Chapter 61

934 51 14
                                    


Arabella's Pov

Nasa Cafeteria ako dahil tapos na ako maging Emcee at sandali lang naman pala ang akin kaya naman napagdesisyonan ko na dumito sa cafeteria.

Iilan lang ang nasa cafeteria kase ang Iba nasa Booths at nasa Gymnamsium syempre.

Lumabas ako nang Cafeteria pagtapos ko bumili ng pagkain, umiwas-iwas ako sa mga booth dahil wala naman ako dapat tignan pa.

“Tulong!” Napalingon ako dahil sa sumigaw. “Tulungan niyo kapatid ko!” Kumunot-noo ko at lumapit doon dahil hindi ko alam kung ano ang nangyayari at bakit hindi ko makita kung sino ang humihingi ng tulong.

Nang makarating ako sa pinaggagalingan ng Bosses hindi familiar ang lugar na pinuntahan ko at dahil dulo na ito ng tago atang lugar sa school.

“Tulungan ninyo kami....” Nagitla ako nang makita ko ang Isang lalaki na nakahandusay sa sahig at puro saksak at pasa ito habang umaagos ang dugo sa parte ng mga sugat niya.

At ang isang lalaki naman ay nakaupo sa gilid ng lalaki habang umiiyak at may pasa sa mukha. umupo naman ako upang tulungan sila.

“A-ate tulungan mo si k-kuya...” Umiiyak niyang panghihinge ng tulong at tumango ako nanlaki ang mata niya't nakaramdam ako na may tao sa likod ko kaya naman tumayo ako at umikot pa gilid at doon na nga may pala na dala ang Isang matabang lalaki at matalim tumingin sa akin.

“Ano problema mo?” Masinsinan kong tanong.

“H'wag ka mangialam kung ayaw mo madamay.” Madiin niyang sabi na ikinangisi ko.

“Ano ka? Desisyon?” Tanong ko na ikinatalim pa niyang tingin sa akin. “Mataba ka lang matapang ako.” Ngisi kong sabi at sinipa siya kaya napaatras pumunta ako sa likod niya nang mabilis at sumampa sa likod niya tsaka siya sinakal.

“K-kuyaa!!!” Sigaw ng bata.

“Tsk.” singhal ko at bumaba ako sa likod niya tsaka ko siya pinagsisipa at mabilis ko hinugot ang palay na hawak niya bago ko ipalo sa likod niya 'yon. “'Yan ang mahina.” Saad ko at pinagpagan ang kamay bago tulungan ang magkapatid.

“Pagbilang kong tatlo aalalayan natin siya maliwanag?” Tanong ko sa lalaki na umiiyak at tumango ito.

“Isa.” Simula ko.

“Dalawa.” Kumuha ako nang lakas.

“Tatlo!” sigaw ko at parehas namin binuhat ang kuya niya muntik pa kami mapaupo dahil sa bigat.

“Ac!” Napalingon ako dahil sa sumigaw.

“Roger!” Sigaw ko sa pangalan niya papalapit pa lang sila nang sumigaw si Kevin.

“Ate casss!!! Sa likod mo!” Dahil do'n hindi ko naiwasan ang sarili ko na matamaan ng patalim kaya nabitawan ko ang lalaki at muntik na bumagsak kung hindi lang sinalo nila Roger ang lalaki, galit naman akong tumingin sa mataba na 'yon at binigyan siya ng flyng kick.

“I hate this but this is your choice. Fvck up!” Sigaw ko at sinipa ko siya tyan umikot ako at siniko ko siya bago ako umikot papunta sa likod niya nang mabilis at siniko ko siya ng dalawang besses at kinuha ang kamay niya bago ipaikot sa likod niya dahilan mapa-aray siya dahil diniin ko 'yon, kita ko ang panghihina niya kaya binitawan ko na siya kaya bumagsak siya sa sahig na nanghihina. “Don't mess me.” Seryoso kong sabi at kinuha ang lalaki na hawak ni Roger at tinulungan ko ito mag-isa habang ang tatlo ay tulala lang sa ginawa ko kanina sa matabang lalaki at iniwan sila roon.

Ang pinagtataka ko ngayon hindi ako nakaramdam ng sakit, nakaramdam ng panghihina, nakaramdam ng bigat sa katawan sa hindi ko malaman.

Tago ako dumaan papunta sa clinic dahil alam ko na pagtsitsismissan na naman kami sa buong campus.

S1: The Fighter Girl In Section GL  (COMPLETED; Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon