Chapter 20

1.3K 32 5
                                    

NGAYON ANG araw na hahanapin naming muli ang kuya ni Casimir, kagabi ay katabi ko siyang natulog dahil hindi daw ito sanay na walang katabi at natatakot na baka paggising niya ay multo na ang katabi niya.

"Ready ka na ba?" tanong ko kay Casimir at tumango naman siya, humawak na siya sa kamay ko at sabay sabay kaming tatlo nila Kierol lumabas.

Pupunta kasi kami ngayon sa police station upang ireport ang pagkawala ni Casimir.

Sumakay na kami sa itim na sasakyan ni Kierol at agad niya din naman itong pinaandar.

"Mommy? Sasama ka na po ba sa house namin kapag nahanap na ako nila kuya?" biglang tanong ni Casimir nang huminto ang sasakyan dahil sa traffic.

"Bakit naman siya sasama sa inyo? Sa condo ko siya at ibabalik ka lang namin sa kuya mo." Sagot ni Kierol.

Inis na tinignan ko ito nang mapansin kong lumungkot ang mukha ng bata.

"Nila? So ibig mong sabihin ay dalawa o higit pang kuya mo ang kasama mo nun?" tanong ko.

"Opo, pero si Ashtein lang po ang kasama ko kahapon. Nagpapagaling pa po kasi ang kuya Ashley ko." sagot ni Casimir at nawala na ang lungkot sa mukha nito.

Mukhang gusto niyang laging may kausap.

"Ashley pero lalaki?" tanong ni Kierol at pinausad na ang sasakyan.

"Opo, cute name pa din naman po iyon at hindi lang naman po girl ang pwedeng ganun ang name Kuya Kierol." Bibong sagot nito.

"Whatever." bulong ni Kierol na mukhang hindi naman nadinig ni Casimir.

Nang makarating na kami sa police station ay ayaw pa ngang bumaba ni Casimir dahil natatakot daw ito pero napilit din naman namin siya ng sinabing makikita niya na ang kuya niya.

Nang matapos na namin mareport na nawawala nga itong si Casimir at hinahanap ang kuya niya ay sinabihan kami na tatawagan nalang kung meron mang maghanap.

Kaya naman bagsak ang balikat ni Casimir na sumakay na muli ng sasakyan kaya naman ang sabi ni Kierol ay dalhin nalang namin ito sa Sullivan Mall.

Pagkarating namin dun ay grabe ang pagkamangha ko, napakalaki nito. Triple pa ang laki sa Mall na pinuntahan namin kagabi upang sandaling gala.

Hindi din katulad sa Mall na pinuntahan namin kahapon ay konti lang ang mga tao dito at halata mong may mga kaya.

"Parang ang mamahal naman ng produkto dito, bakit kasi hindi nalang tayo dun sa kahapon nating pinuntahan?" bulong ko kay Kierol pero tinawanan lang ako nito at nagpatuloy sa paglalakad.

Nangningning ang mata ni Casimir nang makita nito ang shop na puno ng maraming Candy.

Agad ako nitong hinila papunta sa Candy Shop na ito na ang pangala ay 'Ashie Candy Store'

"Look mommy! Dito po kami nagbubuy ng candies ko!" masayang sabi nito at nagulat ako ng biglang magbulungan ang mga tao na tingin ko ay nagbebenta dito.

"Hala, Sino yang kasama ni Sir Casimir?"

"Baka bago nilang katulong."

"Parang hindi naman, masyadong maganda yung babae e, gwapo din yung guy oh."

"Hindi kaya kinidnap nila si Sir Casimir?"

Mga bulungan ng tatlong babae na nasa cashier, natigil lamang ang nga ito ng masayang sumigaw si Casimir.

"Ate Mae! Ate Kyla! Ate Mila!" Buong galak na sigaw ni Casimir.

"Hello Casimir! Sino yang kasama mo? Bago ninyong katulong?" walang pakundangan na tanong ng babaeng nasa unahan.

Siniko naman ito ng nasa gitna.

"She is not our yaya ate Mila, she is my Mommy!" Sagot ng bata.

"Ha?" Sabay sabay tanong ng mga ito at nagkatinginan pa.

"Nakita ninyo po ba si Kuya Ashtein ate Mila?" Tanong ni Casimir at bigla nalang natulala ang mga babae nang may narinig kaming yabag sa aming likod.

"You can out early. Mila, Kyla, Mae." baritonong boses mula sa aming likuran.

Dahan dahan akong humarap sa taong yun habang si Casimir ay tuwang tuwa.

"Kuya Ashtein!" sigaw ni Casimir at agad na yumakap sa tila natuod na lalaki.

"C-casimir?" nauutal na tanong nito at agad na yumuko at binuhat si Casimir.

Kumunot ang noo ko at kinuha mula sa kaniya ang bata.

"Casimir, hindi ka dapat yumayakap kung kani kanino." saway ko dito at naguguluhan naman itong tumingin sa akin.

"She is my Kuya Ashtein, Mommy. Siya po ang kasama ko kahapon nang mawala ako." saad ni Casimir at napatigalgal ako.

"Who are you?" kunot noong tanong naman ng Ashton sa akin.

"Siya po ang nag save sa akin Kuya! She save me po sa fire kahapon, mabait po si Mommy kuya wag ninyo po siyang awayin." sabi ni Casimir.

"Wait here Cas. I will just inform Mom na nakita na kita." paalam nito sa bata at tumalikod sa amin.

May tinawagan ito sa Cellphone.

"Sigurado ka bang siya ang kuya mo, Casimir?" paninigurado ko pa.

"Opo Mommy." Nakangiting sagot ni Casimir.

Nang matapos makipag usap sa telepono nung Ashtein ay bumalik na ito at inilayo sa akin si Casimir na mukhang walang alam sa nangyayari dahil pinapili ito ng lalaki ng candy kaya nalibang.

"Let's talk." Malamig na sabi nito at tinignan muna ang tatlong babae bagon tumalikod at lumayo ng kaunti.

Nagkatinginan kami ni Kierol at sabay na naglakad papunta sa lalaki.

"Anong gusto mong pag usapan?" tanong ko.

"I just want to know kung bakit na sayo ang kapatid ko?"

"Hindi ba't narinig mo naman ang sinabi ng kapatid mo, niligtas ko siya kahapon dahil yung kasama niya ay pabaya." Sagot ko ng hindi makapag timpi sa inis sa lalaking nasa harap ko.

"Hindi ako pabaya." madiing wika nito habang masama ang tingin sa akin.

"Don't look at Len like that you moron." biglang sabi ni Kierol kaya sa kaniya napunta ang tingin ng lalaki.

"Umalis na kayo habang nakakapagtimpi pa ako." Maya maya ay sabi ng lalaki Kaya wala na kaminh nagawa kundi ang magpaalam na kay Casimir.

Ayaw pa nga nitong pumayag at sabi pa ay isasama kami sa bahay nila pero tumanggi ako dahil alam ko naman na ayaw sa amin ng kuya niya.

Ayaw ko na din mag away pa sila ni Kierol kaya mas mabuting umiwas nalang kami.

Itutuloy.
❄️
Sorry hindi pala sa chapter 20...

Anyway may papakita ko sa inyo.

HAHAHAHHA o diba ang cute dahil 1k reads na tayo, isipin ninyo nalang na malalaki na sila ha, kayo na mag adjust hehe😋

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

HAHAHAHHA o diba ang cute dahil 1k reads na tayo, isipin ninyo nalang na malalaki na sila ha, kayo na mag adjust hehe😋

BS #3 Loving You Till LastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon