Chapter 67

745 48 9
                                    


Arabella's Pov

Habang naglalakad ako papunta sa garden dahil kailangan ko raw mag picture ro'n para narin may magandang view para sa susunod at masabi na maganda talaga ang iskwelahan namin.

Pumasok ako sa garden at kinuhaan ng litrato ang mga butterfly sa isang magandang bulaklak.

Tila isang panaginip, panaginip na parang hindi ko kayang gumising muli.

mga bulaklak na napakarami at iba't iba ang mga kolorya, mga paro-paro na nagsisidapuan sa mga bulaklak na makolorya.

Ang sarap tingnan ng mga paro-paro na nagsisiliparan at nagdadapuan sa mga magagandang bulaklak, na para sila mga nasa panaginip ko lamang na nasa malawak na hardin ako.

Ube’ng bulaklak na may nakadapo na kahel na paro-paro, sa mumunting bulaklak paro-paro ay makulay.

Daplis nang hangin, simoy nang hangin, makulay na bulaklak at paro-paro na pumapaligid sa hardin na nagtuturo sa akin upang matagumpayan ko ang lahat ng hinaharap kong pagsubok.

Sa hampas ng mga berdeng tanim na nagtataasang dahon, upang malasap ang masarap na simoy nang hangin.

Ihinanda ko ang aking kamera upang aking kunan nang litrato ang napagandang view.

Bakit ang panget ng tula? Tang1na hindi talaga para sa akin 'tong tula eh ano nga ba ang para sa a–

“Umalis nga siya! Paano natin ma kokontakt ang babaeng ‘yon?! Umalis siya dito para doon mag aral ng archery!” Sigaw ng isang babae dahilan mabalik ako sa huwisyo.

Umayos ako ng tayo at kumunot noo ko dahil may dalawang babae na nagtatalo ata at nagtago rin ako. Pero ano raw sabi?

Archery?

“Bakit ka ba sumisigaw?! Pinalamon mo ba ako para sigawan?!” Saad naman ng isang babae may dalang pana.

Pumikit nang mariin ang kaharap niyang babae at huminga ng malalim. “Naiintindihan mo ba ang sinabi ko, Avriel?” Tanong nito.

“Oo naman palagay mo sa akin hindi nakakaintindi ng tagalog?” Hindi ko alam kung pilosopo o ano naman

“Avriel!”Sigaw ng babae na ikinagulat namin ni Avriel kuno.

“Maria!” Sigaw rin ni Avriel kay Maria kuno hindi ko alam kung matatawa ba ako o ma a-ano.

“Kailangan natin humanap pa ng Isang babae para sa Archery Competition at ilalaban sa Interhigh.” Saad ni Maria.

Haist. Napabuntong hininga na lang ako kasi gusto ko sumali lalo na ayon naman ang sadya ko kaya nag-aaral ako kasi may gano'n daw sa mga school madalas wala.

Lumabas ako sa pinagtataguan ko na ikinagulat nang dalawa, hinayaan ko sila at kumuha na lamang ako nang mga litrato.

“Hoy, babae!” Napatingin naman ako kay Maria at tinaasan siya nang kilay.

“Bakit, Babae?” Tanong ko na may pagkapilosopo.

“Aba'y! Huwag mo ako mababae! Mababae! Kanina kapa ba nag a-ano. . . ? 'yong ano?” Tanong niya eavesdropping? Tumingin siya kay Avriel. “Ano nga ‘yong nakikinig sa usapan?” Tanong ni Maria kay Avriel na nakangiti sa akin.

Weird

“Tsismosa.” Nakangiting sagot ni Avriel kaya binatukan siya ni Maria.

“Tang4! 'yong ano! Ano nga! E-e-e–” Ako na nagpatuloy.

“Eavesdropping.” Pagpatuloy ko at ngumiti naman si Maria.

“Tama! Correct!” Nakangiti niyang sabi at sumeryoso. “Nag e-eavesdropping ka ba?” Seryoso niyang tanong.

S1: The Fighter Girl In Section GL  (COMPLETED; Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon