Chapter 16

1.1K 35 12
                                    

"TUMIGIL NA nga kayo!" inis kong sabi at pinaghiwalay sila, masama pa din ang tinginan nila sa isa't isa samatalang si Damien ay parang batang inosente kung makatingin sa kanila.

"I'm sorry Len, masyado kasing mayabang itong batang to. Akala mo naman ay kaya ako."

Napapikit nalang ako sa inis nang magsalita pa si Kierol.

"Kierol naman e, kailan ba kayo magkakasundo?" tanong ko.

Dati pa man ay hindi na talaga sila nagkakasundo kaya sumasakit ang ulo ko sa kanila kapag nandito sila pareho.

"N-nag-aaway kayo?" biglang sabat ni Damien na parang bata kung magtanong.

Bahagyang napatawa si Erick pero siniko ko siya kaya naman nanahimik nalang.

"Obvious ba?" Pilosopong tanong ni Kierol.

"Tama na sabi e." saad ko.

"Kung magiging ganyan lang kayo, mabuti pa ay magsiuwi nalang kayo pare pareho. Ayoko ng gulo." pinal na sabi ko.

Pagkatapos ko iyon sabihin ay pumasok na ako sa bahay at hindi na sila inintindi.

Kung gaganyan gaganyan lang sila at mag aaway ay mabuti pang wala nalang ako kausapin sa kanila.

"Taray mo girl! Biruin mo tatlong lalaki ang nag aagawan sa atensyon mo, Wow! Dinaig mo pa si Rapunzel sa haba ng hair e." hindi ko napansin na sumunod pala sakin si Erick.

"Sino naman yun?" Kunot noo kong tanong sa kaniya.

"Kambal ko." sabi niya na syang tinanguan ko nalang kahit alam kong nagbibiro lang siya, wala naman siyang kapatid.

Kinabukasan ay nandito muli sila Diego at Damien.

Katulad din kahapon ay masama pa din ang tingin sa kanila ni Kierol pero hindi na ito nagsalita.

Natakot sigurong paalisin ko siya.

"Tulungan na kita diyan, Len." Pagkukusang loob ni Damien nang makita niya akong buhat ang limang pinggan.

Mag aalmusal na kasi kami at ngayon ay sinangag ang aming kakainin.

Nginitian ko naman siya at ibibigay na sana sa kaniya ang mga pinggan upang kuhain ko naman ang mga baso nang may kamay ang naunang kumuha sa kaniya nun.

Kunot noong napatingin ako sa epal.

Sumama ang tingin ko ng nakangiting si Kierol pala ang kumuha.

"Ako nalang Len, sa tingin ko ay mas nararapat na umupo nalang si Damien at ako nalang ang tutulong sayo." sabi nito.

"Kaya ko naman siyang tulungan..." Pahina nang pahina ang tinig ni Damien lalo na ng matalim siyang tignan ni Kierol.

"Umupo ka nalang doon." madiing wika ni Kierol at sa tingin ko ay natakot doon si Damien kaya naman tumingin muna ito sakin bago umalis sa aming harapan.

Nang makaalis na si Damien ay malaki ang ngiti ni Kierol na tumingin sa akin pero inirapan ko lang siya.

Limang buwan na ang nakalipas at halos anim na buwan na din simula ng iwan—umalis si Dean o mas tamang tawaging Griffin.

Hindi ko itinatanggi na namimiss ko na siya, ang lagi kong pag akay sa kaniya papunta sa kaniyang paboritong pwesto, ang pagsasabay namin kumain, ang mga kuwentuhan bago matulog at shempre ang lambigan.

Minsan ay inihiling ko na sana ay makita ko siyang muli ngunit alam ko naman sa sarili kong napaka imposible ng ganung bagay.

Kaya mas pinili ko na lamang ibaon ang aking nararamdam sa limot.

"Anak? Papasok na ako ha." tinig ni tatay mula sa labas ng aking silid at pagtingin ko ay nakapasok na siya.

"May gusto sana akong mahalagang sasabihin sayo anak." sabi niya.

Pansin ko ang seryoso nitong mukha habang nakatingin sa akin.

"Hindi ito sapilitan, gusto ko lamang itanong kung gusto mo bang sumama sa amin ng iyong mga tiyo papuntang Maynila?" tanong niya.

Hindi ko alam pero biglang lumundag at sumaya ang aking buong katawan sa narinig.

May pagkakataon ka nang makita si Dean!

Sigaw ng isang bahagi ng isip ko.

"B-bakit po?" imbis ay tanong ko.

Bumuntong hininga si itay bago sumagot sa akin, hinaplos haplos niya ang ulo ko at ginulo ang buhok.

"Alam kong matagal mo nang gustong makapasyal sa ibang lugar, lalo na sa Maynila. At ngayon nga ay napagpasyahan kong pagbigyan ka. Napaka masunurin mo sa akin at wala ka naman ginawang mali at alam kong nararapat mo na siyang makita." sagot ni itay.

"Sino po 'siya'?"  Nalilito kong tanong.

"Malalaman mo din anak kapag sumama ka. Kaya naman ano ang iyong desisyon?" tanong niya na.

Kinakabahan ako at hindi malaman kung ano ang isasagot.

Kapag umoo ako ay malalaman ko kung sino ang tinutukoy ni itay, kapag naman humindi ako ay maaaring pang habang buhay na ako dito sa bundok at hindi ko pa makikila ang sinasabi ni itay.

Bumuntong hininga ako bago sabihin ang aking desisyon.

"Sasama po ako tay." buong loob kong sagot na siyang nagpangiti kay itay.

"Mabuti kung ganun, o siya bukas na bukas din ay ayusin mo na ang iyong mga gamit. Kahit kaunti lang. Good night anak." sabi ni itay at hinalikan ako sa noo bago tumayo at lumabas.

Nang makalabas si itay ay tinatanong ko ang sarili ko kung tama nga ba ang naging desisyon ko.

Sana ay hindi ako magsisi.

Naghanda na ako bago matulog, nagdasal na ako at pinikit ang mata.

Kinabukasan ay sabik ko nang hinanda ang aking mga damit, tulad ng sinabi ni itay ay kaunti lang ang dinala ko.

Paniguradong hindi kami magtatagal doon.

Nang masiayos ko na ang aking mga gamit ay lumabas na ako ng silid at nakita ko ang malungkot na mukha ni Erick.

Kasama niya sila Diego at Damien na pareho ding malungkot maliban sa nakangiting si Kierol bitbit din ang gamit niya.

Nang malaman niya kasing luluwas kami ng Maynila at kasama ako ay agad siyang nagprisintang sumagot ng pamasahe at sumama sa amin.

"Girl! Mamimiss kita! Yung pasalubong ko ha, saka tignan mo din ang bawat puno, semento, gusali na makikita mo doon at ikuwento mo sa akin pag-uwi mo." sabi ni Erick habang nakayakap sa akin.

Bahagya naman akong napatawa.

"Ito naman, hindi naman kami magtatagal dun diba tay?" paninigurado kong tanong kay itay pero umiwas lang ito ng tingin, hindi ko na lamang iyon pinansin at kila Diego at Damien naman nagpaalam.

Itutuloy.
❄️
Namiss ko kayo! Grabe isang linggo din ata akong di nakapag update dahil sa dami ng dapat kong ipasa at wala din akong maisip. Anyway may bago po akong story at nung Tuesday ko pa po napublished, one shot story po.
Hope you can give it a try yun lang Salamat!

Magandang gabi sa lahat 🤍

BS #3 Loving You Till LastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon