Chapter 8

1.2K 35 5
                                    

TINUTULUNGAN kong mag ayos ng mga damit na ilalagay sa bag si tatay, aalis kasi sila ngayon kasama sila tiyo Bernard at pupuntang Maynila.

Hindi naman ito ang unang pagpunta nila sa Maynila pero bibihira lamang silang pumunta doon.

"Tay, mag-iingat ka dun ha, kayo nila tiyo. Wag ninyo pong papalipasin ang gutom niyo,pagpagod na kayo magpahinga po ha." bilin ko kay tatay nang maiayos ko na ang kaniyang mga dadalhin.

"Anak naman, isang linggo lang naman ako dun at babalik din, ano nga pala ang gusto mong pasalubong?" tanong nito.

"Kahit wala na po basta ligtas kayong makauwi. "sabi ko.

Natawa naman si tatay at ginulo ang buhok ko.

"Sus, di bale kapag may nakita akong libro dun ay bibilin ko para sayo." sabi ni itay at hinalikan ang noo ko,
niyakap ko naman siya.

Hinatid namin sila tatay at kumaway ako ng tunalikod na sila para maglakad papunta sa may bayan para makasakay ng tricycle.

Malungkot akong bumalik sa bahay, pumunta ako sa may likod bahay na siyang lagi kong tinatambayan pag nakararamdam ako ng lungkot.

Andun din pala si Dean pero hindi ko siya kinausap.

Basta nalang ako naupo sa tabi niya at alam kong naramdaman na niya ang presenya ko.

Maya maya ay nagsalita siya.

"I dreamed about that girl again." sabi niya kaya napalingon ako sa kaniya.

"The same girl i told you last time."
dagdag pa niya, hindi naman ako nagsalita.

"In my dream, I am so in love to her."
sabi niya kaya naman hindi ko na napigilang magsalita.

"Mahal mo pa ba siya?" tanong ko.

"I don't know..." sagot niya na nagpakirot sa aking puso.

He's still inlove to that woman.

"K-kaya dapat makaalala ka na para mabalikan mo na siya,m-malay mo may anak na pala kayo." sabi ko kahit na parang pinipiga ang puso ko habang sinasabi iyon.

"I'm trying." sagot naman niya.

Napapikit ako at pilit na itinatanggi sa sariling nasasaktan.

Hindi pwedeng gusto ko na agad siya,hindi lalo na ngayong unti unti na siyang nakakaalala.

"Maalala mo din siya." sabi ko.

"Sa tingin mo,ano ang maaring ginagawa ko dito sa lugar ninyo?"
tanong niya maya maya.

"Hindi ko alam." tanging nasabi ko.

Totoo yon, hindi ko naman talaga alam kung ano ba ang gagawin niya dito basta ay nakita lang namin siyang naghihingalo na ang kotse.

"Kaya nga sa tingin mo e." ramdam ko na ang inis sa tono niya kaya medyo napahagikgik ako.

"Sa tingin ko ay may hinahanap ka, ayy meron nga pala akong nakapa sayong papel!"biglang sabi ko nang maalaa ang papel.

"A Paper? Where?" tanong din niya.

"Teka, hindi ko maalala kung san ko nalagay."sabi ko at napakamot sa ulo.

Kita ko namang napapikit siya at napahilot sa sentido.

"Pero wag kang mag alala naaalala ko pa naman yung nakalagay dun. Tatlong letra lang naman."sabi ko kaya kita kong bahagya siyang nabuhayan.

"What is it?" tanong niya.

"AKM." sagot ko.

"Akm, Ugh wala kong maalala." inis niyang sinabunutan ang sarili.

"Alam mo feeling ko tao yun." sabi ko.

"I'm thinking about that too." sagot niya.

Kinabukasan ay maaga akong kinatok sa kwarto ni Erick dahil may bisita daw na dumating.

"Nandito ba ulit si Kierol?" inaantok kong tanong kay Erick pero wala akong nakuhang sagot.

Nagulat nalang ako ng may biglang yumakap sa akin mula sa likod.

Sisigaw na sana ako ng maamoy ko ang kaniyang pamilyar na amoy.

"D-diego!" sigaw ko at agad na humarap sa kaniya upang yakapin siya ng mahigpit.

Si Diego ay kababata ko at umalis siya nung isang taon upang mag aral sa Maynila.

Matalik ko din siyang kaibigan ang totoo niyan ay tatlo talaga kami nila Erick ang palaging magkakasama nang highschool.

"Antagal mo ding nawala ha." may tampo sa aking tono.

"Sorry, naging busy lang alam mo naman mas mahirap na ngayon collage na." sagot niya at hinalikan ang tungki ng ilong ko na lagi niyang ginagawa.

"Na miss mo ba ko?" tanong niya.

"Oo naman." sagot ko at muling yumakap sa kaniya.

"Aba, aba kung magyakapan naman kayong dalawa parang wala ako sa harapan ninyo ha." biglang sabi ni Erick na nandito pa pala kaya umalis na ako sa pagkakayakap.

"Hindi naman halatang namiss ninyo ang isa't isa." dagdag pa ni Erick.

Natawa naman sa kaniya si Diego at lumakad papalapit dito at niyakap din siya.

"Bakit sakin yakap lang? Bakit kay lenlen may halik sa ilong?" reklamo niya ng kumalas sa pagkakayap si Diego.

Muli itong napatawa.

"Lenlen is special." sagot niya kaya naman bigla kong naramdaman ang pagpula ng pisngi ko.

"Uyy, may isa diyang kinikilig." tudyo pa ni Erick kaya lalo akong nagtago sa likod ni Diego.

"Don't be shy Len." natatawang sabi ni Diego kaya inis na hinampas ko ang balikat niya pero ako pa din ang nasaktan.

"Nasan nga pala si tito?" tanong maya maya ni Diego.

"Umalis sila tatay kahapon para pumuntang Maynila, ewan ko lang kung anong trabaho ang gagawin nila dun." sagot ko.

Kita kong biglang nagseryoso si Diego kaya napakunot ang noo ko.

"Bakit?" tanong ko.

"Wala naman." sagot niya.

"Lenlen! Tawag ka ni Dean!" sigaw ni Erick mula sa loob ng bahay.

Napakunot ang noo ni Diego nang tumayo ako,sumunod naman siya sa akin.

"Bakit Dean?" tanong ko kay Dean pagkapasok sa silid niya,nasa likod ko sila Erick at Diego.

"N-naalala ko na ang mga magulang ko..."s abi niya kaya dali dali akong lumapit sa kaniya.

"Ano pang naalala mo?" tanong ko at hinawakan ang kamay niya.

"I dreamed about five mens and I am  one of them." sagot niya.

"I-i think they are my friends." sabi niya.

"Sino siya Lenlen?" biglang tanong ni Diego kaya napasarado ang bibig ko na may sasabihin sana.

"Who's that?" tanong naman ni Dean.

"Ikaw, sino ka ba?" tanong naman din si Diego ulit.

"Hep hep! Wag kayong mag away di naman ganun kagandahan ito e." sabi ni Erick at hinawakan ang mukha ko.

Tinampal ko naman ang kamay niya at tatawa tawa naman siyang umalis sa tabi ko.

Itutuloy.
❄️
Kumusta kayo?
Meet Diego the another.......

BS #3 Loving You Till LastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon