Chapter 7

1.2K 35 7
                                    

MALUNGKOT AKONG pumasok sa loob ng aking silid, ni hindi man lang nakuhang magpaalam sa akin ni Kierol at basta nalang umalis.

Alam ko namang matampuhin talaga iyon at hindi pumapayag na may ibang lumalamang sa kaniya lalo na kapag kasama ako sa usapan.

Seloso din si Kierol at hindi naman niya iyon tinatanggi.

"Malungkot ka ba dahil umalis na ang lalaki kanina?" nagulat ako ng may mag salita sa aking likod at gulat ang rumehistro sa buo kong pagkatao nang makita si Dean.

"P-paano ka nakapunta dito?" tanong ko.

"Nagpatulong ako kay Erick, sa sobrang lalim ata ng iniisip mo ay hindi mo kami napansin." sagot niya at lumakad, kumakapa kapa sa paligid.

Tumayo naman agad ako at inalalayan siyang maupo sa kama.

"Narinig ko ang ang pag uusap ninyo ng iyong ama at batid kong malungkot ka ng umalis siya ng hindi man lang sinasabi sayo." sabi ni Dean.

"Kaibigan ko si Kierol at siguro namang natural lang na maging malungkot ako kung alam kong may tampo sakin ang kabigan ko hindi ba?" patanong kong sabi.

"Right..." sabi niya.

Nang umalis na si Dean ay wala akong magawa kaya naman naisipan ko nalang maglinis dito sa aking kwarto.

Nagpupunas ako ng mga gamit nang mahulog ang librong binigay sa akin na lumikha ng malakas na tunog. Agad ko iyong pinulot at nilagay muli sa lalagyan, nakarinig naman ako ng katok sa may pinto kaya binuksan ko iyon.

"Anyare te? Anong ingay 'yon?" Tanong ni Erick pqgkabukas ko ng pinto.

"Uh nahulog kasi yung libro, naglilinis kasi ako." Sagot ko.

"Kaloka ka beh!" Sabi niya

"Halika na at lumabas ka naman,
hanap ka ni Dean kanina pa." sabi pa niya at hinila ako papalabas.

Lumabas na nga kami at nadatnan ko si Dean na nakaupo sa upuan na kahoy.

"Dean!" tawag pansin ni Erick dito kaya napatingin si Dean sa harap.

Napakamot sa ulo si Erick nang marealize niyang hindi kami nakikita ni Dean kaya sa ibang anggulo ito nakatingin ngayon.

"Ayy sorry. Andito na nga pala si Lenlen, diba hanap mo siya."
natatawang sabi ni Erick at iniwan kaming dalawa ni Dean.

"A-ahm wala ka pa din b-bang naalala D-dean?" pagbubukas ko ng usapan.

Napakatahimik kasi niya ngayon.

"Wala pa." maikling sagot niya.

"K-kumain ka na ba? Gust—"

"Busog pa ko." pagputol niya sa
sabihin ko.

"Dean, paano kung isang araw ay may pumunta ditong kamag anak mo o kaibigan at magsasabing kilala ka nila at nais ka na nilang kunin. Ano ang gagawin mo?" tanong ko.

"Sasama ka ba sa kanila?" tanong ko pa ng hindi siya sumagot.

"Of course, they are my family." sagot niya maya maya.

Hindi ko alam kung bakit parang nalungkot ako sa sinagot niya.

"Gano'n..." tanging nasabi ko.

Pareho na kaming natamik kaya parang ang awkward ng paligid hangang sa mapagdesisyunan kong iwan siya.

"Ah sige aalis na ko." sabi ko at tumayo.

Nagbilang ako ng tatlo pero kumunot ang noo ko ng hindi man lang ako pigilan ni Dean.

"Hindi mo ba ko pipigilan?" tanong ko.

"Why would I?"tanong niya naman.

Para naman akong napahiya kaya dali dali akong tumakbo paalis dun at pumasok sa kwarto ko.

Nang makita ko ang mga libro ko ay yinakap ko ito habang tumutulo ang aking luha.

Hindi ko din alam sa sarili ko kung bakit ako umiiyak pero gusto ko lang ilabas ang nararamdam ko.

Alam ko naman na balang araw ay aalis na talaga si Dean lalo na kapag siya ay nakaalala na.

Sa sobrang pag iyak ko ay hindi ko napansin na nakatulugan ko na ito habang yakap ng mahigpit ang mga libro.

Nagising lang ako sa katok sa pinto.

Ansakit ng mata ko kaya medyo natagalan bago ko pagbuksan ng pinto ang kung sinong kumakatok.

Nagulat pa ako ng si Dean ito at akmang kakatok pa ng siguro ay marinig niyang bumukas na ito.

Nahiya pa nga ako sa itsura ko nang maalala ko na hindi niya pala ako nakikita kaya medyo nabawasan ang kaba ko.

"B-bakit ka nandito?" tanong ko.

Bumuntong hininga siya bago magsalita.

"I just want to say sorry...I know you kinda hurt about what i said earlier." sabi niya.

"Ha? Bakit naman ako masasaktan dun e natural lang naman sumama ka sa TUNAY mong kadugo." sagot ko at pagak pang tumawa.

Pinagdiinan ko pa ang salitang tunay.

"Really..." sabi niya pa.

"Oo nga."

"So can i come in?" biglang sabi niya nang akala ko ay sasabihin niyang aalis na siya.

"Bakit? Ano gagawin mo dito?" kunot noo kong tanong.

"You said na babasahan mo ko ng mga books na binili ni tito right?" sabi niya kaya napakamot ako sa may tenga nang maalala.

"Ikaw nalang magbasa..." wala sa sariling sabi ko.

"Kung kaya pwede naman kaso..." sabi niya kaya nang marealize ko ang nasabi ko ay nanlalaki ang matang napatingin ako sa kaniya.

"S-sorry! Nakalimutan ko e hehe tara pasok ka na." sabi ko at inalalayan na siya papasok sa aking kwarto.

Pinaupo ko siya sa kama at nakita ko pa ang bahagyang may lukot sa libro na kanina ay yakap ko habang umiiyak.

"Anong gusto mong basahin ko?" tanong ko.

"Alamat ng A-ampeleya?" parang hindi pa siya siguro sa sinasabi niya.

"Alamat ng Ampalaya." pagtatama ko at kinuha na ang libro.

"Noong araw sa bayan ng Sariwa, naninirahan ang lahat ng uri ng gulay na may kanya-kanyang kagandahang taglay. Si Kalabasa na may kakaibang tamis, si Kamatis na may asim at malasutlang kutis, si Luya na may anghang, si Labanos na sobra ang kaputian, si Talong na may lilang balat, luntiang pisngi ni Mustasa, si Singkamas na may kakaibang lutong na taglay, si Sibuyas na manipis na balat, at si Patola na may gaspang na kaakit-akit." pagsisimula ko.

"Subalit may isang gulay na umusbong na kakaiba ang anyo, siya si Ampalaya na may maputlang maputlang kulay, at ang kanyang lasang taglay ay di maipaliwanag."

"Sa sususnod na makita niyo siya sa inyong pinggan ay subukan niyo siyang tikman at patawarin sa kanyang mga kasalanan."pagbabasa ko sa huling mga salita.

"Nagustuhan mo ba?"tanong ko at tumango naman siya.

Itutuloy.
❄️
Ctto po kay google na hiniraman ko kwento hehe, anyway kung gusto ninyo pong mabasa iyon ng buo ay ito ang link.

https://buklat.blogspot.com/2017/10/ang-alamat-ng-ampalaya.html?m=1

Favorite na favorite ko po yang alamat na yan, nung elem ako ay pinapahiram kami ng teacher namin ng ganyan libro at ang saya saya ko pag yung Alamat ng Ampalaya nakukuha ko.

Have a nice day everyone 😊🦋
Good morning ☀️

BS #3 Loving You Till LastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon