Chapter 21

1.2K 41 4
                                    

NAKAUWI NA kami at matamlay lang ako buong byahe namin pauwi, kahit saglit lang kaming nagkasama ni baby Casimir ay na attached na agad ako sa batang yon.

Gusto ko pa sanang mag usap kami saglit ng bata pero ang sama na ng tingin ng kuya nito kaya umuwi nalang kami.

"Don't be sad, Len." sabi ni Kierol at hinawakan ang kamay kong nakapatong sa may hita ko.

Napabuntong hininga naman ako.

"Miss ko na agad ang batang yun Rol, hindi ko alam pero ang gaan gaan ng pakiramdam ko sa kaniya." sabi ko kay Kierol.

Napangiti lang si Kierol at hindi na nagsalita pa.

Tumingin nalang ako sa mga dinadaan at bigla akong napabangon sa pagkakaupo nang makita ko siya.

"What's wrong?" tanong ni Kierol.

"D-dean..." bulong ko habang nakatingin sa lalaki na nasa loob ng isang shop, naka corporate attire ito habang seryoso na nakatingin sa cellphone niya, meroong babaeng kumakausap sa kaniya pero parang wala siyang naririnig at hindi man lang tinignan ito.

Sakto naman na naka red light kaya naka hinto ang sasakyan at malaya ko siyang tinititigan.

"Sinong tinitignan mo?"

Nilagay niya ang cellphone niya sa may bulsa at may kung anong sinabi sa babae na dahilan nang pagkahinto nito.

"Lenlen?"

Nanlulumong umalis ang babae sa tabi niya na tila naiiyak pa at siya naman ay tila walang pake sa babae.

"Addilene Kinsley!" Napapitlag ako sa sigaw ni Kierol kaya nawala ang tingin ko kay Dean.

"B-bakit?" tanong ko at muling tumingin sa pwesto ni Dean kanina pero wala na ito.

"Kanina pa kita tinatawag at parang wala ka sa sarili mo, sino bang tinitignan mo dun?" Napabalik ang tingin ko sa naka kunot noong Kierol.

"Pasensya ka na. May tinitignan lang ako kaya hindi ko napansin na tinatawag mo ako." Pabuntong hiningang sabi ko.

"Sino ang tinitignan mo dun?" imbis ay tanong ni Kierol.

"Si Dean." sagot ko.

"Dean? You mean Griffin?" Saad ni Kierol.

Oo nga pala, hindi Dean ang pangalan niya.

"Sigurado ka ba na siya iyon?" tanong pa ni Kierol.

Tumango ako at pinagpatuloy na ni Kierol ang pagmamaneho habang pareho na kaming tahimik hanggang sa makauwi sa condo niya.

Ngayon ko lang napansin ang pangalan ng condo, G.A. Sullivan Hotel. Parang katulad lang nung pinuntahan naming mall na Sullivan din.

Parang pamilyar.

Nang makapasok na kami sa loob ng condo ni Kierol ay nadatnan kong nag uusap sila tatay at mas lalong kumunot ang noo ko ng makita ang hawak nito.

Nang masiguro ko kung ano iyon ay nanlalaki ang matang napatingin ako kila itay na mukhang hindi pa kami napapansin.

"T-tay! Bakit po kayo may baril!?" Tanong ko kaya napatigil ang mga ito sa pag uusap.

Akala ko ay magpapaliwanag si tatay pero seryoso itong tumayo at lumapit sa akin habang hawak ang baril.

"Siguro ay ito na ang tamang panahon para malaman mo ang totoo." seryosong saad nito.

Napalunok ako sa kaseryosohan nito.

"Ano pong totoo ang sinasabi ninyo itay?" kinakabahang tanong ko.

"Ako ay kasapi ng mga rebelde." Sagot nito at tila hindi ako nakagalaw, inaasahan na nagbibiro lamang siya.

BS #3 Loving You Till LastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon