Chapter 10

1.2K 40 17
                                    

PAGKATAPOS ang pag uusap namin ni Dean ay naging malamig na ang trato nito sa akin.

Pansin ko din na palagi itong malungkot at minsan minsan pa ay binabanggit ang pangalan ni Clementine.

"Girl, sa tingin mo,anong problema ni Dean?" tanong ni Erick na nasa tabi ko habang tinuturo si Dean na malayo ang tingin.

"Sa tingin mo ba, gusto na niyang bunalik sa pamilya niya?" tanong pa nito.

"Ayon sa nakikita natin ay paunti unti palang ang naalala niya at yung alala pa na yun ay masakit para sa kaniya."
sagot ko.

"Naging sila ba nung girl?" tanong ni Erick, kanina kasi ay naikuwento ko sa kaniya ang mga sinabi sa akin ni Dean.

"Wala siyang binaggit pero sa pag kakaalam ko ay gusto niya ang babae pero naging asawa naman ito ng kaibigan niya kaya siguro wala nang chance para sa kanila." sabi ko.

"Kailan nga pala ulit dadalaw dito si Diego?" tanong ko,ang sabi kasi sa amin ni Diego ay pupunta muna siya dito bago umuwi.

"Ayy hindi ko alam." sagot niya, napairap nalang ako sa hangin.

"Hala siya miss na agad yung tao,
parang isang araw palang hindi nakikita e." pang aasar pa ni Erick.

Nagulat nalang kami nang madapa si Dean,tumayo na pala ito nang walang tulong ng kung sino.

Agad kaming lumapit sa kaniya at pansin ko sa mukha nitong nasaktan siya.

"Ayos ka lang?" parang tangang tanong ni Erick.

Siniko ko naman siya at sinamaan nang tingin bago iupo si Dean.

Pinagpagan ko din ang tuhod niya at buti ay wala siyang natamong galos.

"Sana ay tinawag mo kami." Sabi ko.

"I thought your busy about someone."
Sabi niya kaya naman napakunot ang noo ko.

"Someone? Sino naman?" nalilitong tanong ko.

"Nevermind." sabi niya kaya inis na tinignan ko siya.

"Alam mo Dean sa mga lumilipas na araw ay hindi na kita maintindihan." Sabi ko.

"I know... No one can understand me.
Even myself." sabi niya at bakas sa tono niya ang lungkot.

"Dean kung kailangan mo ng kausap ay pwedeng pwede kami ni Erick."
sabi ko.

"Oo nga, Saka wag ka na mahiya to naman parang others." natatawang sabi ni Erick.

Nalilito ko naman siyang tignan.

"O bakit nanaman? Tama naman yung english ko ah saka alam ko yung salitang yun kasi ginaya ko yun sa nabasa ko sa ano sa cellphone ni Diego." paliwanag niya.

Tinaguan ko nalang siya.

Kinabukasan ay nagising nanaman ako dahil sa ingay ng bunganga ni Erick.

Inis na bumangon at niligpit ang higaan bago tumayo at lumabas.

"Erick, Ang aga aga ang ingay inga––"
Napatigil ako sa pagsasalita nang makita kung sino ang kausap niya.

"Kierol!" sigaw ko sabay damba sa kaniya ng yakap.

"Nakakainis ka! Umalis ka nung nakaraan nang hindi man lang nagsasabi sakin." Nakangusong sabi ko pagkatapos bumitaw sa yakap.

"I'm sorry, Meron lang talaga akong importanteng dapat asikasuhin nang araw na iyon kaya hindi ko na nagawang mag paalam pa sayo." Sabi niya at ginulo ang magulo ko nang buhog dahil nga sa kakagising lang.

"Kahit na noh! Ni kahit sigawan mo lang ako na aalis ka na di mo pa nagawa." Tampong sabi ko pa.

"Don't worry i have a free time now, Sayong sayo ako sa loob ng tatlong araw." Sabi niya at kinurot ang ilong ko.

"Pasensya ka na girl kung nagising kita ha, Nagulat din kasi ako sa biglaang pagdating ni papi Kierol kaya naman napasigaw ako ng bongga." Sabi ni Erick.

Napatingin kami sa may pintuan nang makita namin si Dean.

"Hey, Dean."nagulat ako ng batiin ni Kierol si Dean na ngayon ay kumunot ang noo.

"Nandito ka na naman?" Pero mas nagulat naman ako sa sinagot ni Dean dito.

"Woah! May galit ka ba sakin at ganyan ang sagot mo?" Natatawang tanong ni Kierol.

Ako man ay nagtataka kung bakit yata hindi man lang nagalit si Kierol dito bagkus ay tinawanan lang.

"I thought Kinsley and you, are enemy?" tanong pa ni Dean.

"Dude? Who said that? Lenlen and i is really close to each other, Sa katunayan nga niyan ay napapagkamalan na kami ng mga tao dito na mag kasintahan e." Hindi ko alam kung ako lang ba o talagang may pagmamalaki sa tono ni Kierol.

"Sinong nagtanong?" Napabukas sara ang bibig ko sa sinagot ni Dean.

Si Kierol naman ay pansin kong naiinis na din.

"Ang tinanong ko lang naman ay kung magkaaway kayo, Andami mo na agad sinabi."sabi pa ni Dean.

"Dean." tawag ko.

"Bakit?" balewalang tanong niya na akala mo ay walang iniinis na tao.

"Maunan na kayong nag agahan ni Erick,susunod nalang kami ni Kierol."
sabi ko at sinenyasan Si Erick na akayin na si Dean.

"Why? May gagawin ba kayong hindi namin pwedeng makita? O well I'm blind so definitely I can't see that but Erick can." sabi pa ni Dean at nagkibit balikat bago humawak sa kamay ni Erick at umali sa hawakan namin.

"Anong problema nun?"vtanong ni Kierol.

Nagkibit balikat nalang ako at muli kaming nag usap,matapos naming mag usap sandali ay pumunta na kami sa hapag upang kumain ng agahan.

"I'm full len." sabi ni Dean nang maubos niya na ang sinangag na ang ulam ay tuyo at itlog.

"Bakit kailangan pang sabihin sa kaniya? Nakikita naman namin."
entrada naman ni Kierol.

"Hindi naman kami katulad mo..." dagdag pa nito kaya naman malakas na napahampas si Dean sa mesa na siyang nagpagulat kay Erick na kumakain pa.

May mga sinangag pa ngang natapon dahil sa lakas nang impact.

"Wag mo akong sinusukan Kierol."
madiing wika ni Dean sabay tayo.

Sinenyasan ko naman si Erick na sundan si Dean na muntik nang madapa.

Nang mawala sila sa aming paningin ay tumingin ako kay Kierol na ngayon ay may ngiting tagumpay.

"Bakit mo naman dinamay pati ang bagay na yon?" tanong ko sa kaniya.

"He pissed me kanina e,Bumawi lang naman ako." sabi niya at ngumuso.

"Kierol, alam mo namang sensitive topic ang binuksan mo, natural lang na masaktan si Dean."sabi ko pa.

Ngunit nagkibit balikat lang siya at tinuloy ang pagkain.

Itutuloy.
❄️
Bardagulan lang nila Dean at Kierol ang ikinatutuwa ko 😂
Sorry po natagalan ang update,sa totoo lang ay wala talaga akong maisip.Laman kasi ng utak ko ngayon ay ang mga schoolwork na di ko pa natatapos kaya di ako makafocus dito.

Anyway comments and votes are highly appreciated:)

Smile ka na☺️

BS #3 Loving You Till LastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon