#BEFINALE

39.5K 1.1K 519
                                    

"Shit." Bulalas ng doktor ng may pumutok na ugat mula sa utak ko kaya sumirit ang dugo at nagkalat na ang dugo sa utak ko.

Kita kong medyo nag-panic sa loob ng operation room dahil sa nangyari. Kita ko rin ang sarili kong nakapikit lang sa ibabaw ng operation bed. Sinubukan kong ngitian ang sarili ko. You have led a fulfilling life, self. It may be a brief existence, but it was a memorable and wonderful life.

Malungkot man pero tanggap ko na ang mangyayari sa akin. Alam ko ang kumplikasyon ng operasyon ko. Ito ang naging rason kaya pinili kong itago ang sakit ko sa pamilya ko at nabuhay sa mga nakalipas na taon sa isang buhay binata dahil hindi ko na nakikita ang sarili ko na magkakaroon pa ng sariling pamilya dahil hindi ko kayang maatim na iiwan ko rin sila agad.

Pero dumating si Mimi. I thought she was like the other ladies I had been with, but something happened to me on our first night. I felt like I wasn't just having sex with her but rather making love to her that night. Pinilit kong iwasan siya pero hindi ko maintindihan ang sarili ko dahil hinahanap-hanap ko siya. And then, I broke my own rules for her.

"Doc." Bulalas ng isang nurse. "Bumabagsak ang pulse rate ng pasyente."

"Bovie." Mahinahong sambit ng duktor sa isa pang nurse at agad naman itong ini-abot ng nurse sa kanya. Sinubukan niyang pahintuin ang dugo mula sa ugat na nasira sa ulo ko. "Suction."

"Tumataas din ang BP ng pasyente, doc." Sambit pa ng anesthesiologist. "This might cause to cardiac arrest. Hindi kakayanin ng pasyente 'to."

"Defribrilator." Utos ng doctor kaya linapit sa kanya ang defribrilator. Tinapat ng doctor ang isang electrodes sa kanang dibdib ko habang ang isa ay sa kaliwang ribs ko. "Clear!"

Umangat ang katawan ko bilang reaksyon sa kuryente. Kita kong huminto ang heart beat ko sa monitor. Muling linapat ng doctor ang electrodes sa dibdib ko. "Clear!" Nag-react ulit ang katawan ko sa kuryente kaya bumalik ang heart beat ko pero mababa na lang.

"Doc, bumabagsak pa rin ang pulse rate ng pasyente. Baka mag-body shock na siya---" Hindi na natapos ng nurse ang sinasabi niya ng mag-flat line ako. Mas lalong nataranta ang mga staff sa loob ng operation room. Sinubukan pa akong buhayin ng doctor ng tatlong beses gamit ang defribrilator pero nanatili akong flat line.

Napatingin ang doctor sa orasan. "Time of death, 12:45 am."

Napakuyom ang kamao ko at nakadama ng lungkot. Kahit alam kong maliit lang ang chance na mabuhay ako ay pinanghawakan ko 'yon dahil gusto ko pa ring humaba ang buhay ko para makasama pa ang mag-ina ko.

Pinilit kong ngumiti at linapitan ang sarili kong nakapikit sa operation bed---wala ng buhay. You did a great job, Eliot. Ang mahalaga ay nilaban mo at hindi ka sumuko, pero hanggang dito na lang muna tayo sa mundong ito. Kung totoo man ang reincarnation, sana sa susunod kong buhay ay wala na akong sakit para hindi na ako natatakot sa kada araw na baka ito na ang huling araw ko.

Ang hiling ko lang sa next life ko ay sana gwapo at yummy pa rin ako.

Pinuntahan ko naman si Mimi sa kwarto niya. Gusto ko sanang makapag-paalam bago ako tuluyang tumawid sa kabilang buhay. Hindi ko alam kung totoo nga ba ang langit, pero kung totoo man, hihintayin ko siya sa langit. Kung hindi man kami magtagpo sa langit, hihintayin ko siya sa susunod pa naming buhay.

Naabutan ko siyang umiiyak lang. Nasasaktan ako sa nakikita ko. Nalaman na niya sigurong wala na ako. Gusto ko siyang aluin pero hindi na pwede. Hindi ko na siya kaya pang hawakan. Kung may paraan lang para mayakap ko siyang muli...

"'Mi," Tawag ko sa kanya kahit hindi naman na niya ako naririnig pa. "Sorry sa mga lungkot at sakit na ibinigay ko sa'yo. At salamat dahil pinili at tinanggap mo pa rin ako. Sana talaga, sa susunod kong buhay ay wala na akong karamdaman. Dahil gagawin kong maayos ang una nating pagkikita. Ikaw ng bahala sa anak natin, ha? Magpakatatag ka. Hindi ka pababayaan ng pamilya ko. Mahal na mahal ko kayong dalawa ni Tala."

Bachelor Escort (Rewritten)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें