Chapter 78

731 48 8
                                    


Arabella's Pov

Uuwi na kami,” paalam ni Axel at tumango naman ako habang si Ruru ay nanatiling nakaupo at kinababalahan ang cp at si Leo naman ay tumayo narin sabay labas kasama si Axel palabas ng mansion.

Humalukipkip ako at binuksan ang cp. Binuksan ko 'yong twitter at may gc kami rito. Dito ako madalas mag bukas dahil ayaw ko mag messenger.

“Umuwi kana muna kaya? Kuha ka muna ng damit mo,” malumanay na sabi ni Ruru dahilan mapatingin ako sakaniya.

“Oh? Madalang ang sasakyan sa labasan tapos ang mamahal pa. Ang papunta nga rito ay mahigit saan daan.” saad ko.

Totoo 'yon. Pagkababa ko ng tricyle siningil na ako ng saan daan nagtaka pa ako kung bakit ang mahal ang sabi kasi kapag pumasok daw sa village na 'to sila at hindi naman dapat talaga pumasok ay malaki na ang sisingilin nila dahil sinisingil din sila ng guard sa may gate. Mabuti't kilala pa ako ng guard sa may village gate kung hindi ay hindi ako papasukin non kahit driver pa na hindi taga rito.

To be honest too walang masyadong bahay-bahay rito nang matanong ko si Kevin bakit madalang ang mga tao sa labas ang sabi niya ay teritoryo nila ito at walang kahit sino ang puwede tumapak kahit sa village pa. Pati ang weird din ng mga guard doon sa village gate ultimo ang driver uutal-utal kausapin ang guard kasi nga malalim at nakakaba ang bosses ng guard.

Hindi na ako magtataka kung bakit walang sasakyan napasok dito I mean outsider ba. Ewan ko lang bakit ako pinapasok kasama ang driver na taga outsider. Kung papasok ka man dito ay teh mas malapit ang bundok sakakanila dahil subrang layo! Oo subrang layo ng village nila sa amin! Kapag gabi ka bumyahe papunta dito puro puno o damo ang nasa paligid kakabahan ka talaga ng subra dahil walang ilaw sa labas ng village na 'to, mapapansin mo rin ang mga mapupulang bilog sa mga puno-puno na akala mo may nagmamasid sa 'yo.

Weird at nakakaba pumunta mag-isa rito.

Napansin ko lang ang pulang bilog na parang lazer noong papunta na kami rito kasama sila Deven noon, gusto ko nga itanong kay Deven noon ang kaso kinakabahan ako may side na gusto ko magtanong meron din na ayaw ko magtanong dahil baka iba ang isagot sa akin.

Ano ang iniisip mo?

H-huh?” nabalik ako sa huwisyo nang nag tanong si Ruru sa akin.

Ano ang iniisip mo?” tanong niya ulit.

Wala naman,” malumanay kong sabi at ngumiti ng peke bago ko tinuton ang pansin sa cellphone.

Alam mo ba–?

Hindi pa, bakit?” agad kong tanong at tumingin sa kaniya nagitla ako nang masama ang tingin niya sa akin.

Hindi mo ako patapusin,” matalim niyang sabi.

Ano ba 'yon?” tanong ko at pinagtaasan siya ng kilay.

Minsan . . . Sumagi kana sa isipan ko,” saad niya na nagpalaki ng mata sa akin.

Seryoso ka diyan?!” gulat kong tanong at tumango naman siya habang ako pakurap-kurap pa.

Masyado siyang honest!

Oo. At hindi ko alam kung bakit basta pumapas–

Iniisip mo siguro ako kung paano mo ako mapapatalsik sa school, ano?” tanong ko at napatigil naman siya.

Kumunot noo siya. “What?” tanong niya.

Whatever, Zamireol!” Humalukipkip ako at tiningnan siya nang matagal at ganon din siya pero sa huli umiwas siya ng tingin at ngumisi ako sakaniya. “Hindi mo kinaya ang ganda ko, ano? Tsk tsk tsk Zamireol, zamireol,” asik ko at tumayo.

S1: The Fighter Girl In Section GL  (COMPLETED; Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon