Chapter 14

110 5 11
                                    

Trailing Deep Waters (University Royalties #3) - Chapter 14


"Mhm." Naka-rinig ako ng ungol sa kwarto nila mama't-papa pagkagising na pagkagising ko. Napauwang ang labi ko, are they doing it?


Papasok na ako ng University pero hindi ako makapag-paalam kay papa dahil nga parang nasa loob ata sila ng kwarto pareho at... at may ginagawa.


Nang tumigil na ang ungol sa kwarto nila, marahan kong binuksan ang pintuan. Malaya akong pumasok sa loob para mag-paalam na aalis na ako.


Pero...


Pero nang maka-lapit ako, parang winasak ang puso ko. Parang nagkaroon ng kuryente sa dibdib ko kaya hindi ako makahinga. I couldn't move freely because my legs were shaking.


My mom was in bed, hugging another man and not my father. Tumulo ang luha ko at nabagsak ko ang hawak kong lunchbox ko. Nagising silang dalawa at napa-ayos ng upo. Gulong-gulo ang buhok ni mama at tanging puting kumot na lang ang bumabalot sa kanilang dalawa. Both of them were shocked, not expecting to see me.


I knew my mom was addicted to gambling, I knew that she was doing something off without my dad and I knowing... but I didn't expect that she is also a cheater.


How could she cheat on my father when all my father did was love her and sacrifice for her?


"Anak... akala ko pumasok ka na." Hiyang ngumiti si mama at tinignan ang lalaking kasama niya na balbas sarado. Ngayon na nga lang niya akong tinawag na 'anak', sa ganitong sitwasyon pa.


"Putangina, 'Ma! Ano 'yan?!" Turo ko sa lalaking katabi niya. Nanginig ako sa galit pero patuloy pa rin ang pag-tulo ng luha ko. 


"Wala kasi ang papa mo... hindi na niya ako mahal," 'yun ang sinabi ni mama na lalong nag-pagalit sa akin. Palaging wala si papa at nagkaroon ako ng tampo sa kaniya dati dahil wala siya kapag kailangan ko siya, pero naiintindihan ko naman na kailangan niya rin gawin iyon para sa amin, e.


"Tangina... ano bang klaseng rason iyan?! Wala lang si papa, nagpa-kama ka na agad sa iba?" Napaupo ako sa sahig habang humahagulgol. Hindi na ako maka-hinga sa nangyayari.


"Venice? Nasaan ka na? Umalis ako kaninang madaling araw. Su-surprise natin ang mama mo-" Biglang sumulpot si papa at nangilid ang luha niya nang saktong pag-tigil niya, nakita niya ang nangyayari sa kwarto nila ni mama. Naka-upo ako sa sahig habang humahagulgol, habang si mama at ang kabet niya at naka-tago sa puting kumot dahil wala silang saplot pareho.


"A-Anong nangyayari?" Nabagsak ni papa ang hawak niyang bilao ng Spaghetti na paborito ni mama. Lalo akong naiyak nang kumalat sa sahig ang Spaghetti. Paborito iyon ni mama... kailangan umagang-umaga ka pumunta para hindi ka maubusan. That's how much my father loved my mother who didn't deserve it all.


"Mahal na mahal kita, Carol... bakit ganiyan?" nang-hihinang tanong ni papa. Nanlalabo na ang paningin ko dahil sa luha pero hindi ko mapigilan ang patuloy na pag-agos. "Binigay mo ba talaga ang pera na para sa anak natin kay Venice... o para diyan sa kabit mo?" 


"I'm sorry, Henry." Umiiyak na rin si mama. Kung hindi namin siya nahuli, baka nga patuloy niya dalhin ang kabit niya rito sa bahay tuwing wala kami.


Tumayo ako at niyakap si papa. 


"Bakit nag-sinungaling ka sa akin, Venice?" Nanlambot ako dahil sa tanong ni papa.


Hindi ko naman alam... hindi ko naman alam na ganito ang ginagawa ni mama.


Imbis na magalit... lungkot ang nababasa ko sa kaniya. He was so pure, he was a gentle lover of my mom, palagi nga niyang hinahanap sa akin agad si mama tuwing umuuwi siya... how could my mom do this?


Tumulo ang luha ni papa nang tumagal ang paningin niya kay mama na may kasamang lalaki sa kama nilang dalawa. "Lumayas ka sa pamamahay ko, Carol... mag-hiwalay na tayo." halos pabulong na sabi ni papa na lalong dumurog sa puso ko.


-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Trailing Deep Waters (University Royalties #3)Where stories live. Discover now