Chapter 6

123 7 13
                                    

Trailing Deep Waters (University Royalties #3) - Chapter 6


"Go, Isaac!" pag-cheer ko. "Yuhoo!"


Pinanood ko si Isaac na kasulukuyang lumalangoy ng isang lap. Lahat silang swimmers ay kasalukuyang naka-suot ng swimming goggles, naka-topless at silk satin trunks or swimming shorts lang ang kanilang kasuotan ngayon kaya ramdam ko at kitang-kita ng dalawang mata ko ang overflowing blessings ni Lord.


Kanina pa ako hiyaw nang hiyaw dito sa bleachers ng covered swimming pool area. Pinag-titinginan na nga ako ng mga kasama ni Isaac na varsity swimmers pati na ang coach, siguro dahil iniisip nilang girlfriend ako ni Isaac. O kaya, baka iniisip nilang may baliw na naka-takas.


"Miss, p'wede bang manahimik ka kahit sandali manlang?" saway ng coach nila sa'kin. Nag-lakad siya palapit sa akin para marinig ko talaga siya. Natikom ko tuloy ang bibig ko. "Hindi pa ito ang mismong game, tsaka ka na lang mag-ingay kapag competition na. Nakaka-abala ka, e," huling sabi ng coach bago tumalikod para mag-lakad papunta sa mga swimmers niya.


Gusto ko magpa-lamon sa lupa dahil mukhang narinig ng iba ang sinabi ng coach sa akin, pero ayaw ko pa rin magpa-tinag. Gusto ko muna manatili rito.


Pinanood ko na lang sila nang tahimik at nag-labas ng sketch pad. "I-dadrawing ko na lang bebe loves ko," mahinang bulong ko sa sarili ko.


Saktong pagka-labas ko ng pencil mula sa pencil case ko, naka-ahon na si Isaac sa pool. Pinagmasdan ko ang bawat detalye niya, ng katawan niya, ng wangis niya... ng awra niya.  Mabilis na ko ginuhit iyon sa isang pahina ng sketch pad ko.


Simula pagka-bata, mahilig na talaga ako mag-draw.


Kahit nga ang mukha ng papa ko ay palagi kong pinagmamasdan sa sketch pad ko. Ayaw ko kasing makalimutan ang itsura niya dahil palagi naman siyang nasa ibang bansa at minsan lang kung umuwi.


I didn't want to forget about him. I didn't want to forget how he smiles at me when he fetches me at school. I didn't want to forget how happy he looked like serving me with my favorite food even if he was really tired.


"Sino ang dina-drawing mo, miss?" Nabalik ako sa realidad nang may mag-salita na lalaki sa harapan ko. Naka-tingin pa siya sa sketch pad ko kung saan dina-draw ko si Isaac. 


Agad akong napabalikwas ng upo at tinakpan ko rin ang dina-draw kong half body portrait ni Isaac. Sayang, patapos na sana ako sa drawing pero kulang pa ng detalye sa mukha niya. "Ah, wala. Tapos na ba kayo?"


Napatingin ako sa itsura ng lalaki. Hindi naman siya swimmer dahil naka-school uniform lang rin siya tulad ko. G'wapo siya, maputi, matangos ang ilong, at may dimples. Med'yo may hawig nga siya kay Isaac, e. Hindi ko alam kung adik lang ako na nakikita sa lahat ang wangis ni Isaac o sadiyang kamukha niya lang talaga. Pero mas g'wapo pa rin talaga si Isaac ko.


"Miss, mamaya pa sila matatapos." Tumawa siya. "Hanggang 6 pm pa siguro iyan."


"Ah, ganun ba?" bakas ang disappointment sa boses ko. "Hihintayin ko na lang silang matapos-"


"Gusto mo?" Nilahad ng lalaki ang plastic bag na dala niyang may lamang banana milk at chocolate wafer.


"Ah, huwag na po," hiyang saad ko habang kinakamot ang ulo ko.


"Anong year mo?" tanong muli niya at umupo pa sa tabi ko. Napa-iling na lang ako nang kaunti.


"1st year."


"Ah, freshman naman pala." Ngumiti siya. "I'm Rev. Third year, Legal Management."


G'wapo naman ang pangalan, pero...


"Ah, okay," mahinang bulong ko. Hindi naman kasi ako interesado!


"Bakit po ba kayo narito?" tanong ko sa kaniya. Sana naman ma-gets niyang gusto kong umalis siya sa tabi ko dahil baka makita pa kami ni Isaac ko.


"I brought food for my brother. Paborito niya kasi 'to kapag training niya. Gosh, he should really get a girlfriend to do these chores for him," sagot niya habang pinapakita sa'kin ulit ang plastic bag na dala niya. "Ayaw mo ba talaga nito? Sige na, kunin mo na. Sobra naman ang binili ko."


Pinilit niyang ibigay sa'kin ang banana milk at wafer kaya kinuha ko na lang iyon mula sa kamay niya. "Thanks."


"Crush mo ba ang kapatid ko? I saw your drawing..." panimula niya.


"Huh?! Hindi!" agad kong tanggi. Malay ko ba kung sino ang kapatid niya.


"Really?" his eyebrows furrowed. "Hm, okay then."


"Sino ba ang kapatid mo?" med'yo iritado kong tanong.


"You see that guy?" turo ni Rev sa lalaking hindi ko naman kilala.


"Oo. Ayan kapatid mo?" iritadong tanong ko muli.


"Nope, hindi iyan ang kapatid ko. Trip ko lang ituro." Sarkastiko akong ngumiti dahil sa kapilyuhan niya. Natawa pa siya ngayon.


"My brother is the one beside the man I pointed at, you know, the 2nd year Political Science one," saad niya matapos tumawa. "I'm Reverant Velarde, Isaac's older brother."


Napa-nganga ako dahil sa sinabi niya. Pinag-sungitan ko pa siya, kapatid pala siya ng crush ko!


----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Trailing Deep Waters (University Royalties #3)Where stories live. Discover now