Chapter 34

999 53 12
                                    


Arabella's Pov

“Puntahan natin?” Tanong niya kaya tumango ako, tumakbo kami kung saan tumatakbo ang mga student nagulat ako ng hinawakan ni Clayden 'yong kamay ko at tumakbo kami kung saan.

Pagtumatakbo kailangan naka-holding hands?

Sinawalang bahala ko nalang at tumakbo, tumatakbo kami hanggang sa tumigil sa cover court. Nakahawak pa rin ang kamay niya sa kamay ko kaya hindi ko maiwasang maiilang at akmang hihilain ko ang kamay ko ng hinigpitan niya pa.

Hala hibang na ba 'to? Wala ba siyang kamay?

Hinayaan ko nalang at pumasok kami sa cover court. Nagulat pa ako ng ang daming tao kaya nakipagsiksikan pa kami ni Clayden habang hindi niya binibitawan ang kamay ko.

Hawak kamay~ 'd kita iiwan sa paglakbay~

Hahaha angas din nito ih, tyempo amputa. Nakikipagsiksikan kami tapos reklamo ng reklamo 'yong mga pinagsisiksikan namin aba! Mag si tabi sila dadaan ang reyna ng chismosa charot.

Haist! Nakahinga rin sa wakas kase nandito kami sa gitna...gitna!? Tinignan ko kung ano meron at bakit nag kukumpulan ang mga tao dito. Ahh kaya pala. Kasi ang grupo nila Jays at Ruru nagpapalitan ng masamang tingin.

“Jaysie!” rinig kong tawag ni Clayden kaya napatingin sila dito at napatingin sila sa kamay namin.

Hala!?

Kinukuha ko ang kamay ko sa hawak ni Clayden pero hinigpitan niya lang tangena ba nito!? Ipapahamak pa ako ih! Matalim sila nakatingin sa kamay namin sila Jaysie kaya napalunok ako ng wala sa oras.

“Bakit?” tanong ni Jaysie at madilim ang awra.

“Ano na naman 'to?” tanong ni Clayden sa kanila.

Dahil sa inis at hindi binibitawan ni Clayden ang kamay ko inipakan ko ang paa niya kaya napa-aray siya at napatingin siya sa 'kin.

“Wtf? Bakit mo ginawa iyon?” inis niyang tanong.

“'Yong kamay ko wala ka bang kamay?” tanong ko sa kaniya.

Napangiwi siya at binitawan ang kamay ko tumingin naman ako sa mga kaklase ko at nagcross arm tsaka naka poker face.

“Tsk! Let's finish this,” Madiin na sabi ni Ruru na nakatingin kayla Jays.

Tumingin si Jays sa kanila. “Game. What if we won?” tanong ni Jays.

“You'll give yeng to me,” sabi ni Ruru at ngumisi.

Ang ganda mo naman ishang, tang'na talaga.

Napakagat na lang ako sa labi. Sanaol Yeng, sumama naman ang mukha ni Jays.

Syempre hindi papatalo iyan jowa iyan ih.

“What? Why should I need to give you my ‘Girlfriend ’ huh? Desperadong lalaki?” tanong ni Jays at diniin pa ang word na GIRLFRIEND.

Sumama naman ang tingin ni Ruru. “Just give her to me that's my deal,” sabi ni Ruru at ngumisi.

Huminga ng malalim si Jays at tumingin sa'kin bago tumingin sa kanila at ngumiti ng nakakaloko. “Okay, but my deal is...ipapalipat ninyo si Ara sa section namin,” nakangiting nakakaloko niyang sabi na inereklamo ng ka-section ko.

Bakit sila nagrereklamo? Akala ko ba ayaw nila maging classmates ako, gag0 lang?

Rinig ko naman ang ‘Yes’ ni Clayden.

“Join!” ngiting sabi ni Clayden at lumapit kayla Jays. “Pag nanalo kami saamin si Ara,” nakangiting sabi ni Clayde.

Sasali din 'to!? Siraulo!

S1: The Fighter Girl In Section GL  (COMPLETED; Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon