Chapter 4

1.3K 38 17
                                    

TATLONG ARAW na kaming hindi nagkikibuan ni Dean magmula nang sigawan niya ako.

Kapag nagkakalapit kami ay agad ko siyang iiwasan at kapag naririnig niya ang pangalan ko na binaggit ni tatay ay hindi na siya nagsasalita.

"Uy, Lenlen LQ ba kayo ni Dean at pansin kong di kayo nag uusap?"
tanong ni Erick at nginuso pa si Dean na nakaupo medyo malapit sa amin.

"Kung ayaw akong kausapin, ba't ko pipilitin?"mataray kong tanong at humalukipkip.

"Ay be hindi ako ang kaaway mo nagtanong lang naman ako ba't mo ko iniirapan?" natatawang tanong ni bakla.

"Huwag mo nga kong kausapin at busy ako." sabi ko at itinuloy ang pagbabasa ng libro na binili sakin ni itay sa bayan.

"Lenlen anak! Tawag ka ni Dean!"
sigaw ni tatay kaya nahinto ang pagbabasa ko.

"Uy tawag ka daw ng labidabs mo." at tumawa pa si Erick. Inis na tumayo ako at lumapit sa kanila.

"Bakit po, Tay?" tanong ko kahit na sinabi niyang si Dean ang may kailangan sa akin.

"Gusto ka daw makausap nitong si Dean,o h sya sige maiwan ko muna kayo at nang makapagusap kayo nang maayos." sabi nito at iniwan kami.

Humalukipkip ako na akala mo naman ay makikita niya.

"I just wanna say sorry for shouting to you last night..." sabi niya.

"I-i know you just want to help me,but instead na pakinggan kita ay nasigawan pa kita." sabi nito sa malumanay na tono.

"Yun lang ba ang sasabihin mo?Nagbabasa kasi ako e. Kung wala na aalis na ako." sabi ko sabay talikod pero hindi pa ako nakakahakbang nang hawakan niya ang braso.

Inis na tinanggal ko ito pero hindi naman natanggal ang hawak niya sa braso ko.

"Hindi pa tayo tapos mag usap."
ngayon ay ginamit niya ang seryoso niyang tono.

"Sinabing nagbabas-"

"Mas importante ba yan kesa sa akin?"pagpapatigil niya sa sasabihin ko.

Hindi ako nakasagot.

"Look, Gusto kong magkaayos tapos dahil hindi ako sanay na hindi mo ako kinakausap pero imbis na makisama ka ay gumagawa ka lang ng paraan upang mas lumaki pa lalo ang away natin."

"Kinsley, Please bati na tayo."
nakikiusap ang mga mata niya habang nakatingin sa akin.

Hindi ko alam kung anong mahika ba ang ginawa niya at napatango tango ako.

Ang cute niya kasi!

Pero walang pinagbago ang itsura niya nang maalala konh hindi pala niya ako nakikita.

"S-sige na nga." Saad ko.

Bahagya naman siyang napatawa sa sinabi ko at nagulat ako ng hilahin niya ako para sa isang mahigpit na yakap.

"I miss you." mahinang sabi niya na nagpakabog ng dibdib ko.

"Hindi naman tayo nagkahiwalay ah." Sabi ko.

"Silly." sabi niya na natatawa bago umalis sa pagkakayakap.

"Ano nga pala ang binabasa mo?"
tanong niya.

"Ah! Wattpad ata 'to, Dalawa kasi ang binili ni tatay na libro at ito ang napili kong unang basahin." sagot ko.

"Really? What's the title?" tanong niya.

Sinabi ko naman ang pamagat ng istoryang aking binabasa.

"Maganda ba?" tanong niya.

"Oo! ang gwapo gwapo nung bidang lalaki sa imagination ko!" sabay tawa ko.

Kumunot naman ang noo niya.

"A guy?" tanong niya.

"Oo." Sagot ko.

"Tss, admiring a fictional character?" kunot noo niyang tanong.

"Bakit? May masama ba? Atleast napapasaya nila kami hindi tulad ng mga totoong lalaki." mayabang kong sagot dito.

Wala naman siyang sinabi kaya napatingin ako sa kaniya,kunot noo lang ito at pansin kong gumagalaw ang lang na parang galit.

Mahigpit din ang kapit nito sa pantalong suot.

"Uy! Ano na di ka na nagsalita jan."
puna ko sa kaniya.

"It's nothing... Anyway kumain ka na ng tanghalian?" tanong niya.

"Hindi pa, hindi pa kasi luto ang ulam kaya nagbabasa basa muna ko." sabi ko.

"What's the ulam?"

"Adobong kangkong. Kumakain ka ba nun?" tanong ko.

"W-what? kang- a what?" nalilitong tanong naman niya.

"Kangkong, gulay inadobo."sagot ko.

"Vegetable?"

"Oo nga ulit ulit ka naman e." inis kong sagot sa kaniya.

"Gusto mo bang basahin ko nalang ng malakas tong libro para naman maintindihan mo kung bakit gustong gusto ko nang mga gantong lalaki."

"Anak! Lenlen halina kayo dito ni Dean at luto na ang ulam!" sigaw ni tatay kaya hindi natuloy ni Dean ang sasabihin niya.

"Kakain na pala, mamaya nalang tayo magbasa.Halika na." sabi ko at inalalayan siyang tumayo.

Nang makapwesto na kami ay binigyan ni tatay si Dean ng kutsara at nilagay iyon sa kamay nito.

Mabagal lang siyang kumakain at tila nilalasahan talaga ang lasa nito.

"Masarap ba Dean?" tanong ni tatay kaya medyo nagulat siya.

"Y-yes." sagot niya at naubo kaya binigyan ko siya ng tubig.

Ako na ang humawak nang baso at uminom na siya dun.

Nang matapos na kami sa pagkain ay napansin ko ang pinggan ni Dean na kaunti lang ang nabawas.

Umalis na sa hapag sila tatay dahil may importante daw itong gagawin.

"Dean, hindi mo ba gusto ang ulam?" tanong ko sa kaniya.

"A-actually yes..." ramdam ko pa ang hiya niya habang sinasabi iyon.

"Ganun ba? Sige ikukuha nalang kitang tinapay, ako na ang uubos sa pagkain mo." sabi ko at inusog ang pinggan niya sa akin.

Nang maubos ko na ito ay nilagay ko na sa timba na kung nasaan ang mga hugasin ang pinagkainan at mamaya nalang huhugasan.

Bibigyan ko muna ng tinapay itong si Dean at hindi pwedeng maguton siya.

"Ito kumain ka na." binigay ko na ang tinay sa kaniya at kumain na siya.

Iniwan ko muna siya para hugasan ang nga pinagkainan namin.

Habang naghuhugas ako ng plato ay nakarinig ako ng kalabog mula sa silid ni Dean.

Dali dali kong hinugasan ang kamay ko at nagmamadaling puntahan siya.

Ang mga kapit bahay namin ay mga nakikiintriga din at pasilip silip sa mga nangyayari sa loob.

"Tabi po, makikiraan po."

Pagkapasok ko ay nadatnan si Dean na naka dapang higa semento at nakita ko pa ang dumudugo nitong tuhod.

"Dean! Anong nangyari!?" tanong ko at dali dali siyang tinulungan makatayo.

Itutuloy.
❄️
Yes, Nagbabasa po ako ng stories ni Queen J and isa sa favorite book ko is sila Sunny and Rage, favorite author din:p
PS lang din po kung may magtanong man kung paanong nakabili sa bayan ang tatay ni Lenlen ng ganung libro e sa dito nga sa maynila ay ubusan,malalaman ninyo po iyon sa mga susunod sa chapter kung ano ang totoong trabaho ng tatay niya:)
Paglilinaw lang din po na dalawa ang biniling libro kay Lenlen hehe,muntim ko nang di malagay.

HI! I EDIT THIS PART BECAUSE IPAPASA KO DIN ITO SA IBANG WRITING PLATFORM HEHE.

BS #3 Loving You Till LastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon