Chapter 13

1.3K 61 2
                                    


Arabella's Pov  

Andito na ako sa room hindi ako nagkamali. Nandito na ang adviser namin, Rinig ko kase na...May meeting daw sila at may aayusin. Ilang segundo nagsipasukan na sila at nahuli sila Roger at Kevin. Umupo na silang dalawa sa upuan sa tabi ko ang gitna.

"Okay Class may sasabihin ako..Ito sasabihin ko is...i-momove na ang laban ng basketball sa mga unibersidad natin. Dahil may aayosin kami sa Journalism club." Pagpapaliwanag samin ni Ser. Chavez. Tahimik lang kami nakikinig sakanya.

Journalism....

"Ser pwede po ba kami sumali dyan?" Tanong ni Nathan.

"Ahmn...I'm not sure."Nag-aalangan na saad ni Ser.

Tsk! Ayaw niyo lang kami pasalihin eh...

"Ser! Sasali ako!" Matapang kong saad.

"Ah? Baka hindi kayo–"Pinutol ko ang sasabihin niya.

"Ser! Dali! Gusto ko sumali! Nagmamakaawa ako, tatalon talaga ako sa bangin pag hindi niyo ako sinali!" Pananakot ko sakanila.

Tapang ko ano? Bwuahahah!

Huminga siya ng malalim. "Kakausapin ko ang Admin sa Journalism." Sabi niya.

Hindi! Hindi papayag 'yon.

"Ser! Sasamahan po kita kausapin ang admin." Pangungulit ko sakanya, Natawa naman ang iba.

Ano ang nakakatawa?!

"haha okay..Ano ba category kukunin mo?" Tanong sakin ni Ser.

"Photojournalism po." Sagot nagulat naman siya.

"Marunong ka?" Gulat niyang tanong tumango ako.

Mukha ba akong hindi?

"Ser, sa broadcasting ako." Saad ni nathan.

"Sali ako! Cartoonist." Saad naman Kevin.

"Okay. I will try to talk to the admin of Journalism." Sabi ni ser habang nakangiti. "Pag napapayag ko, Ipapatrain ko kayo so i need to go. Wala ng klase dahil may aayusin pa kami." Sabi ni ser at umalis na kaya kinuha ko ang bag ko at tumayo na.

Gieeh! Excited na ako!

"Marunong ka pala maging camera girl." Sabi sakin ni Roger.

"Oo naman! Ako pa!" Mayabang ko sabi napangiwi naman siya.

"Yabang." Saad ni Kevin.

"Wow! Marunong ka mag Cartoonist?" Tanong ko sakanya.

"Oo! ako pa!" Mayabang niyang sabi.

"Yabang." Pagbalik kong saad sakanya, Kaya natawa kami.

"Ah! Ara! Sisi!" Tawag sakin Phoenix.

"Oh?" Tanong ko.

"Sama ka samin? Kakain kami." Saad niya at ngumiti ng nakakaloko.

May kutob ako....

"Ayoko." Sagot ko.

"Dali na!" Pagpipilit ni Kevin.

"Ayoko, may pupuntahan ako." Saad ko.

Pupunta nga 'dba kami sa sm? Kasama ko si kedrick.

"Okay..." Malungkot na sabi ni kevin at ngumuso pa na parang iiyak na.

Geez! Kung hindi ka lang bata eh!

"Sige." Sagot ko. Kaya lumiwanag naman ang mga mukha nila geez may kutob talaga ako eh!

"Tara na!" Masaya na sabi ni Christan.

S1: The Fighter Girl In Section GL  (COMPLETED; Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon