Chapter 13

1.1K 35 6
                                    

MAGKASAMA KAMI ni Dean ngayon dito sa paborito niyang tambayan. Hanggang ngayon ay iniisip ko pa din ang mga sinabi niya nung nakaraang linggo.

Alam niya na ang pangalan niya kaya sinasanay ko na din ang sarili ko na tawagin siya sa kaniyang tunay na pangalan pero lagi ko iyon nakakaligtaan at natatawag pa din siyang Dean.

Ang sabi niya ay ayos lang naman daw sa kaniya.

"De— G-griffin, Ayaw mo pa bang pumasok sa loob? Gabi na. Hindi ka pa ba inaantok." sabi ko at muntik ko nanaman siyang matawag na Dean.

"Kinsley, it's okay to call me Dean, call me whatever you want. It's fine to me." sabi niya.

"Pero hindi mo naman yun pangalan." dahilan ko.

"Bahala ka..." sabi nalang niya at nagkibit balikat.

Maya maya ay nagsabi na siyang matutulog na siya kaya naman inalalayan ko na siya patayo at hinatid siya sa kaniyang kwarto.

"Goodnight, Dean." sabi ko at isinara na ang pinto.

Pumunta muna ako sa banyo para maghilamos at mag tooth brush ng ngipin bago matulog.

Nagpupunas na ako ng mukha nang magulat ako sa taong nasa harapan ko.

"Kierol! Nanggugulat ka nanaman." Inis na sabi ko kay Kierol.

Pero ang akala kong nakangiti at makulit na Kierol ay iba pagkatingala ko sa kaniya.

Nandito pa din si Kierol dahil ang sabi niya ay wala naman na siyang kailangan gawin sa Maynila kaya siya nandito at gusto niya daw ako makasama.

"Griffin Ashley Sullivan. That's the full real name of the guy your calling Dean, right?" Seryosong tanong niya na nagpakaba sa akin.

Hindi ako nakasagot at napayuko lang.

"See, bakit hindi mo pa siya pauwiin sa kanila ngayong nakakaalala na siya?" tanong niyang muli nang hindi ako sumagot.

"A-ayaw niy—"

Agad niyang pinutol ang sinasabi ko.

"Hindi pwedeng ayaw niya! Matagal na siyang hinahanap ng mga magulang at kaibigan niya! Even her girlfriend is upset finding him."

Napataas ang tingin ko kay Kierol habang nanlalaki ang mata dahil sa sinabi niya.

"M-may girlfriend na si Dean?" nanginingig kong tanong.

"You heard me." Malamig na sabi ni Kierol.

"P-pero wala naman siya—"

"At bakit niya sasabihin sayo? Ano ka ba niya?" hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng kirot nang dahil lang sa katotohanang sinabi ni Kierol.

"Bukas na bukas ay sabihan mo na siyang kailangan niya nang umalis.
Addilene Kinsley, hindi kayo mayaman at dumadagdag lamang palamu—"

Agad ko siyang napatigil sa pamamagitan nang pagsampal ko sa kaniyang kanang pisngi.

"Kahit kailan ay hindi ko inisip ang ganun kay Dean! At oo tama ka hindi kami mayaman pero may sapat naman kaming pambili nang pagkain. At isa pa, wala kang karapatang sabihan nang ganun si Dean!" madiing sabi ko.

Nakaigting ang panga siya habang nakahawak sa pisnging sinampal ko.

"Wow... Because of that guy. You slapped me." sabi niya at umalis sa aking harapan.

Pabalang niya pang sinarado ang pinto na siyang nagpagulat sa akin.

Sumusobra na siya, alam ko naman na hindi ganun si Dean pero ako ang nasasaktan sa kaniya nung sinabi iyon ni Kierol. Wala siyang karapatan.

Kinaumagahan ay wala kaming pansinan ni Kierol, napansin pa nga nila itay ang bakat na pula sa pisngi ni Kierol.

Natakot pa nga ako dahil baka isumbong niya ako pero ang idinahilan niya lang ay dahil sa ayos ng kaniyang pagtulog.

Madali namang naniwala sila itay kaya walang naging problema.

Pero pansin kong napapansin din nila ang pag iiwasan namin ni Kierol.

"Anak." tawag sakin ni tatay kaya napatigil ang pakikipagkuwentuhan ko kay Dean o Griffin.

"Bakit po itay?" tanong ko pagkalapit.

Noong isang linggo din ay humingi ng tawad sa akin si itay dahil sa pagsigaw niya sa akin nang dumating sila.

Pinatawad ko din naman agad siya dahil ang sabi niya ay gusto niya lang masigurong ligtas ako sa anumang kapahamakan.

"Napapansin ko lang, hindi ata kayo nagkikibuan ni Kierol? Nag away ba kayo?" Kunot noong tanong ni itay na nagpalunok sa akin.

"M-meron lang po kaming hindi pagkakaunanawaan kaya hindi kami n-nagpapansinan." Kabang kaba kong sagot.

"Naku! Ayusin ninyo agad iyan at wag nang ipalala. Nagpaalam na sakin kanina si Kierol na sa isang linggo ay babalik na siyang Maynila. Kaunti nalang ang panahon niyong magsama." sabi ni tatay kaya tumango na ako.

Nang matapos kaming mag usap ay bumalik na ako kay Dean, mas gusto ko siyang tawaging Dean kesa pa sa totoo niyang pangalan.

"Anong oras ka natulog kagabi? May narinig pa kasi akong kalabog galing sa iyong silid kagabi." sabi ni Dean.

"A-ah ano lang iyon pusa." pagsisinungalang ko.

Alam ko kasing pag sinabi ko pa ang totoo ay magiging mahaba lang ang usapin dahil talagang ikukuwento ko pa kay Dean ang mga pinag usapan.

"Pusa? Gaano ba kabigat ang pusa at ganun kalakas ang naging impact?" kunot noong tanong ni Dean.

Sasagutin ko na sana siya ng marinig namin ang nakakairitang boses ni Erick.

"Girl! Girl!, May chika akesh!" agad na sabi niya pagkaupo sa kinauupuan namin ni Dean.

Gumitna pa talaga ang loka.

"Kilala mo si Ayesha diba? Yung maarteng nag fifilling maganda." sabi niya at bahagya akong natawa.

Maging si Dean natawa kaya naguluhan si Bakla.

"Kailan pa siya naging tubig? Feeling kasi iyon, Rik naman e." Natatawa kong sabi.

"Luh, parehas lang iyon, so iyon na nga bali balita ngayon na dadarating ang impaktang iyon. Naku! Itabi tabi mo na itong si papi Dean at baka mapusan niya pa itong landiin aba't hindi pwede!" malakas na sabi ni Erick kaya pinalo ko siya sa braso.

Napapatingin kasi ang mga kapit- bahay namin dito dahil sa ingay niya.

"Erick, pwede namang magkuwento nang mahinahon at hindi sumisigaw. Tignan mo oh at nakatingin na sila satin. Hindi ka ba nahihiya?" tanong ko sa kaniya.

"Eh! Basta ikaw din Dean ha, wag ka papauto sa kaniyang boiled brat na yun." hindi ko na din natiis at tuluyan na kong napahalakhak sa sinabi niya, maging si Dean ay natawa na din.

"Spoiled brat yun, ginawa mo namang itlog yung tao." natatawa kong sabi.

"Okay lang yun te, amoy bulok na itlog naman siya." At nagtawanan kami.

Itutuloy.
❄️
I'm done editing Stranger! Pero kung may makita pa kayong mga wrong grammar at typo ay icomment ninyo pa din. Have a nice day everyone :)

BS #3 Loving You Till LastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon