Chapter 36

1.2K 37 17
                                    

PANGALAWANG ARAW ko na sa trabaho ngayong araw at hinihiling ko na sana ay hindi na muling magkita pa ang landas namin ni Angel.

Katulad kahapon ay maaga ulit akong umalis pero nag almusal na dahil pinilit ako ni Griffin at sabi niya ay pinaghirapan niya daw iyon lutuin kung kaya kumain na din ako.

Hindi ko na din pa sinabi sa kaniya ang tungkol sa pagkikita namin ni Angel sa trabaho ko. Sa tingin ko naman ay wala din siyang pakialam doon.

"Good morning! Kuya guard!" Bati ko sa guardiyang una kong nakausap mula pa ng ako ay mag apply.

"Oh hija! Magandang umaga din sa iyon!" magiliw na balik bati naman nito sa akin.

Nagkwentuhan pa kami saglit bago ako nagpaalam na ako ay papasok na dahil ayoko talagang malate.

May nakapaskil na ngiti sa aking mukha habang papasok sa aming silid ng aking mga kapwa janitress at janitor.

Ngunit agad iyong nawala at napalitan ng seryosong tingin ng makita ko si Angel na parang may kung sinong hinihintay.

Nang tumingin siya sa banda ko ay bigla siyang ngumiti sabay tayo at lakad papunta sa akin habang ako naman ay kinakabahan na umatras.

"Oh! Why stepping back, Lenlen?" maarteng natatawang tanong nito nang mapansin ang pag atras ko.

"Are you scared, Little mountain girl?" Nanunuyang tanong niya.

"Angel, ayoko ng gulo. Lubayan mo na ako parang awa mo na, kailangan na kailangan ko ang trabahong ito at hindi ikaw ang magiging dahilan ng pag lisan ko dito." matapang kong saad.

Kahit ang totoo ay kinakabahan ako.

Pagak naman itong tumawa at hinawakan ang unat na unat na buhok.

"Nakakatawa ka din noh, ant lakas ng loob mong kalabanin ako, Tss. Noong una ay si Griff, tapos ngayon pati kay Ashtein ay sumasapaw ka!" Nabigla ako ng sumigaw ito.

Napatingin tuloy ang iba kong kasamagan at naririnig ko pa ang mga bulungan nila, anlakas kasi.

"Naku! Patay tong si Lenlen, si madam Angel pa ang kinalaban."

"Panigurado ay dahil sa lalaki yan."

"Hindi na ako magtataka hindi na siya makapasok bukas dahil paniguradong tanggal na siya."

"Good luck nalang kay Lenlen."

Iilan sa mga bulungan nila kaya hindi ko maiwasang mas lalong kabahan.

"Do you hear that? They call me 'madam' and you? You have the audacity to just call me Angel? What do you think on your self ba huh?" Nakataas na kilay na tanong nito.

"P-pasensy—"

"Ano nanaman ba ito, Angel?" Napatigil ako sa pagsasalita ng dumating si sir Ashtein.

Agad naman napairap sa hangin si Angel.

"Grr! Andito ka nanaman. For sure ay itong babae nanaman ang kakampihan mo! Parang siya pa ang pinsan mo kung makakampi ka sa kaniya e!" inis na saad ni Angel.

"Angel, hindi ba't nag-usap na tayo kahapon tungkol dito? I said na tigilan mo na si Lenlen kung hindi ay ako mismo ang mag papaalis sayo dito?" seryosong sabi naman ni sir Ashtein.

Sinabi niya iyon sa pinsan niya? Pero bakit?

"You know what, Ash? Wala ka naman mapapala sa pagkampi sa babaeng to e. Kaya ako nagtataka kung bakit ka nagkakaganyan. Don't tell me that you like her?" Nagseryoso na din si Angel.

"Edi hindi ko sasabihin."

Gulat akong napatingin kay sir Ashtein nang sabihin niya iyon, alam kong hindi lang ako ang nagulat dahil kitang kita ko ang pagkunot ng noo ni Angel at ang mas lumakas na bulungan ng mga katrabaho ko.

"What the fuck?"

Sabay sabay kami napatingin sa isang pamilyar na boses.

"Mommy!" sigaw ng pamilyar na batang lalaki.

"Griffin!" Gulat ding saad ni Angel sa pangalan ng lalaki.

Buhat ni Griffin ang batang tumawag sa aking 'mommy' na walang iba kung hindi si Casimir.

"Put me down! Tito! My mommy is here! Put me down!" Agad na sabi ni Casimir kay Griffin na ibinaba naman siya.

Agad na yumakap sa akin ang bata pagkababa.

"Mommy! I miss you po!" Nakatingalang sabi ng bibong bata.

Si Angel naman ay nakanganga lang na nakatingin sa amin habang hindi makapaniwala sa nakikita niya.

"W-what the hell!" Gulat na anya nito.

"Casimir! Why are you calling 'mommy' that ugly peace of sh—"

"Sige, Angel. Ituloy mo pa ang sinasabi mo at makikita mo ang hinahanap mo." Seryosong saad ni Griffin kaya napatahimik nalang si Angel at inis na inirapan ako.

"Kuya." Tawag ni Ashtein kay Griffin kaya naguguluhan ko silang tinignan.

Kuya niya si Griffin?

"Ash." Tawag naman ni Griffin dito.

"Mommy! Look at me! Di mo po ba ko na miss mommy ko?" Nakangusong tanong naman sakin ni Casimir kaya nahiya ako sa mga taong nakikinig at nakatingin.

"Shempre na miss kita." Nahihiya kong mahinang sagot sa kaniya kaya napahagikgik ang bata at muling yumakap sa akin.

"Okay, okay. Stop it now, Casimir. Your mommy is getting red." Natatawang anya ni Griffin at kinuha sa akin si Casimir na wala namang naging angal ngunit naguguluhan sa sinabi nito.

"Mommy is getting red? Like a tomato po tito?" Kuryosong tanong nito na siyang tinanguan ni Griffin.

Hinawi din ni Griffin ang tumatabing na buhok sa may noo ni Casimir na ngayon ay mayroong kaunting pawis.

"Griffin, uhm why are you here? And... With baby Casimir?" Maya maya ay bigla nagsalita si Angel.

"Is it masama ba, Angel?" Balik tanong sa kaniya ni Griffin.

"O-of course not! Griffin. I'm just asking you know... It's just weird that Ash and you are both are here. Anyway, do you know this girl?"

"Yes."

"Oh! Really? Kilala mo din ba ang tunay niyang ugali? Hindi siya marunong gumalang sa nga nakataas sa kaniya." Saad ni Angel at pinasadahan pa ako ng tingin sabay irap.

Lumapit ito kay Griffin at hinaplos haplos ang balikat nito at hindi ko alam kung bakit bigla akong nakaramdam ng inis.

Bakit kailangan pa niyang hawakan ang balikat ni Griffin?

At bakit hindi man lang siya pigilan nung isa!?

Aba't gusto din!

Mas lalo kong nakuyom ang kamao ko habang nakatingin sa mga kamay ni Angel na malikot na hinahaplos si Griffin na hindi man lang umaangal!

Itutuloy.
❄️

Hello! Namiss ko kayo! Grabe antagal ko din palang hindi nakapagsulat. Pasensya na kayo, nitong mga nakaraang araw kasi ay bukod sa tinatamad ako ay nawawalan na din ako ng gana magsulat. Pero promise tatapusin ko muna tong LYTL.

BS #3 Loving You Till LastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon