Chapter 2

1.7K 41 4
                                    

MAAGA AKONG nagising ngayon dahil maaga din akong hinahanap ni Dean.
Wala din sila tatay ngayon dahil nasa bayan sila upang mamili ng aming kakainin sa dalawang linggo.

"Nasaan po si Dean, tiyo Bernard?"
tanong ko kay tiyo.

Tinuro niya naman ang sa hindi kalayuan sapa, tinaguan ko at lumakad na papunta kay Dean.

Hinawakan ko ang balikat niya at nagulat pa nga siya at agad na lumingon at kumapa kapa sa paligid.

"L-lenlen?" paninigurado niya.

"Ang galing mo naman, nakilala mo kung sino ang tumapik sayo."
nakangiti kong papuri sa kaniya.

Napansin kong namula ang magkabilang pisngi niya sa sinabi ko at iniwas ang tingin.

"Sus, wag ka na mahiya sakin. Normal lang yan." sabi ko at tumitig sa may sapa.

Wala kaming imikan dalawa at kapwa tahimik.

Hanggang sa naramdaman ko ang kamay niya na pumatong sa kamay ko na namamahinga sa hita ko.

"S-sorry." agad din naman niya yun inalis at humingi ng tawad sa akin.

"Gusto mo bang bumalik na tayo sa bahay?" tanong ko sa kaniya upang mabawasan naman ang kaba niya.

Tumango naman siya kaya inalalayan ko siyang maglakad pabalik sa bahay namin.

Nang makapasok na kami ay tinanong ko siya kung siya ba ay nakapag
agahan na pero nagtaka ako ng umiling siya.

"Meron namang kamote dito ha? Ayaw mo ba nito, o hindi ka kumakain?" tanong ko.

"Hindi ako pamilyar sa k-kam—"

"Kamote, sige hihingi muna ako ng tinapay kila Erick, mahalaga ang agahan kaya dapat ay hindi binabaliwala yun." sabi ko at iniwan muna siya para humingi ng tinapay kila Erick.

Ubos na kasi ang i-stock namin dito at dahil nga sa bundok ito ay wala kanh tindahan na makikita at pwedeng bilan.

Kung kailangan talagang bumili ay kailangan mo pang bumaba nang bundok upang makabili nang nga nais mo.

Nang makahingi na ako ng dalawang pirasong Fita ay bumalik na din agad ako sa bahay.

"Siguro naman ay kumakain ka ng Fita noh? Oh Ito." sabi ko at binuksan ang biscuit bago ibigay sa kaniya.

"Gusto mo ba ng kape?" tanong ko at tumalikod sa kaniya upang magpainit ng tubig sa may apoy.

Tumango siya kaya naman dinurog ko ang bigas na siyang ginagawa naming kape.

Binigay ko na sa kaniya ang kape matapos ko itong matimpla at agad niya itong tinikman.

Ang masayang mukha ko ay nawala nang bigla niya itong ibuga.

"A-akala ko ba kape? Bakit parang iba ang lasa?" tanong niya.

"Bigas. Iyan ang ginagawa naming kape dito kaya masanay kana, saka hindi naman gano'n kasama ang lasa ah." sabi ko.

"B-bigas? Rice is now a coffee?"
nalilitong tanong niya.

"Hay naku! kung ayaw mo edi ako nalang ang iinom. Paborito ko naman ito e." sabi ko at inagaw sa kaniya ang kape.

Aangal pa sana siya ng itapat ko ang daliri sa labi niya kaya hindi na niya natuloy ang sasabihin.

Nang maubos ko na ang dalawang kape ay lumabas ako para hugasan ang baso na ginamit.

"Lenlen?" muntik ko pang mabitawan ang basong hinuhugasan ko nang biglang may nagsalita sa likod ko.

Pagharap ko ay nakita ko si Dean na hirap na hirap kumapa.

Kaya naman hinawakan ko na ang kamay niya at giniya siya papasok.

"Bakit ka lumalabas? Nag hugas lang naman ako ng baso, wag ka nang lalabas lalo na at hindi mo pa naman gamay ang bahay." sabi ko sa kaniya.

"Akala ko kasi nagalit ka sakin."
mahinang sabi niya.

Kumunot naman ang noo ko sa sinabi niya.

"Huh? Bat naman ako magagalit?"
tanong ko sa kaniya.

"Because i didn't like the rice coffee."
sagot naman niya.

"E sabi ko naman sayo na paborito ko yun kaya walang kaso sakin kung ayaw mo atlis mapapadami ako ng inom." sabi ko.

Magsasalita pa sana siya ng makarinig kami ng mga yabag at ang tumatawag sa pangalan ko.

"Lenlen! Anak!" sigaw ni tatay.

"Si tatay, teka lang ha." sabi ko kay Dean at lumabas upang salubungin si tatay.

"Tatay!" sigaw ko.

"Oh Lenlen, anak ito ang mga nabili ko, binilhan kita ng bagong bistida at libro na pwede mong mabasa kapag wala kang magawa." sabi ni tatay at binigay sa akin ang supot na may lamang damit at libro.

Binasa ko ang pamagat nito.

"Ang alamat ng Ampalaya." basa ko dito.

"Tay! Ano po yung alamat?" tanong ko habang kakamot kamot sa ulo.

"Anak diba pinag aralan naman yun eskwela?" tanong din ni tatay.

"E tay absent ata ako nung tinuro yun." sagot ko naman.

"A legend is a genre of folklore that consists of a narrative featuring human actions, believed or perceived, both by teller and listeners, to have taken place within human history. Narratives in this genre may demonstrate human values, and possess certain qualities that give the tale verisimilitude." Napatingin ako sa nagsagot na walang iba kung hindi si Dean.

"Ha?" tanging nasabi ko.

Ano daw?Ang haba ng sinabi niya pero ni isa ay wala akong naintindihan.

Sana pala ay hindi nalang ako nagtanong.

Sabi ko sa aking isip.

"Ah babasahin ko nalang to." sabi ko.

"Salamat po tay!" pagpapasalamat ko naman sa gwapong gwapo kong tatay.

Nginitian naman ako nito at ginulo ang magulo ko na talagang buhok.

"Tay, may isda o baboy po ba jayong binili?Hindi po kasi kumakain ng Kamote si Dean—"

"Sinong Dean?"

Hindi ko na natapos ang tinatanong ko kay tatay nang sumabat siya.

"Pansamantalang pangalan ko po sa kaniya." sabay turo ko kay Dean na siyang nasa tabi ko.

Tumango naman si itay at sinagot ang nauna kong tanong.

"Tamang tama at nakabili ako sa maliit na halaga ng isang kilong baboy at mga gulay." sabi ni tatay.

"Kumakain ka ba ng gulay Dean?"
tanong nito kay Dean.

"Opo, sir." sagot nito.

"Naku 'wag mo na akong tawaging ser at hindi naman ako guro o amo mo."
natatawang sabi ni tatay kaya napangiti din si Dean.

"Kumusta na nga pala ang ulo mo?Sumakit ba? Dumugo pa ba?" tanong ni tatay at hinawakan ang ulo ni Dean na may benda pa,wala na din itong bakas ng dugo.

"Medyo nahilo lang po ako kaninang paggising." sagot ni Dean.

Tumango naman si tatay sa kaniya at binilinan na magpahinga dahil kailangan ng katawan niya iyon.

Itutuloy.
❄️
Ctto kay google sa meaning ng alamat:)

At natapos ko na nga ang BS#2, sana ay nag enjoy kayo sa pagbabasa nun:)

Enjoy reading!

BS #3 Loving You Till LastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon