Chapter 56

903 47 33
                                    

A:N : Umasa ba kayo sa spg? HHAHAH sa next life nalang nila este sa next story nalang nila kayo mag-intay ng spg.

••••

Arabella's Pov

Nasa taas na ako at hinawakan ang doorknob at inikot ang kaso naka lock.

Bakit ko nga ba nakalimutan na naka locked 'to?

Bubuhan lang, ara? Tumalikod ako at napatalon sa gulat dahil kay nathan.

“Bakit ba nang gugulat!” saway ko rito.

“Ito susi,” Saad niya, kinuha ko naman at binuksan ang room tsaka inikot ang paningin sa room.

“May ano kayo ice pack?” Tanong ko sakaniya at nilingon siya.

“Nasa drawer,” Sagot niya at pumasok sa loob kaya pumasok rin ako. Lumapit siya sa isang cabinet at binuksan ang maliit na drawer tsaka binigay sa'kin. “Nilagyan na iyan nang ice tube kanina lang,” Saad niya at tumango naman ako.

“Ah, si Liam ba? Papasok?” Tanong ko sakaniya at umiling siya.

“Chinat ko na hindi raw siya papasok pupunta raw siya sa cemetery.” Sagot niya at tumango ako.

Dadalawin niya siguro ang tatay niya.

“What if hindi talaga patay ang tatay niya?” Out of the nowhere kong tanong.

“Ewan,” Sagot niya at lumabas kaya lumabas na ako at sinarado ang pinto tsaka binigay ang susi sakaniya. “Ano ba pinag-aagawan niyo ni Jace? At humantong sa ganiyan?” Tanong niya at ang tinutukoy is 'yong tinulak ko si ruru.

“Puro kase cellphone kase sinabi ko na puntahan namin si Liam kaso ayaw niya.” Sagot ko habang nababa kami nang hagdan.

“Ah, gano'n? Hayaan niyo muna si Liam pero susupressahin parin natin para hindi siya palagi malungkoy tuwing kaarawan niya.” Saad niya kaya tumango ako. Tumigil kami sa classroom.

“Kelan?” Tanong ko sakaniya.

“Mamaya. Anyway, hayaan mo na si Ruru mag cp dahil importante 'yong kinakausap niya.” Saad niya at pumasok sa loob.

Sanaol importante.

Pumasok na ako at lumapit kay ruru na nakapikit at nakasandal sa sandalan ng upuan. Nilagay ko naman ang cold compress sa ulo niya kaya napamulat siya ng mata.

“Ayan na po, boss.” Saad ko at ngumiti.

“Sakiiiiiinnnnnnn!!!! Sintaaaaaaaaaa!! Ikawwwww ang tahanaaaannn ng mundoo!!!~” Napangiwi naman ako dahil sa sumigaw na kumakanta at nilingon ko iyon humanap naman ako na maibabato at nakahanap ako ng plastic bottle sa baba kaya pinulot ko 'yon at binato kay Axel dahilan mapa daing siya at napatingin sila sa'kin.

“Tumahimik ka baka bigla umulan,” Saad ko sakaniya.

“Oo nga wala ako payong tapos mali pa lyrics mo.” Saad ni Leo.

“Koreque,” sang-ayon ko.

“Ay, weh? Sige nga kantahin mo nga!” Saad sa'kin ni Axel.

“Kargador bosses ko mga sis.” Natatawa kong sabi.

“Kanta na! Alam mo ba na magaling ka kumanta? Narinig na namin.” Nagtaka naman ako sa sinabi ni Kevin.

“Huh? Kelan?” Nagtataka kong tanong.

“Wala! Wala! Test tes muna dali! Tapos sunod si nathan, adrian at axel.” Saad ni Jp wala naman ako nagawa kung hindi tumango.

“I won't join,” Saad ni Nathan.

S1: The Fighter Girl In Section GL  (COMPLETED; Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon