Chapter 49

846 41 2
                                    

Arabella's Pov

Andito na kami ni Liam at parang disco ngayon dahil paikot-ikot ang ilaw na may iba't ibang kulay. May nagsasayawan at k-kwentuhan sa paligid.

"Excuse me, sir. P'wedeng pahinge ng 17 wine?" Tanong ni Kevin sa mukhang Bartender kaya tumango ito.

Wine? Ano kaya lasa non? Dati nakatikim ako hindi ko alam ang nangyari basta tinatawanan ako ng mga studyante pagkagising ko sa clinic.

Maya't maya andito na ang wine at 17 lang aba! Ako hindi niyo bibigyan!? Pati bawal si Kevin kaya kinuha ko ito na iinomin niya palang kaya gulat sila lahat sila mga kaklase ko.

"Bawal." Seryoso kong sabi kay Kevin at biglang may nagsalita sa likod ko.

"Hayaan mo na siya. Bigay mo 'yan." Malamig niyang sabi kaya naibigay ko kay Kevin at tinignan ko 'yon kung sino tsk! Siya lang pala dapat hindi ko binigay akala ko kung sino naman.

Kumuha ng Wine at nilagok niya 'yon kaya napataas ang kilay ko dahil kulay pula ito at mukhang masarap.

Pula. Pula. Pula.

Parang nagningning ang aking mga mata ng makita itong pulang alak at kinuha ang alak sa kamay ni Roger na iinomin palang tinitigan ko itong wine na hawak ko at lumulutang ang mga yello sa baso at nilagok ito at ramdam ko na nagulat sila doon.

Sumakit ang ulo ko, at parang nagiging dalawa ang mga bagay, at lumalabo ang paningin ko, kaya siningkit ko ang nga maga ko pero pvta anyare? Lumakad ako at pagewang-gewang ako. Nakita ko ang mga ilaw na iba't ibang kulay, sumasayaw ito kaya ngumiti ako ng malaki.

Pvta nababaliw na ako!

Hindi ko alam kung saan ako pumunta basta ang saya at sumayaw lang ako nang sumayaw at wiggle wiggle pa medyo hindi na rin ako paos kase uminom ako ng tea kani-kanina lang dahil nanghinge ako.

••••

Nathan's Pov

Nagpakuha si Kevin ng 17 wine at normal lang talaga sa'min 'yon, at pagdating ng mga wine pinigilan ni Ara si Kevin syempre dumating si Jace at hindi ko alam ano ang problema niya bakit ang lamig niya magsalita.

Kinuha ni Ara 'yong Wine sa kamay ni Roger at nilagok ito na ikinagulat namin. Kase kanina nakita ko siya nakatitig sa wine ni Jace at kuminang pa ang mata niya kaya kinuha niya ito kay Roger at ngayon nasa gitna na siya at sumasayaw na parang ewan.

"Sumasayaw ng manok." natatawang sabi ni Liam.

Yup, para siyang manok iyong dalawang kamay niya nakataas at parang kamay ng kanggaroo tapos 'yong ulo niya parang tu-tuka-tuka at para syang sumasayaw sa disco.

Lahat ng mga tao pinapanood siya at tinatawanan may nag v-video pa nga sakaniya eh.

"Nice! Nice! Ang galing!" Sigaw ni Kevin at tumakbo doon sa gitna at nakisayaw din gano'n din sila kevin.

Pumapalakpak naman ang iba at tumatawa.

"WUhahshahshshsh roooooorrr! Pororo! Ako si pororo!" Sigaw ni Ara at napatampal nalang kami ng noo nila phoenix.

"Bakit kase pinainom?" Tanong ni Phoenix.

"Aba aywan ko." Rinig kong sagot ni Josh.

"Ako si Ara! Ang papatay kay Ara! Mahal ko si Ara! Pero mas mahal ko si Ara!" Sigaw ni Ara. Feeling ko nabasa ko na 'to.

"Hahahah! Mas mahal ka ni Nathan!" Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Jp kaya binato ko iyong kutsara sakaniya kaya napa-aray siya.

"Phew! Phew! Phew!" Sigaw pa ni Ara at ginawang baril ang kamay niya at tinutok niya ito kay Kevin at bigla nalang ito umupo sa sahig at umiyak.
"Wuaaah!! Bakit!? Bakshit!? Bakshit niyo ako...sinasaktan?" Umiiyak niyang sigaw na tanong kaya napatigil ang lahat sa pagtawa at pagpalakpak tumigil din sila kevin.

S1: The Fighter Girl In Section GL  (COMPLETED; Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon