyawan kahit training na.


Akala ko naka-layo na si Isaac sa pag-lalakad pero bumalik pala siya sa akin.


"Kumain ka na ba?" pahabol na tanong ni Isaac kaya nag-init ang pisnge ko.

Dati inis na inis ako sa mga taong na-fafall at kinikilig dahil lang sa isang 'kumain ka na ba?', ngayon gets ko na bakit sila kilig na kilig dahil isa na ako sa kanila.


"Ah, hindi pa ako nakain. Pero binigyan ako ng kuya mo nito." Inangat ko ang hawak kong banana milk na ngayon ay ubos na.


"May break kami mamaya in 20 minutes... kain tayo?" pag-aaya niya. Parang walang malisya iyon sa kaniya.


"Ah, sige sige," I coldly answered.


Cold dapat para hindi halata na excited na excited ako. Ang galing ko naman, first day pa lang, yet I already earned a meal with my crush!


Abot tenga ang ngiti ko habang tinutuloy ang drawing na sinimulan ko kanina. Nasa bandang mata na ako kaya taimtim kong pinagmasdan ang mga mata ni Isaac na kasalukuyang busy makinig sa sinasabi ng coach nila.


Parang saglit lang ang naging pag-hihintay ko dahil mabilis talaga ang oras kapag kasama mo ang mahal mo. Char.


"Tara na? Kain na tayo," saad ni Isaac na ngayon ay nakapag-palit na ng damit. Naka-suot na siya ngayon ng black shorts at puting plain shirt.


Binaba ni Isaac sa tabi ko ang Nike training bag niya na itim. Kakain lang naman kami at babalik pa kami dito kaya wallet, towel, at phone niya lang ang kinuha niya mula sa bag niya.


"Ingat sa date!" banat ng isa sa swimmers habang kumakaway sa amin nang mag-lakad kami paalis. Nakagat ko ang labi ko, samantalang si Isaac ay chill lang at nag-kunwari pang wala manlang siyang narinig.


"Huwag mong pakinggan iyon si Ruigie," simpleng sabi sa akin ni Isaac. Ruigie pala ang pangalan ng swimmer na sumigaw na iyon.


Huwag ko raw pakinggan, e ang sarap nga sa tenga ng sinabi niya. Ingat sa date!


"Saan mo ba gustong kumain?" tanong niya habang nag-pupunas ng pawis gamit ang towel niya na puti. Nakarating na kami sa parking lot ng University.


"Kahit saan," sagot ko. Kahit saan basta kasama ka.


Gusto ko tuloy agawin ang towel niya na pang-punas para ako na lang ang mag-pupunas ng pawis niya. Kaso ang feelingera ko naman ng lagay na iyon. Feeling girlfriend, eh legal wife naman na ako. Eme.


"Sakay na," saad ni Isaac at pinag-buksan ako ng pintuan ng sasakyan niya na puting Tesla. Napa-hanga tuloy ako. Napa-titig ako sa sasakyan niya at napuno pa ako ng kilig dahil hindi ako makapaniwalang sasakay ako sa sasakyan ng crush ko.


Ano bang ginawa kong mabuti kung kaya't sineswerte ako ng ganito? Siguro ako ay isang katipunerang maganda noong unang panahon sa past life ko kaya sineswerte ako ngayong araw.


"Venice... sasakay ka ba o hindi?" nag-aalangang tanong ni Isaac dahil may hawak siyang key card na tila ba iyon ang pang-bukas ng sasakyan niya.


Napalakad ako nang mabilis papasok ng sasakyan niya habang nahihiyang naka-ngiti dahil kanina pa pala ako naka-titig sa sasakyan niya!


May pinindot siyang pin sa screen na nasa harapan namin kaya tulala lang ako habang ginagawa niya iyon.


"May girlfriend ka ba?" tanong ko sa gitna ng katahimikan.


"Why do you ask?" he asked back.


"For Research," saad ko at hiyang ngumiti.


He bit his lip and turned his gaze back to the road. "None."


"P'wede bang mag-apply?" wala sa sariling tanong ko.


"Huh?"


"I mean, sa swimming niyo, paano mag-apply? P'wede ba akong sumali riyan?" palusot ko.


"Mhm, I guess..." sagot niya matapos ang mahabang katahimikan. Mabilis kaming naka-alis sa car park ng school at nakarating sa isang steak house sa malapit kaya naka-gilid na ang sasakyan at kasalukuyan na kaming nag-tatanggal ng seatbelt. "P'wede ka naman, sabihan mo lang ako. Tatanggapin kita." Ngumiti siya sa akin nang kaunti.


I didn't know if it was just me, if I'm just assuming things, or what he said really had a double meaning.


-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Trailing Deep Waters (University Royalties #3)Where stories live. Discover now