Chapter 74

779 50 5
                                    

Gawa ako gc o gp? Tapos doon na lang kayo magtanong? Kung want niyo lang naman.

Arabella's Pov

Andito kami sa harap ng bahay---mansion nila Ruru, automatic na bumukas ang gate bumungad ang napakalaking mansion.

Akala ko sa una simpleng mansion lang siya dahil sa labas, 'yon pala may lalaki pa pala dito.

Fountain sa gitna, garden sa kaliwa't kanan, paikot na daan papunta sa gitnang mansion---no. Luxury mansion. Oo para nga akong sinampal ng kahirapan HAHAHA

Bumaba siya kaya bumaba na ako at hindi na pinaghintay na buksan ako ng pintuan.

Swerte ko na naman ata na pagbubuksan pa ako ano? Sa yaman nito.

Sumunod ako sakaniya pagkapasok at ang laki ng gate.

Wata! Napakalaki ng pinto wata!

Pumasok kami sa higanting pintuan at parang gusto ko na lang sa labas matulog. Pagkapasok ba naman bigla bumukas 'yong ilaw tapos bubungad sa'yo napakalinis na mansion at kumikinang na sahig.

'Yong tipong kahit sahig mas malinis pa sa'yo HAHAHAH p-parang gusto ko na lang umuwi.

“What are you waiting for?” Tanong nito.

“Nakakahiya po sa sahig ninyo.” Nahihiya kong sabi, oo nahihiya alangan naman kapalan ko pa.

“Tsh! Don't shy, come!” Yaya niya kaya wala ako nagawa pero tinanggal ko muna 'yong sapatos ko at nagmedyas na lang ako.

Baka kasi ako pa palinisin ng sahig, napakalawak kaya nito. Mansion? Kaya mo linisin?

“What are you doing?” Nagtataka nitong tanong pero hindi ko pinansin at hinawakan ko lang ang dalawang sapatos bago pumasok at dahil nga malinis, makintab, malamig, medyo madulas kaya ang ending matutumba ako--- nakapikit ako habang hinihintay ang pagtumba ko ngunit, hindi ko maramdaman. Napamulat na lang ako nang maramdaman ko na may sumalo pala sa akin dahilan hindi ako matumba sa malinis, makintab, malamig, at medyo madulas na sahig dahil sa pagkamulat ko bumungad ang napakinis niyang mukha.

'Yong guwapo niyang mukha, 'yong tipong ang hirap idiskribya, 'yong hindi mo malaman-laman ang nasa likod ng bahaging buhay niya, 'yong ang misteryoso niya, 'yong may langit na asul siyang mata, may matangos, may mahabang pilik mata-

“Done, memorizing my face, huh?” Natulak ko naman siya dahilan mapabagsak ako sa sahig at subrang sakit ng pagbagsak! pati back bones mo tunog sa sakit.

Awts nakakarami na! Nasasaktan na ako ano ba!

“Tsh!” Singhal niya at inabot niya ang kamay sa akin.

Kukunin ko pa ba?

Kinuha ko ang kamay niya at tumayo at dahil nga madulas at nakamedyas lang ako. Nadulas ulit ako kasama siya, nakapikit ako habang na pabagsak sa sahig, nakaramdam ako na may malambot na bagay sa aking labi, at doon ko lang napagtanto na labi niya iyon, habang siya ay nasa ibabaw ko.

“ige mwongayo?!” nanlaki ang mata ko dahil sa narinig at sabay na tinulak ko si Ruru sa kabila dahilan marinig ko ang sunod-sunod ng pagmura niya at reklamo, dali-dali ako tumayo at napalunok sabay tingin sa taong 'yon.

(Trans: What is this?!)

L-lola ba niya 'to?

Nanlilisik ang dalawang singkit niyang mata, pinagtaasan niya ako ng kilay. “Who are you?” Mataray nitong tanong at pinasadahan niya ng tingin ang itsura ko. “ileun achim-inde wae yeogi iss-eo?” Tanong nito.

( Trans: It's early in the morning, why are you here?)

Ano raw? Kanina pa 'to nag a-alien.

“Manang, chillax lang.” Dinig kong sabi ni Ruru sa kabila ko na katatayo lang. Parang nawala 'yong dulas sa sahig no'ng dumating si lola.

S1: The Fighter Girl In Section GL  (COMPLETED; Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon