#BEChapter2

39.6K 753 88
                                    

Ilang gabi akong hindi pumasok dahil ang laki ng nakuha kong pera mula sa bidding. Ilang araw din akong mabubuhay sa perang 'yon; at para makapagpahinga naman ang pechay baguio ko. Kapag malaki talaga ang tip na nakukuha namin, pinapayagan din kaming magpahinga para hindi naman kami laging puyat.

S'yempre kailangan namin ma-maintain ang freshness ng balat namin. Iyong mukha at katawan namin ang puhunan namin kaya dapat mapanatili namin itong sariwa sa paningin ng aming mga kliyente. The more na maayos at maganda ka, mas marami ang pipili sa'yo, mas dadami ang pera mo.

Sagana rin kami sa vitamins. Hindi kami pinapabayaan ng management. S'yempre malaki rin naman kinikita ng management kaya dapat maalagaan din nila kami. Kaya halos makikinis kaming mga escort girls na akala mo ay lumaki sa de-aircon na bahay. Kami iyong mga nasa laylayan na napag-mukha nilang high-class talaga. 

Saka nagsimula na kasi si Alyssa sa KAPEPRINCE, kaya okay din itong wala akong pasok para mabantayan ko rin si Uno. Kailangan ko munang magpa-ulirang tita sa pamangkin ko. Buti na lang na pang-umaga ang pasok ni Alyssa para salitan lang kami sa pag-aalaga kay Uno. 

Puro si Uno lang ang ka-bonding ko. Tinuturuan ko siya paano magsulat. "Hindi ganyan 'yong malaking A." Sita ko sa kanya kasi patusok 'yong ulo nung A niya. "Dapat may curve 'yong ulo ng A. Iyong parang hugis ng ulo." Hindi ko lang matuloy na hugis ng ulo ng titi.

Nagsalubong naman ang kilay niya habang titig sa kanyang papel. "Hindi naman po gan'on turo sa amin tita, e."

Hanggang ngayon, kapag tinititigan ko si Uno, hindi ko maiwasang hindi isipin na related talaga siya kay Eliot Villavicencio. Biruin mo, pwedeng maging anak mayaman si Uno. Kung makikilala lang siya ng papa niya, for sure, malalayo siya sa hirap ng buhay. Lahat ng gusto niya ay kayang ibigay sa kanya.

"Hindi marunong ang titser mo." Virgin siguro 'yon kaya patusok ang turo.

Nagkibit-balikat na lang si Uno at nagpatuloy sa pagsusulat niya. 

Patuloy ko pa ring tinititigan si Uno. Base sa kwento ni Alyssa, ang gumalaw sa kanya n'ong bachelor party ay ang mismong groom. Kung magkita ulit kami ni Vicencio, mag-survey ako kung ilang beses na siyang muntik ikasal. Mukhang babaero kasi si gago.

Kung siya man ang ama, dapat malaman niya at panagutan niya si Uno! Ang bait-bait kayang bata ni Uno. Paniguradong magugustuhan niya si Uno. S'yempre hindi naman kami umaasa na panagutan din niya si Alyssa dahil wala naman silang relasyon, pero iyong maging present lang siya kay Uno ay okay na. Mas maganda pa rin kasing lumalaki si Uno na may amang nakagisnan.

"Uno," Tawag ko sa kanya kaya napatingin siya ulit sa akin. Nginitian ko naman siya. "Ano'ng gusto mong maging sa paglaki mo?"

Napanguso pa siya sabay tingin sa itaas na parang inisip ang tanong ko. Muli naman niya akong tinignan. "Gusto ko pong tumira sa mall, tita! Daming damit, pagkain po d'on lagi, e!"

Natawa naman ako sa kanya. "Hindi tayo apo ni Henry Sy, Uno. Wala tayong mall. Kaya dapat mag-aral ka ng mabuti. So, ano'ng gusto mong work mo kapag malaki na ikaw?"

Tumango-tango naman siya. "Gusto ko pong maging apo ni Henry Sy para may mall na po ako."

Naubo naman ako sa sinagot niya. "Sige, Uno. Libre naman ang mangarap."

Nagluto na lang ako para makapag-pananghalian na kami. Habang nagluluto ay patuloy pa rin si Uno sa pag-praktis sa pagsusulat. Matapos namin magtanghalian ni Uno ay naidlip muna kami pero nagising ako sa mga katok sa pinto. Tinanggal ko muna ang braso ni Uno na nakayakap sa akin.

Sino naman 'to? E, mamaya pa ang uwi ni Alyssa, saka may susi naman siya ng bahay kaya hindi na niya kailangang kumatok. 

Tinatali ko ang buhok ko habang naglalakad palabas sa kwarto ko pero tuloy-tuloy pa rin ang katok sa pinto. "Sandali!" Shutang 'to!

Bachelor Escort (Rewritten)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ