Chapter 30

1.4K 42 10
                                    

HININTO NI Griffin ang sasakyan sa isang mataas na gusali. Bumaba siya ng kotse at nagulat pa ako ng pag buksan niya pa ako ng pinto.

Inilibot ko ang paningin ko sa buong paligid, napakalinis at napakaaliwalas ng kapaligiran dito.

"Nasaan tayo?" tanong ko habang inililibot pa din ang tingin.

"Our second branch of G.A Hotel Condominium." sagot niya kaya nanlalaki ang matang napatingin ako sa kaniya.

"I-ibig sabihin hindi lang nag iisa ang hotel ninyo? G-grabe ang yaman mo pala kung ganon." Wala sa sariling sabi ko.

"Actually, we have 27 branch of G.A HC." sabi niya na nagpatulala sa akin.

27? Grabe naman pala.

Let's get inside." yaya niya at namula pa ang pisngi ko ng hawakan niya ang bewang ko papasok.

Binati siya ng mga receptionist at agad kaming sumakay sa walang taong elevator.

Nang tignan ko ang nakalagay dun ay private elevator pala ito. Siguro ay siya o ang pamilya niya lang ang dapat gumamit.

Pinindot niya sa fifth floor at umandar na ito, pagkarating namin ay namangha ako sa pasilyo.

Nung akala kong malaki na ito sa first floor ay mas malaki pa pala sa fifth floor nila, naka kintab din ng mga tiles na parang maya mayang nililinis.

Pumasok kami sa huling silid at binuksan ni Griffin ang ilaw kaya bahagya pa akong nasilaw, nang umayos na ang tingin ko ay nakita ko ang napaka gandang silid sa loob nito.

Pumasok kami sa huling silid at binuksan ni Griffin ang ilaw kaya bahagya pa akong nasilaw, nang umayos na ang tingin ko ay nakita ko ang napaka gandang silid sa loob nito

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

ALL CREDITS  TO THE RIGHTFUL OWNER.
SOURCE PINTEREST.

Pinaghalong puti at gray ang theme ng condo niya, napakaganda din ng nga gamit na alam mo talagang ginastusan.

Pinaupo niya muna ako sa may sofa at pumasok sa parang kusina, pagbalik niya ay may dala na siyang dalawang juice at sandwich.

"Kumain ka muna." saad niya at nilapit sa akin ang pagkain.

Pero nahihiya ako kaya ang juice lang ang ininom ko at hindi na ginalaw pa ang sandwich, inikot ko ang paningin sa buo niyang condo at hindi pa din talaga ako makapaniwala na nakatapak ako sa ganito kaganda.

Napatingin ako kay Griffin nang tumunog ang cellphone niya, tumingin muna siya sa akin bago sinagot ang tawag at lumayo sa akin.

Kaya naman iniwas ko na ang tingin ko sa kaniya, baka mamaya ay asawa niya pala ang tumatawag. Nakakaistorbo pa ako.

Nang matapos siya sa katawagan niya ay bumalik siya sa akin na parang problemado.

Siguro nga yung asawa niya yung tumawag at nakita kami tapos nagagalit kasi nakita niya akong pumasok sa condo ni—

"Lenlen." tawag ni Griffin kaya napahinto ako sa mga naiisip ko.

"B-bakit?"

"Nagkaproblema kasi sa isa naming Branch, merong bumigay na isang condo kaya kailangan kong pumunta doon. Ayos lang ba kung iwan muna kita dito? Babalik din naman ako agad i just need to check if may mga nasaktan ba." sabi niya.

"Naku! Ano ka ba, ayos lang noh. Saka nakikituloy nga lang ako, sige na puntahan mo na dun. Dito lang ako." nakangiti kong sabi sa kaniya.

Hindi pa nga siya gumagalaw at nakatitig lang sa akin kaya medyo nailang ako.

Nang mapansin niyang naiilang na ako sa titig niya ay nagpaalam na siyang aalis hanggang sa narinig ko nalang ang tunog ng pagbukas sara ng pintuan na tanda na umalis na nga siya.

Napabuntong hininga ako, ano na kaya ngayon ang gagawin ko gayung magpaisa nalang ako ulit.

Naalala ko nanaman tuloy si Kierol.

Ang panloloko niya, ang matatamis niyang salita, ang magaganda niyang ginagawa pero hindi na katulad dati ang tingin ko sa kaniya.

Nag iba na siya.

Hindi ko na siya kilala.

Hindi ko namalayan na  nakatulugan ko na ang pag-iisip tungkol doon.

Nagising lang ako sa mahinang tapik sa balikat kaya naman dahan dahan kong binukas ang mata ko at nakita ko ang gwapong mukha ni Griffn.

Nahiya naman tuloy ako kaya dali dali akong umupo at kinapa ang bibig baka kasi may tumulong laway na pala, nakakahiya.

"I bought us food, Len." sabi niya at dun ko lang napansin ang mga supot na dala niya na pagkain pala.

"Let's eat." sabi niya matapos ayusin ang mga pagkain na dala niya.

Tumayo na ako at lumakad papuntang hapag, kumulo pa ang tiyan ko pagkaamoy sa mga pagkain kaya bahagyang napatawa si Griffin.

Ano ba yan! Bakit naman kasi kailangan pang kumulo ng tiyan ko? Nakakahiya tuloy kay Griffin.

Naunang matapos si Griffin kumain kaya naman binilisan ko na din.

"Hindi mo kailangan magmadali." sabi niya kaya bumagal na ang pagkain ko pero kung katangahan nga naman ang titiyempo.

Nabulunan ako!

Kanda ubo ubo ako habang pilit tinitignan kung nasaan ang tubig.

Hindi ko na din masyadong napansin na tumayo na pala si Griffin at pumunta sa may likuran ko.

Tinulungan niya akong mailuwa ang pagkain na siyang dahilan ng ikinasamid ko.

"Sabi ko naman sayo e, hindi mo kailangang magmadali. Here's the water." sabi niya at inabot ang tubig.

Nahihiyang tumingin ako sa kaniya matapos kong uminom.

"S-salamat."

Kinagabihan ay naghahanda na akong matulog, plano kong dito nalang ako sa may sofa matutulog.

"Naayos ko na ang ang kabilang kwarto, pwede ka na doong matulog at magpahinga."

"Ayy tipaklong!" Gulat na gulat akong napahawak sa may dibdib ko ng magsalita mula sa likuran ko si Griffin.

"Nakakagulat ka naman." sabi ko.

"I'm sorry." Hinging paunmahin niya pero natatawa naman.

Lumakad na ako papunta sa kwartong sinasabi niya dahil parang bibigay na ang talukap ng mata ko sa antok.

"Goodnight, Addilene Kinsley." pahabol niya pa kaya uminit ang pisngi ko.

"Goodnight din, Griffin." sabi ko at nagtatakbo na papasok at dali daling sinara ang pinto at pagkatapos ay napahawak ako sa may dibdib ko na ang lakas ng kabog.

Heart, wag naman ganyan. Kaka heartbreak palang natin gusto mo atang masundan agad.

Pagkausap ko sa sarili ko habang pinakalma.

Humiga na ako sa malaking kama at napatingin sa kisame, napabuntong hininga ako ng maisip ko nanaman siya.

Makakamove on din ako sayo, Kierol.

Hindi man ngayon alam kong malapit na, malapit na malapit na.

Ipinikit ko na ang mata ko hanggang sa makatulog.

Itutuloy.
❄️
Thank you for your comment StylebyAlexis  sa BS #1 🥰 kinikilig talaga ako. Thank you din sayo bumbyish  for always commenting and voting :> love ko kayo🤍
Keep safe po sa lahat :>

BS #3 Loving You Till LastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon