Chapter 35

1.2K 35 8
                                    

KINABUKASAN AY maaga akong bumangon dahil ngayon ang unang araw ng trabaho ko at ayokong mahuli.

Mabilis akong naligo at nagbihis, lumabas na din ako ng kwarto para magtimpla ng kape. Ayun nalang ang iinumin ko sa ngayon at baka doon nalang ako bibili ng makakain.

Pero nagulat ako ng nasa hapag na din si Griffin at nagkakape, katulad kahapon.

"Ang aga mo..." Pahayag ko.

"Good morning pala." Pahabol ko.

"Morning." paos na pagbati din niya, siguro ay kakagising niya lang talaga.

"Hindi ka kakain?" Tanong niya ng mapansing madalian akong nagtitimpla ng kape.

"Ah ano kasi ngayon ako magsisimula sa trabaho ko. Ayoko namang mahuli kaya baka dun nalang ako bumili." sagot ko.

"It's only 6 am in the morning. You should eat breakfast." saad naman niya.

"Hindi na nga, dun nalang ako bibili. 7:30 ang call time ko. Ayokong mahuli." Ulit ko.

Bumuntong hininga siya at tumayo.

"Fine." sabi niya at umalis sa hapag, nagkibit balikat nalang ako sa inasal niya.

Mabilisan kong inubos ang kape at lalabas na sana ng condo ng biglang humarang sa dadaan ko si Griffin.

Kunot noo ko siyang tinignan, nakaiwas ang tingin niya sa akin. Meron din siyang hawak na supot na siyang naamoy ko.

Pagkain.

"Uh, Nag-order ako ng pagkain. Marami ito hindi ko mauubos. Kaya sa iyo nalang ang iba." Nahihiya niyang sabi at binigay sa akin ang isang supot.

"Hala! Maraming Salamat ha, sige aalis na ko. Bye!" sabi ko nagmamadali na talagang umalis.

Sabi ni Griffin ay 6 palang pero nung tinignan ko ang orasan ay 7:05 na.

Nang makarating na ako sa lugar na aking pagtatrabahuhan ay binati ko muna si Manong Guard.

"Magandang umaga, manong!"

"Uy! Magandang umaga din sayo. Ang ganda ng ngiti natin ngayon ah." Bati sa akin ni Manong kaya napatawa nalang ako.

Sino ba naman kasing hindi kikiligin este ngingiti kung si Griffin ba naman ang magbibigay sayo ng pagkain.

"Sige na po, papasok na po ako." Natatawa kong sabi at pumasok na nga.

Nang nasa tamang floor na ako ay agad ko nang dinampot ang mga kagamitan sa paglilinis, siguro ay sa may Corridor muna ako magisismula.

Habang nagwawalis ay iniisip ko pa din ang pangyayaring binigyan ako ni Griffin ng Pagkain.

Napaka sweet mo talaga, Mahal ko!

Napahagikgik nalang ako sa iniisip.

Pero nawala iyon nang may paang humarang sa winawalisan ko kaya agad ko iyon tinignan, nagulat pa ako ng mamukhaan ito.

"Look, who's here!" Sabi niya sabay maarteng pagpalakpak sa kamay.

"A-angel."

"What did you say? You disrespectful janitress!" Galit niyang sabi at akmang susugod nang mapatigil kami sa narinig na mga papalapit na yabag.

"What's going on here?" Baritonong boses ng isang lalaki ang narinig ko kasunod 'nun ay pagsulpot ng isang gwapong lalaki. 

Na pamilyar sa akin.

"A-ashtein!" gulat na sabi ni Angel.

Tumingin lang sa kaniya ang pamilyar na lalaki pagkatapos ay muling tumingin sa akin habang nakakunot ang noo.

S-siya ang kuya ni Casimir! Ang lalaking sobrang sungit!

"I think nagkita na tayo?" hindi siguradong tanong niya habang nakaturo sa akin ang daliri.

"Oo. Yung sunog sa terminal ng bus."

"I knew it! So, janitress ka na pala dito? Nasaan na ang mayabang mong boyfriend?" tanong niya at pinasadahan ako ng tingin na siyang kinailangang ko.

"Kailangan ko pa bang sagutin iyan?"

Nag kibit balikat lang siya.

"You know, Ashtein. This girl doesn't deserve this job. You better fire this ugly taga bundok girl!" Biglang singit ni Angel.

Bigla tuloy ako kinabahan sa sinabi niya, hindi maayos ang pakikitungo sa akin ni Ashtein at baka sumunod ito sa gusto ng bruha este ni Angel.

"Mawalang galang na ho pero kakasimula ko pa lamang sa trabahong ito ayoko po ng gulo." agad na sabi ko.

"What's your name again?"

"Lenlen."

"Hmm, Lenlen. Do you know kung sino ang boss mo?" tanong ni Ashtein.

Dahan dahan naman akong umiling.

Malakas naman napatawa si Angel kaya iritadong tumingin sa kaniya si Ashtein kaya natahimik ito.

"I'm the boss here, Lenlen." saad niya.

"Ako ang may-ari ng pasilidad na tinatapakan mo."

"Also, may karapatan din siyang tangalin ka sa trabaho! Yung mga katulad mong taga bundok ay hindi nababagay dito! Mga basura!" Sabat nanaman ni Angel.

"Can you fucking shut your mouth?" Biglang sabi naman sa kaniya ni Ashtein at akmang magsasalita pa ito nang mapatigil dahil pinandilatan ito ng mata ni Ashtein.

"At saka ano bang problema mo sa mga kagaya niya? Paano naging basura ang mga naninirahan sa bundok. Can you explain it to us?" seryosong tanong ni Ashtein kay Angel.

"B-because... Just because this ugly girl ruin my moment with Griff!"

Tanginang dahilan yan.

"And? What else? Yun lang? Dahil doon ay lalaitin mo na ang mga katulad niya?"

"Alam mo, Angel. Wala kang karapatan na sabihan sila ng ganoong salita. Hindi mo ba alam kung gaano kasakit yon para sa kanila? Paano kung sayo ko iyon sabihin. Anong mararamdam mo? You know, Angel tigilan mo na ang pag gamit ng mga hindi magagandang salita sa ibang tao."

"What!? Are you freaking serious, Ash!? Mas kinakampihan mo pa ang babaeng to kesa sa akin na pinsan mo!?" hindi makapaniwalang saad ni Angel.

Pinsan pala. Pero hindi sila magkamukha ah.

Ampanget ni Angel este ng ugali.

Pero sabagay masungit naman tong si Ashtein.

"Yes i am. Can you please leave us alone, Angel?" Ngayon ay mahinahon na ang boses ni Ashtein na kinakausap ang pinsan niyang nag iinarte.

"Fine!" Pagkatapos ay inirapan muna ako nito bago kaming iwan dalawa ni Ashtein.

"I'm sorry sa inasal ng pinsan ko." napapahilot sa sentidong paghingi ng tawad ni Ashtein.

"Ayos lang. Salamat din dahil pinagtanggol mo ako, kami."

"No worries. Anyways, pwede vang ikaw nalang ang maglinis ng office ko? It's on 4th floor. May taga linis naman ako kaso hindi ko gusto ang paraan ng paglilinis niya. May naiiwan pa kasing dumi."

"Oo naman, s-sir."

"Good. Go back to work now. Sisiguraduhin kong hindi ka na muli pang guguluhin ni Angel." Pagkatapos niyang sabihin iyon ay umalis na siya.

Napabuntong hininga naman ako habang iniisip na hindi ako ngayon sinungitan ni Ashtein.

Isang himala.

Itutuloy.
❄️
Compilation or One by one ng one shot stories? Choose.

Saka pasensya na po ha. Hindi talaga ako marunong gumawa ng eksena na kung paano sila magkakahulugan sa isa't isa. Kaya po kung ayaw ninyo ng ganon ay ayos lang :> piliin ninyo po ang ikakasaya ninyo hindi ikaka stress.🤘

BS #3 Loving You Till LastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon