Chapter 3

1.5K 37 7
                                    

MAHIGIT ISANG LINGGO na dito nanunuluyan si Dean magmula nang mangyari ang aksidente.

Hanggang ngayon ay wala pa din siya maalala, maging ang pangalan niya.

Lagi ko din siyang kinakausap upang hindi naman siya malungkot lalo ngayon at wala naman siyang nakikita.

Sinabihan na din siya ni itay kung gusto niya bang magreport sa mga pulis upang masundo na siya ng kamag anak pero umayaw siya.

Ayon sa kaniya, hanggang wala daw siyang naalala ay hindi daw muna siya aalis dito.

Naintindihan naman siya ni itay kaya pumayag itong dumito muna siya hanggang sa makaaalala.

Ngayon ay inaayos ko ang higaan na tinutulugan ni Dean.

Wala siya ngayon dito sa lagi niyang pwesto dahil ipinasyal siya nila tiyo Bernard sa bundok.

Kaya naman naisipan kong linisin at ayusin ang kwartong hihigaan at tinutuluyan niya upang siya ay maging komportable habang naririto.

Nang matapos ko na ang lahat ng gawain ay naligo ako dail naglalagkit na ang aking pakiramdam.

Nag susuklay ako ng buhok nang marinig ko na ang boses nila tiyo.

Minadali ko na ang pagsusuklay,hindi naman sa pagiging sabik na makita si Dean.

"Oh, Lenlen mabuti at nandito ka lang. Kanina pa nagpapauwi itong si Dean ang kaso ay nagkausap pa kami ng kumpare ko sa sapa kaya medyo napatagal ang kwentuhan." sabi ni tiyo Bernard.

Inalalayan ko naman na lumakad papunta sa akin si Dean na nakahawak sa aking braso.

"Sige po tiyo, maraming salamat po sa pagpasyal kay Dean." sabi ko at umalis na ito kaya pumasok na kami sa silid na tinutuluyan niya.

"Napagod ka ba sa pagpasyal ninyo?"
tanong ko sa walang imik na Dean.

"Huy! Bakit di ka nagsasalita?" tanong ko,nagtataka.

"I'm just tired." maikling sabi niya at humiga sa kama.

Aalalayan ko pa nga dapat siya ng makahiga na siya agad.

"Ganun ba? Sige lalabas muna ako para laban ang ilang damit.
Magpahinga ka muna." sabi ko at akmang aalis na nang hawakan niya ang kamay ko.

"Don't leave me." sabi niya sa nakikiusap na boses.

"Ha? E diba pagod ka, edi bibigyan kita ng oras makapagpahinga kaya lalabas muna ako. Ano bang problema mo?"
tanong ko.

"I'm not used to being separated from you." mahinang sabi niya na rinig na rinig ko naman.

"Hala ka..." tanging nasabi ko.

Hindi kaya may gusto na siya sa akin?

"Aminin mo na nga! Crush mo na ba 'ko?" kapal mukhang tanong ko.

Bahagya siya tumawa na siyang nagpainit ng pisngi ko.

Nakakahiya!

"J-joke lang yun, pinapatawa lang kita." pambabawi ko pero malakas niya lang ako tinawanan.

"Kapag hindi ka tumigil sa kakatawa,
iiwan kita sige!" sabi ko na siyang nagpatigil sa kaniya sa pagtawa at biglang sumeryoso ang mukha.

"Hihinto din pala e." bulong ko.

Magsasalita sana siya ng marinig namin ang boses ni tatay.

"Lenlen!" sigaw nito.

Pumasok siya sa may silid at meron siyang bitbit na plastic na may lamang kung ano.

"Ano po yang dala ninyo?" tanong ko.

"Pumunta kasi ako kanina nang bayan at may nakalimutan akong bilhin nung isang araw dahil nakalimutan ko at ngayon ko lang naalala ang bibilin ko." sabi ni tatay at inilabas mula sa plastic ang simple pero magandang tsinelas na kulay itim.

"Salamat po Ti—Sir." sabi ni Dean.

"Tito nalang Dean." sabi ni tatay at tinapik ang balikat nito bago kami iwan.

"Ayan, may bago ka nang tsinelas. Ang galing ni tataya at alam niya ang sukat ng paa mo."sabi ko.

"Actually, tinanong niya ako kanina bago siya umalis." sabi niya ksya napatango tango ako.

Tinanong pala ni tatay akala ko ay nahulaan niya.

Nang magtanghalian ay sabay sabay kaming nanaghalian.

Pritong isda at pinakbet ang ulam namin.

"Gusto mo subuan nalang kita Dean?"
Inosenteng tanong ko sa lalaking katabi ko na nahihirapan kumain dahil nga hindi njya ito nakikita.

Narinig kong naubo ang mga kasabay naming kumain kaya napatingin ako sa mga ito.

Seryoso ang tingin ang ipinupukol sa akin ni tatay habang nang aasar na ngiti naman kila Erick at kila tiyo.

"May masama po ba sa sinabi ko?"
tanong ko.

"Wala naman hija." Sagot ni tatay at pinagpatuloy ang pagkain.

"Ako na ang magsusubo sayo Dean."
sabi ko at kumuha ng kanin at ulam at sinubo sa kaniya.

Sanay na sanay na akong magkamay dahil bata palang ako ay naturuan na ako ni itay.

Mas masarap daw kumain nang nakakamay kesa naka kutsara.

At napatunayan ko naman iyon.

Pero kapag may sabay ang ulam ay ginagamitan namin ito ng kutsara.

"Busog na ko." sabi ni Dean kaya itinigil ko na ang pagsusubo sa kaniya.

Hindi din naman ako nandidiri na ang kamay kong pinangsusubo sa kaniya ang ginamit ko.

Nang matapos kami ay kami ni Erick ang nagprisintang maghugas ng mga pinggan.

"Uy, ikaw ha. Type mo siguro si Dean noh?" tanong ni Erick sa akin.

"Ha? Anong type? Hindi ba pwedeng gusto ko lang siyang tulungan at makakain kaya sinubuan ko?" kunot noong tanong ko sa kaniya.

"Sus, daniy pa." sabi nito.

"Deny yun." pagtatama ko sa kaniya at ang bakla ay inirapan lang ako.

"Pareho lang yun!" sabi nito.

Nang matapos kaming maghugas ay umuwi muna si Erick sa bahay nila upang magpaganda daw.

Ako naman ay pinuntahan si Dean.

As usual at mag isa nanaman siya dito sa silid niya.

"Mag isa ka nanaman dito,hindi ka ba nalulungkot?" tanong ko at tumabi ng upo sa kaniya.

"Kahit naman nasa labas ako ay wala naman akong nakikita, mas mabuti nang magkulong nalang ako dito." sabi niya.

"Magmukmok kamo." sabi ko.

"Alam mo Dean, sabi ko naman sayo ay handa kitang tulungan sa lahat ng bagay basta kaya ko, hindi mo kailangan harapin ang problema ng mag isa. Nandito kaya ako,sila Erick, sila tatay." sabi ko pa.

"You don't get it." malungkot na sabi niya at tumingala.

"Hindi ko talaga maiintindihan kung hindi ka mag oopen up sa akin." sabi ko.

"Leave me alone." biglang sabi niya pero hindi ako nagpatinag.

"Mag sabi ka sa akin at tutu—"

"I said leave me alone!" sigaw niya kaya sa takot ko ay nagmamadali akong lumabas.

Itutuloy.
❄️
Hi!Tanong ko lang po. Kung may paborito kayong istorya na gawa ko, ano iyon?
Enjoy reading!

BS #3 Loving You Till LastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon