Chapter 39

1.4K 37 15
                                    

PAGKATAPOS NG umiyak kanina ni Kierol ay nagpaalam na din akong umalis dahil inaalala ko si Casimir na baka ito ay umiiyak na.

Naintindihan naman ni Kierol kahit medyo may iritasyon sa mukha niya ng sabihin ko na kay Griffin ako nakikitira.

Nag offer pa nga siya na kahit hindi na kami ay pwede pa naman din daw akong tumira sa condo niya pero nagpasalamat nalang ako at tinanggihan ito para kasing ang hirap lalo naalala ko lang ang mga masasakit na alala sa condo niya.

Pinayuhan ko din siyang kausapin si Jessica at alamin kung sa kaniya ba talaga ang bata, pumayag naman siya at sinabing bukas na bukas din ay pupuntahan niya ito.

Pagkatadating ko sa penthouse ni Ashtein ay sa labas palang ay rinig ko na ang iyak ni Casimir.

Sabi na nga ba't iiyak ang bata! Napakatigas kasi ng ulo mo, Lenlen!

Agad ko nang binuksan ang pinto at sya namang saktong pagtingin sa akin ni Casimir. Agad itong tumakbo sa direksyon ko at kita ko sa mga mukha ng dalawang lalaki ang ginahawa.

"Mommy ko!" Yakap sa akin ni Casimir.

"Finally, dumating ka na din. Kanina pa iyak ng iyak yan si Cas, sinabi ko namang hindi mo siya iniwan pero hindi naman naniniwala sa akin at nagwawala pa. Even kuya Griffin don't know what to do just to make Cas stop from crying." Saad ni Ashtein kaya tumingin ako sa kaniya na parang humihingi ng tawad.

Pagkatapos ay hinawakan ko ang mukha ni Casimir na puno ng luha at pinunasan ito, lumuhod din ako para magkapantay kami.

"Casimir, why are you still crying? Umalis lang naman ako saglit para bisitahin ang isa kong kaibigan." Saad ko.

"B-because i thought you left me and you will never comeback as what tita Angel said." Sumisinok sinok pa ito kaya binigyan ito ng tubig no Ashtein.

"What? Si Angel ang nagsabi sayo na hindi na babalik si Lenlen?" Kunot noong tanong ni Ashtein habang nasa tabi niya ang kanina pang tahimik na si Griffin.

"Yes po, Kuya. Also, Tita Angel said that mommy really doesn't love me and just using me to get closer with tito Griffin. Is tita Angel bad?" Inosenteng tanong ng bata.

Kita kong Napakuyom ang mga kamao ni Griffin sa pahayag ng bata.

"Don't believe her, Casimir. That woman is crazy." Sabat ni Griffin at pumasok sa isang kwarto.

"Right, just don't mind Angel." Sabi naman ni Ashtein at ginulo pa ang buhok ni Casimir na muling niyakap ako.

"Buti hindi ka naniwala sa kaniya?" Tanong ko maya maya ng umalis na ang dalawang lalaki at kami nalang ang natira ni Casimir.

"Ofcourse you are my mommy and sayo, kuya Ash, and tito Griffin lang po ako maniniwala." Bibong sagot nito at matunog pa akong hinalikan sa pisngi na siyang ikina ngiti ko.

"Sya nga pala, nasaan si Angel?"

"Tita Angel leave after she told me lies." Sagot nito.

Tumango ako.

Kinagabihan ay maaga kong napatulog si Casimir kaya naman balak kong kausapin si Griffin ukol sa hindi namin pagkakaunawaan kanina.

Kumatok ako sa kwarto niya at hindi din naman nagtagal ay nawala ang lock nito kaya ko nabuksan.

Iginala ko ang mata ko upang hanapin si Griffin nang may marinig akong mga yabag sa aking likuran.

Nakita ko ang tanging twalya lang ang nakatakip sa kaniya habang ang ilang butil ng tubig ay tumutulo mula sa buhok niya pababa sa dibdib.

Deja vu.

Parang nangyari na ito.

"Griffin." Pinilit kong hindi mautal at napagtagumpayan ko naman.

"What is it?"

"Gusto ko lang huminga ng tawad sa sagutan natin kanina. At sana ay naiintindihan mo ako, hindi kasi biro ang pinaliwanag sa akin ni Kier—"

"Hindi mo naman kailangan huminga ng tawad para lang dun. You see I don't care kung ano pang gagawin mo. Tutal ay ayaw mo naman makinig sa akin edi hindi nalang kita papakialaman sa mga desisyon mo." Malamig na saad niya na nagpakirot sa dibdib ko.

"Griffin wag naman ganito."

"Leave."

"Griffin!"

"I said leave."

Pagkatapos ay kinuha niya ang braso ko at marahan akong hinila papunta sa pinto.

"Griffin! Nirape si Kierol!" Malakas kong sabi kaya agad na napatigil si Griffin at kunot noong tinignan ako.

"What do you mean? Hindi ba't sabi mo ay niloko ka niya?"

"Hindi niya iyon ginusto... Biktima lang din siya ng babaeng yon. Griffin, nangyari nanaman kay Kierol ang pangyayaring dati na niyang kinakatakutan." Sabi ko.

"Anong pangalan ng babae?"

"Jessica."

"Akong bahala." Tanging sinabi niya.

Kinabukasan ay nag yaya si Casimir na mamasyal pero kaming tatlo lang nila Griffin dahil hindi makakasama si Ashtein dahil na din sa trabaho nito.

At tungkol naman sa trabaho ko ay ayos lang na hindi ako pumasok dahil sila Griffin at Ashtein din nan ang namamahala dun.

At si Casimir din naman ang nag request na kami ay mamasyal. Si Casimir din ang magmamana ng kompanyang iyon paglaki niya.

"Saan mo gusto unang pumunta, Cas?" Tanong ni Griffin kay Casimir habang nagmamaneho.

"I want to go to the mall, tito! I will buy a lot of candies and i will share it to other kids!" Bibong sagot nito kaya napangiti ako maging si Griffin.

Tulad nang sinabi ni Casimir ay madami nga siyang biniling candies and chocolates. Hindi ko naman alam kung sinong kids ang tinutukoy niya.

Pagkatapos bumili ng sandamakmak na candies ay nagyaya naman si Casimir na mag arcade.

Tuwang tuwa ito sa mga laro doon at ngayon ay nandito naman kami sa basketball na laruan dahil dito ang tinuro ni Casimir.

Pero dahil nga hindi pa naman abot iyon ng bata ay si Griffin na ang naglaro at todo cheer lang si Casimir dito.

"Go! Tito! You can do it!" Tuwang tuwang pag cheer nito at si Griffin naman ay mukhang mahusay din sa pag shoot ng bola dahil wala pa itong palya sa pag shoot.

Tuwang tuwa si Casimir nang manalo si Griffin at humirit pa ito ng isang round.

Ako naman ang gusto niyang maglaro at ending ay nakakailang bato na ako pero wala naman na shoshoot kaya nagulat ako ng pumuwesto sa likuran ko si Griffin at inilapit ang bibig niya sa tenga ko habang hawak ang kamay komg may hawak na bola.

"I will teach you." Bulong niya na nagpalunok sa akin.

Nakahawak ang kamay niya sa kamay kong hawak ang bola pagkatapos ay itinaas niya ito at binato sa may ring at nanlaki ang mata ko ng na shoot nga ito.

Inulit ulit pa namin yun hanggang sa ako nalang ang mag-isa at hindi ko an din namalayan na ang kaninang kamay ni Griffin ay ngayon ay nakahawak na sa may bewang ko.

"That's it, baby." Muli niyang bulong.

Itutuloy.
❄️
Epilogue next!

BS #3 Loving You Till LastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon