Chapter 71

826 50 19
                                    


Arabella's Pov

Nagising ako dahil sa iyak ni Baby kaya bumangon ako at kinusot ang mata habang nakanguso.

Inaantok pa ako ang sarap ng tulog ko.

Nanaginip ako na nasa table ako ni Nathan at may bumulong ng "Manhid, Manhid, Bella." Kung sino man 'yon bubugbogin ko talaga! Pero parang hindi siya panaginip! Ah aywan! Naghilamos muna ako at nagsipilyo bago magpunas at lumapit kay Jereus na umiiyak.

“Good morning, Jereus andito na ang mama HAHAHA”  Saad ko at tumawa dahil sa huli kong sinabi, binuhat ko siya pero nagtaka lang ako kasi hindi siya umiyak kaninang madaling umaga napatingin naman ako sa diaper niya na parang bago.

Sino kaya nagpalit?

Tumingin ako sa orasan at ganon na lang ang panlalaki ng mata ko na Seven thirty na! Napalingon naman ako sa sofa bed at wala na si Ruru pati si Lereus.

Baka pumasok na at si Ruru ang naghatid.

Patay na ang aircon pero kahit oatay malamig parin sa loob, lumapit ako sa pintuan at may cute na pambahay na tsinelas dito kaya sinuot ko ito.

Panda ang design at malambot na lambahay.

Lumabas ako dala-dala si baby habang pinapad-de ng d-de niya alangan naman sa akin pa aba! Sinarado ko ang pinto at bumaba, rinig ko ang sigawan at pagtatalo sa classroom.

Hindi ako nag palit kasi wala ako pampalit.

Lumakad ako padaretso sa Classroom at napatigil naman ang iba na makita ako kaya napalingon na sila sa akin.

Makalat, hindi pa ligpit ang hinigaan, nagbabatuhan ng pillow, may lumabas at dinala ang pagkain, lahat ng upuan nasa gilid. Napangiwi naman ako sa kalat.

“Kalat ah,” Saad ko bago pumasok at pinasadahan naman nila ng tingin ang suot kong pajama.

“Ayan ba 'yong pinabili ni Jace?” Tanong ni Kevin at tumango ang iba.

So si Jace ang nagpabili? Nice.

“Ano hindi kayo magliligpit?” Tanong ko sakanila dahilan sabay-sabay sila tumayo at nagsiligpit ng mga higaan.

"Ayusin mo Kevin!"

"Ito! Ito!"

"Ipagsasama ba ang unan at cover bed?"

"Akala ko bend over–aray! Sorry!"

"Pansapin na lang."

"Ito pa!"

"Hoyyy!!!! Tabi! 'yong higaan!"

"Umalis ka nga diyan sipain ko b4yag mo."

"Aray!"

Iba't iba ang naririnig ko napailing na lang ako sa mga kagaguhan na ginagawa nila. Nakaramdam naman ako na may tumabi sa akin kaya binalingan ko ito.

“Good morning.” Bati niya at ngumiti kaya ngumiti rin ako sakaniya at bumati pabalik. “Maglilinis daw mamaya.” Saad niya at tumango ako.

“Saan ka galing?” Tanong ko.

“Sa cr lang.” Sagot niya at pumasok sa room habang naghihikad.

“Bella,” Napatingin naman ako sa tumawag na 'yon.

“Ja–Ruru.” Tawag ko sakaniya.

“Nagising na pala siya?” Tanong niya at si Jereus ang tinutukoy kaya tumango ako.

Hindi subrang tulog pa.

“Sino nagpalit ng diaper niya?” Tanong ko kaya umiwas siya ng tingin habang namumula kaya natawa ako. “Sino?” Natatawa kong tanong.

S1: The Fighter Girl In Section GL  (COMPLETED; Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon