Chapter 66

821 44 2
                                    


Arabella's Pov

Katatapos ko lang maligo at magbihis kaya lumabas na ako dala ang bag pack.

Bag pack, bag pack~ bag pack, bag pack~ yeah!

“Kumusta? Ako si Dora.” Saad ko at tumawa ng bahagya habang nababa.

Kagabi kasi pinanood ko 'yon ang ganda pala pero ang tangs lang kasi tinatanong pa ni dora kung nasaan 'yong lugar na pupuntahan.

Kung batokan ko kaya 'yon? Para matauhan at malaman niya na malapit lang sakaniya tapos si Map tinatanong din, anong klasing mapa 'yon?

“Luh, baliw 'yan.” Napatigil ako sa pagtawa dahil sa narinig kong nagsabi no'n pinandilatan ko lang siya.

“Inggit kasi hindi pinasaya.” Saad ko at pumunta sa sala para ilagay ang bag pero nagitla ako nang makita andito ang kaklase kong anim kasi hindi sila kumpleto.

Kevin, Roger, Phoenix, Josh, Axel at Leo. Couple 'yan?

“Ano ginagawa n'yo rito?” Nagtataka kong tanong sakanila at nilagay sa sofa ang bag ko.

“Sabay-sabay tayong papasok.” Saad ni Kevin at nagtaas baba ng kilay kaya napangiwi ako.

“Tapos kapag sumakay sa Jeep sasabihin niyo wala kayong pera?” Tanong ko kay Kevin at umiling lang 'to.

“May pera ako isang libo!” Mayabang niyang saad na ikinangiwi ko.

“Tej, kumain kana kung hindi kapa kumakain ayoko pinag-iintay ang beauty ko.” Singit ni Phoenix kaya tumawa ako ng mahina.

“Ganda ka lang pero mas maganda ako.” Natatawa kong sabi at tumungo sa kusina upang kumuha ng pagkain.
“Asan si tita, Jays?” Tanong ko kay Jays na kumakain sa hapag ngunit hindi ako sinagot nito. “Tsk.” Singhal ko at kumuha ng pagkain bago pumunta sa hapag at humila nang upuan bago ito inupuan at nagsimula na kumain.

“Bilisan mo diyan ayoko nandito mga kaklase mo baka makita 'yan nang mga kaklase ko. Kasama mo pa 'yang baklang--” Hindi natapos ang sasabihin ni Jays nang pinalo ko ang lamesa dahilan magulat siya.

“Huwag mo pagsalitaan nang masama ang mga kaibigan ko kung ayaw mo gilitin kita diyan.” Banta ko sakaniya habang nanlilisik ang mga mata.

Ngumisi naman siya. “Okay, Defend them until you know the truth.” Ngisi niyang sabi at tumawa bago nilagay ang pinagkainan sa lababo 'tsaka siya umalis sa hapag.

Wow! Hindi naghugas ng plato? Katamaran ni Jays umiiral.

Natapos na ako kumain kaya tumayo na ako at hinugasan ang pinagkainan namin ni Jays, buti na lang hindi nababasa ang damit ko kapag naghuhugas ako nang plato. After ko maghugas nang plato nag tootbrush na ako bago ako magpunas at tumungo sa sala.

Kumunot ang noo ko nang makita ang lungkot sa mata nila napatingin naman ako kay Jays na nakatingin sa akin at pinandilatan ako nang mata bago tumingin sa mga kaklase ko.

“Tandaan ninyo ang sinabi ko, kung ayaw n'yo ilayo ko siya mismo sa inyo.” Saad niya sa mga kaklase ko at lumabas na siya. Nagtaka ako bakit sinabi niya 'yon.

Sinong ilalayo? Sinong siya? Siya parin ba?

“Tara na.” Yaya ko sakanila at tumango naman sila bago tumayo at lumapit sa akin. “Ano sinabi ni Jays sa inyo?” Tanong ko.

“Ang sabi niya layuan daw na–” Hindi natapos ang sasabihin ni Axel nang tinakpan ni Leo.

“Layuan? Sino lalayuan?” Tanong ko at umiling lang 'to.

“Bili tayo Ice cream bago pumasok sa school!” Nakangiting sabi ni Kevin at sumang-ayon naman sila habang ako hindi ako nakukuntento sa sagot nila.

May tinatago talaga mga 'to. Ano sinabi mo, Jays sakanila?

S1: The Fighter Girl In Section GL  (COMPLETED; Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon