Chapter 24

1.1K 52 2
                                    


Arabella's Pov

What the heck are they doing here?

Paano nila nalaman bahay namin? Hala? Wala naman ako pinagsabihan na kung sino kung saan ako nakatira! Gosh nakakatakot na mga 'to ah.

Kumaway sila sa'kin kaya napailing ako baka panaginip lang 'to sinampal ko pa ang pisnge ko kung totoo sila o, hindi. Pag tingin ko sa gate totoo nga sila! Binaba ko si chichi at lumabas ako ng kwarto at dali-dali bumaba ng hagdan bago lumabas at nakita ko sila kyahh!!! Gabi na!

"Hoy! Ano ginagawa niyo dito!?" Gulat kong tanong sakanila.

"Kyaah!! Buksan mo iyong gate!" Sigaw ni Maye...o, Meyanie.

Binuksan ko ang gate at bigla nalang sila yumakap sa'kin at muntik pa kami matumba kung hindi lang kami inalalayan ng tatlong boys.

"NA MISS KA NAMIN!" Sigaw ng tatlong babae muntik na ako mabinge dahil sa nakayakap sila buti tinakpan ko dalawang tenga ko.

Humiwalay silang tatla nagulat ako ng niyakap ako ni Kade...my first ex-boyfriend, kahit naiilang parin ako niyakap ko siya pabalik.

"Ayieh!! Uso comeback!" Sigaw ni Janea o, Iyah, Pinakyuhan ko siya kaya natawa sila.

"I miss you," Sabi niya ng may pagka husky sa'kin at 'yon ang nagpatayo sa balahibo ko.

Bumitaw na siya sa'kin at yumakap na ang dalawang lalaki na si 'Lincoln and Kiefer' namiss ko 'tong mga tukmol.

"Namiss ka namin," Bulong nilang dalawa sa'kin, at humiwalay na sila ng yakap sa'kin.

Nag cross arm ako at sumandal sa gate, tinignan ko sila at napataas ang kilay ko ng nakasuot sila ng pang uniform school at may dala-dala silang tig-da-dalawang bag.

Wtf?

Kumunot ang noo ko. "Saan ang punta niyo?" Takang tanong ko sakanila.

"Maglalayas," Nakangiting sabi ni Alisa.

[ Pronounce: A-lay-sa ]

Kumunot noo ko. "Maglalayas kami pero nagpaalam naman kami sa magulang namin." Nakangiting sabi ni Iyah, muntik ko na siyang ambahan ng batok kung hindi lang tumawa 'yong lima.

"Ano nakakatawa?" Inis kong tanong.

"Nagpaalam kami Hahah! Hindi kami naglayas. Sino ba namang ewan na maglalayas tapos magpapaalam?" Natatawang tanong ni Kade, napaiwas naman ako ng tingin.

"Pasok muna kayo," Sabi ko sakanila at pumasok na ako.

"Kyaksh! Hahhaah! Sinong tao ang lalayas pero nag paalam?" Nang-aasar na sabi ni Iyah.

"Si Sandy!" Sabay-sabay nilang sabi, napairap naman ako edi ako na nag paalam na lumayas!

Napatigil kami sa paglalakad ng may hinayupak ang nasa harap namin...guess who?

Jaysie.

"What the hell? Nagdala kapa ng mga katulad mo? May mapapakain kaba diyan, huh? Wala 'di ba? Tapang mo mag–" Hindi natapos ang reklamo niya ng sinapak ko siya.

"Dsurb," Bulong ng tatlong babae.

"Dami mo reklamo eh hindi naman sainyo 'tong bahay and fyi! Ipapaalam ko sila kay tita kaya shatap ka diyan, Hangal." Mataray kong sabi sakaniya at nilampasan namin siya habang nakahawak sa pisnge.

Ng nakapasok kami sa bahay pinapasok ko sila sa guest room na dalawa lang. Apat ang higaan sa dalawang guest room at double deck 'yon then tag-dalawa ang cabinet sa bawat guest room.

S1: The Fighter Girl In Section GL  (COMPLETED; Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon