#BEChapter15

28.2K 644 81
                                    

Ang sakit.

Alam ko namang darating ang araw na matatapos din ang agreement namin pero hindi lang ako naging handa kasi kung kailan nasanay na ako sa presensya niya, bigla namang natapos ang lahat. 

Agad na bumangon si Eliot matapos niyang sabihin na itigil na namin ang agreement namin. Naiwan lang ako sa kama at pinanood lang siyang pumasok sa banyo. Kinuha ko naman ang kumot at ibinalot sa katawan ko. Yinakap ko pa ang sarili ko.

Tapusin na natin 'to, Mimi.

Ume-echo pa rin sa tenga ko ang sinabi niyang ito. Ganito pala ang pakiramdam na hiwalayan ka ng jowa mo. Iyong tinatapos na niya ang relasyon niyo kahit ayaw mo pa. Iniisip mo kung saan ka nagkamali, ano ang nagawa mo. Totoo pala na parang hinihiwa ang puso mo. Ang sakit-sakit.

Mas doble ang sakit sa akin kasi wala namang kami. Iyong agreement namin ang tinatapos niya. Ako lang 'yong tangang nagkagusto sa kanya. 

Muling bumukas ang pinto ng banyo at lumabas si Eliot. Nakatapis lang siya ng tuwalya at agad na kinuha ang mga damit niya para magbihis. Pinanood ko lang siya sa mga ginagawa niya. Hindi ko naman siya pwedeng pigilan dahil wala namang kami. Kliyente ko lang siya na pwede niyang bitawan kapag ayaw na niya.

"Ipapasa ko na lang ang bayad, at sasamahan ko pa rin ng dagdag." Sambit ni Eliot sa gitna ng katahimikan namin. Nakatitig lang ako sa likuran niya dahil hindi niya ako magawang harapin. "Mimi, I'm very grateful for everything."

Humakbang na siya papunta sa pintuan palabas ng room pero napahinto siya nang tawagin ko siya. "Eliot."

Nanatili lang siyang nakahawak sa door knob. Hindi man lang niya magawang lingunin ako. Kahit gan'on pa man ay sinubukan ko pa rin siyang ngitian. "Salamat din, at sorry kung may nagawa akong hindi mo nagustuhan. Ingat ka palagi." 

Tumango lang siya at tuluyan nang lumabas ng kwarto para iwan ako. Doon na nagsimulang tumulo ang mga luha ko dahil ayokong makita niya akong umiiyak dahil lang sa pag-iwan niya sa akin. Kasi ayokong makita niya na gan'on ko na siya kagusto. 

Pinakalma ko lang ang sarili ko bago maligo at umalis din sa hotel room na binook ni Eliot para sa amin. Lumabas ako ng hotel at napatingin sa langit. Papasikat na ang araw.

Tangina, hindi na magiging pareho sa akin ang pagsikat ng araw.

.

.

.

.

.

Muli akong bumalik sa pinagta-trabahuan ko matapos ang kontrata ko kay Eliot. Hindi muna ako nagtrabaho bilang escort girl. Nag-waitress muna ako dahil 'di ko pa kaya ulit makipagtalik sa ibang lalaki. Maliit man ang kita, okay lang dahil kahit paano ay may naipon naman ako mula kay Eliot.

Ilang araw na rin simula nang tapusin ni Eliot ang kontrata namin. Masakit, kasi nasanay din ako na lagi ko siyang kasama tas biglang nahinto. Hindi naman ako nag-aasam na magtatagal kami pero hindi ko lang inaasahan na matatapos agad.

Masasanay din ulit ako na hindi siya kasama gaya noong mga panahon na hindi ko pa siya nakikilala. Traydor lang talaga ang mga memories kasi naiiyak ako sa tuwing naaalala ko siya. Ni hindi ko pa ngang magawang ma-delete ang mga pictures naming together.

Naging brokenhearted ako sa lalakeng hindi ko naman naging jowa.

"Uy," Tawag sa akin ng katrabaho ko sabay bangga niya sa balakang ko. Napatingin ako sa kanya nang may nginuso siya. "Iyon 'yong naging kalandian mo 'di ba? Bakit hindi mo na siya client?Ano'ng nangyare sa inyo, 'te?"

Bachelor Escort (Rewritten)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang