Chapter 47

847 40 7
                                    


Arabella's Pov

Lumipas ang mga araw at ngayon ay July 18 ng linggo at ito na ang araw na pinakahinihintay nang lahat kaya wala ako magagawa kung hindi ay gawin ito at dahil masakit ang lalamunan ko it's because kumain ako ng ice cream dalawang garapon at kulang pa iyon! Sabi nila okay na daw 'yon pero kulang talaga iyon! Sa magkambal nga tig-isa sila ang dami non! Hindi nila kaya ubusin pero ayaw nila ibigay sa 'kin ang kaunti.

Kaya ayon! Nilagnat sila ayan kadamotan niyo ah pinapairap ha ha ha.

"Ara!" Nagulat ako sa sumigaw.

"Oh?! Este Po!?" Tanong ko.

Nang gugulat kase! P'wede naman kumatok.

"Ano? Nakapagbihis kana ba?" Tanong nito at sinagot ko lang ang hindi pa.

Hindi alam ng mga kaklase ko na kasama sila tita sa Vientes Family event at sinabi ko na ako nalang ang pupunta doon dahil may urgent pa ako kahit wala.

Ganda ng rason ko!

Naniwala naman ang iba at si tita yanna! Nanay ni Kevin ay pinayagan ako na sumayaw o kumanta pero prefer sila na kumanta nalang ako pero paos po ako ngayon-ngayon. Walang kasama ang dalawang kambal kaya nagpaiwan ako kaso ayaw nila at pupunta naman daw dito ang tatay nila si Tito Chul na mayaman sa korea na may two company pero mas mataas daw ang ranking ng Ranzonell.

Aba aywan ko at wala naman akong pake ang alam ko lang ay pagkain! Oo! Pagkain! Pagkain-tama! Buti nalang sasama ako sa events malay mo 'di ba? May pagkain doon at maadaaaami!! Wuaaahh!!! Magtatago ako ng madaming shanghai! Biko! Maja! Spaghetti! Palabok! Pancit! Lechon! At madami pa! Magdadala lang ako ng plastic hehehe.

Tumayo ako sa study table at tumingin ako sa salamin ang ganda ko at alam ko iyon! Hindi ko kailangan ng kung ano ano kolorete sa mukha ko. Naka heels ako at bumaba na ako dahil kukuha ako nang plastic malaki. Baka kase hindi magkasya 'yong pagkain doon.

Syempre bumaba ako at tinanggal ang heels mamaya gumulong pa ako sa hagdan edi hindi ako nakakain ng pagkain sa events!? Tsk.

Pumunta ako sa kusina at naghanap ng plastic malaki at hindi naman ako nabigo dahil may nahanap ako at ngumiti ako nang malaki nagulat pa ako pagkaikot ko nakatingin si Tita sa 'kin at bumaling sa plastic na hawak ko kaya tinago ko ito sa likod ko.

“Event ang pupuntahan natin at hindi Festival.” Ani ni Tita at diniin pa ang Festival.

Sa festival namin kase puro pagkain doon at walang may pake kung sino makaubos nang pagkain ang mahalaga ubos. At ako lang nakakaubos.

"A-ano...tita mag b-babaon lang po." Kinakabahan kong sabi.

Tumaas ang sulok nang labi niya kaya napalunok ako. "Mag babaon? As in...magababaon ka ng pagkain galing doon?" Tanong niya na ikinatango ko nang dahan-dahan. "Sandy, Event 'yon at hindi Festival. Tignan mo nga ang sarili mo tumataba kana dahil sa pagkakain mo blah blah blah" Hindi ko na narinig ang mga sinabi ni Tita dahil umakyat na ako sa taas habang tulala.

T-totoo ba 'yon? Tumataba na ako???!!!

"Wuaaaah!!" Sigaw ko at umiyak ng biglang may pumasok sa loob pero hindi ko ito binalingan.

"Ara, bakit ka umiiyak?" Rinig kong tanong ng kung sino kaya napatingin ako sakaniya at patakbo na lumapit bago yumakap dito.

"S-sabi ni tita Kasanra...mataba raw po ako." Umiiyak kong pagsumbong kay Tita Emma.

Ginulo naman niya ang buhok ko. "Hindi naman ah? Naniniwala ka doon? Siya ang mataba." Ani niya at ngumiti kaya humagikhik ako. "Oh, siya ayosin mo muna ang sarili mo." Utos niya at lumabas.

S1: The Fighter Girl In Section GL  (COMPLETED; Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon